Chapter Thirty-Seven

75 1 0
                                    

It was useless.

Naka-silent mode nga ang phone pero minuminuto ko namang chinecheck kung may dumating na bagong message. This is why I didn't want to be attached with this person kasi sa huli, dito rin ang bagsak ko. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit naghihintay pa ako sa mensahe niya eh gabing-gabi na. Baka tulog na 'yon.

Oh baka bumalik sa hospital. Taking care of Hannah.

Don't get me wrong... hindi ako nagseselos. Hindi ko lang mapigilang mag-isip na parang nagsisisi siyang isinama niya ako roon. Hannah's is his friend after all. He surely felt bad for Hannah's situation now.

I sighed.

Tapos mas lalo ko lang pinalala 'yong sitwasyon. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang mga iyak ni Hannah, ang pagmamakaawa, ang galit, lungkot. Lahat 'yon dahil lang sa akin.

Kaya ko ba 'to? Kaya ko bang umaktong normal habang alam kong may isang taong nahihirapan doon?

Winaksi ko nalang 'yon sa isipan ko at tinaob nalang ang cellphone sa ibabaw ng katabi kong mesa at saka dumapa sa kama para matulog.

Noong maghating gabi... mahimbing na ang tulog ko. Naalimpungatan nalang ako nang may parang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa mukha ko. Dahil madilim ang buong kwarto, nagliliwanag ng sobra ang screen ng cellphone ko, rason para magising ako nang husto. Nakalimutan kong i-off kaya kinuha ko agad 'yon sa inis.

Bahagya akong bumangon. Naka-display ang pangalan niya doon sa screen. Hindi ko sana papansin dahil inaantok pa ako nang biglang nandilat ang mga mata ko.

Kamuntikan ko pang maihulog ang cellphone dahil sa gulat at saka mabilis na napabangon para basahing mabuti ang nasa screen.

Nagtagal ang pagtunog ng cellphone, pinagkatitigan ko lang 'yon hanggang sa namatay ang tawag. Takang-taka naman ako kung bakit sa ganitong oras pa siya tumawag.

Ilang segundo lang ay lumabas ulit ang pangalan niya sa screen. Tumatawag ulit.

Mabilis akong napatikhim at nagbilang muna hanggang sampu bago sinagot ang tawag.

"Madie?"

"Hello?"

"It's me." he sighed.

Tumango lang ako. "Anong oras na. Napatawag ka?" tanong ko.

Walang sumagot. Tiningnan ko ulit ang screen ng cellphone ko kung nasa linya pa ba siya at nandoon pa naman.

"Hello..." pukaw ko sa kaniya. Baka sa late na niyang tumawag, nakatulog na siya riyan.

Narinig ko ulit ang malalim na pagbuntong hininga niya. "I'm sorry, naistorbo ba kita?"

"Tingin mo?"

Bigla siyang natahimik.

"Wala ka bang sasabihin? Tumawag ka lang ganon?"

"Galit ka ba?" ang malumanay niyang tanong.

Paanong hindi magagalit...

"Tumawag ka lang ba para tanungin 'yan?"

Bumuntong-hinga ulit siya. "I'm really sorry."

Hindi ako sumagot at napatingin nalang sa sahig. Nagpaligsahan nalang kami doon kung ilang beses sa isang minuto ang pagbuntong-hininga namin. Mas lalo akong naiinis.

"Magpahinga ka na. Bukas na tayo mag-usap,"

"Can you come out for a second?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Agad akong bumalikwas sa kama at dumungaw sa bintana nang may napagtanto ako.

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now