Chapter Twenty-Five

137 4 2
                                    

It's a rainy day. Tinatamad kaming dalawa ni Bea na pumasok sa trabaho. Kinailangan ko pang mag ipon ng energy para pilitin siyang tumayo sa kama niya. Tulog mantika pa naman ang babaeng 'to plus buntis pa kaya talaga namang nahirapan ako.

Pinatungan ko ng sweater ang suot kong uniform dahil maulan nga, malamig sa labas, kagabi lang ay paambon ambon lang, noong mag madaling araw ay saka na bumuhos ang malakas na ulan, humihinto pero maya-maya ay uulan na ulit.

Sa gate ng school ay sinalubong kami ni Clark na may dalang payong. Nang ihinto ko ang kotse ay saka palang nakalapit sa pintuan si Clark. Pasimple nalang akong napaismid nang payungan niya si Bea at ako ay binigyan niya lang ng payong.

Ang OA naman kung makayapos nitong si Bea. Kita ko pa ang ngisi niya nang higitan siya ni Clark para hindi siya mabasa ng ulan dahil nagshi-share lang sila sa iisang payong.

"Talande!" bulong ko kay Bea at nilabas niya lang ang dila niya para asarin ako. Sinundan ko sila ng tingin habang iniiwan ako rito. Napabuntong-hininga ako at saka kinuha ang bag ko. Sinarado ko ang pinto pagkatapos ay naglakad na.

"Tipaklong!" sigaw ko sa gulat nang may bigla nalang bumunggo sa likod ko. Muntik pa akong masubsob sa putikan. Mabilis kong tiningnan kung sino ang may gawa nu'n. At sino pa ba kundi si Monica lang?

"Mag-iingat ka naman!" sigaw ko. Aga-aga bwiset!

Bumaling siya sa'kin na kunwari nagulat pang nando'n ako. "Oh, sorry! Hindi ko sinasadya!" ngumiti siya sa'kin saka na umalis.

Seriously, kailan ba mag-aastang matanda ang babaeng 'to?! Ang isip bata eh.

Inirapan ko nalang siya kahit hindi naman niya 'yon makikita. Pinagpagan ko ang sweater kong nabasa nang konti.

"Goodmorning ma'am!" bati ng mga kadarating lang na istudyante. Agad napalitan ng ngiti ang kaninang nakasimangot kong mukha.

"Hi! Goodmorning!" nakangiti lang ako hanggang sa makapasok na sila sa gate. Agad akong sumimangot at huminga munang malalim. Hindi ako papasok sa gate na 'yan hangga't hindi nabubura sa isip kong kalmutin ang pagmumukha ni Monica.

"Hi, ma'am! Goodmorning!" bigla nalang sumulpot sa harapan ko si Elise. Nakangiti siya pero nang makita ang itsura ko ay napalitan agad 'yon ng pag-aalala. "Ayos lang kayo?"

Sinubukan kong ngumiti nang malapad. "Ah, oo, okay lang ako. Goodmorning din!"

Unti-unti ulit siyang ngumiti. Nagpaalam agad siyang papasok na siya. Nilingon ko ang kotse nila at nakita kong nakaparada pa. Sumingkit ang mga mata ko para hanapin siya nang bigla nalang may humila sa'kin.

Anong meron ngayong umaga? Bakit ginugulat naman ako ng lahat?

Kumalma naman ako nang makita siyang hawak-hawak ako sa kamay, walang payong kaya medyo basa ang uniform niya.

"Oh bakit?" tanong ko. Tumingin muna sa paligid kung may tao ba pero nang makitang wala naman ay bumaling ulit ako sa kaniya. "Bakit ka pa lumabas? Tingnan mo basang-basa ka na!"

"I'll change, don't worry." naglabas siya ng isang paper bag na galing pa sa loob ng damit niya. Para siguro hindi mabasa. "Morning, binilhan kita nito."

Napakurap ako sa kaniya bago tinanggap ang paper bag sa kamay niya. "Ano 'to?" tiningnan ko ang loob at nakitang donuts 'yon at isang cup ng kape.

"Malamig ngayon kaya binili ko 'yan. Baka hindi ka pa kumakain. Masarap yan," sunod-sunod niyang sabi.

Inilagay ko muna 'yong tinapay sa bag, 'yong kape ay hinawakan ko lang. "Thank you. Ikaw kumain ka na?"

Ngumiti siya bigla. "Kung papayagan mo'ko."

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now