"Baka naman kaibigan lang! Walang malisya," sabi ni Bea nang sumapit ang araw ng lunes. Hawak ko ang baso ng palamig habang siya ay bote ng mineral water. Napasandal ako sa desk niya at malalim na napabuntong-hininga.
"I just think that... maybe he's too young for this? Ako, date-to-marry na talaga ang gusto, eh siya? Baka naghahanap lang ng... alam mo 'yon... masasabing girlfriend niya?"
Umikot ang mata niya. "Nag-o-overthink ka na naman! Para sa'kin lang ha, kahit hindi ko pa gaano kakilala 'yang Kael mo, feeling ko seryoso siyang tao." Tiningnan ko lang siya nang nakabusangot ang mukha. "Totoo! Makikita mo naman sa kilos niya eh! At nagpaliwanag naman siya diba?"
"Is that really good enough for me to believe it?"
Umismid siya bigla. "Eh 'yon lang. Hindi naman kita masisisi kung ganiyan nalang kalala ang trust issues mo. Para madali, alamin mo nalang kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo."
Nagtaas ako ng kilay. "Ano gusto mong gawin ko, mag-imbestiga?"
"If that's the only way to make sure then I guess you have to do it."
Tamad akong napabuntong-hininga ulit. "Wag na, hindi ko naman siya boyfriend."
"Aba! Pero nililigawan ka diba! Kahit hindi pa kayo official, may karapatan ka diyan kasi nag-confess na siya sa'yo."
Hindi ako sumagot at pinagkatitigan nalang ang baso sa kamay ko.
Dalawa lang ang daan ko sa sitwasyong 'to. Ang maniwala o hindi.
"Nagseselos ka ba?" biglang tanong ni Bea sa'kin. Tiningnan ko lang siya at hindi ulit nakasagot. "Alam mo, kaming dalawa ni Clark dumaan din diyan eh. Pag hindi ako komportable sa mga nakakasama niya, sinasabi ko sa kaniya para at least aware siya. If that Hannah makes you uncomfortable then tell Kael about it."
I scoffed. "Isipin pa nun nagseselos ako."
"Eh bakit hindi ba?"
Sasagot na sana ako pero walang lumabas sa bibig ko. Ngumiti lang si Bea at napailing bago uminom ng tubig. Nanatili akong tahimik sa tabi niya.
Hannah likes Kael. Halata naman. Manhid nalang ang di makahalata. In fact, it's already confirmed the moment I heard her cry when she called Kael. Si Kael ang iniisip ko. Matagal na niyang kaibigan si Hannah. Base sa kanilang samahan, masyado na silang komportable sa isa't-isa. Tulad ko, alam kong alam na alam niyang may gusto sa kaniya ang babae, even his friends knows it. Inaasar pa nga sila minsan. Ang bumabagabag lang talaga sa isip ko... 'yong bagay na 'yon. Should I really believe that nothing's happened? Lasing ang kasama niya, lalaki si Kael. May karapatan ba talaga akong magreklamo sa mga ganitong sitwasyon? Natatakot akong baka kapag i-open up ko 'to kay Kael... sabihin pa niyang paranoid ako... tulad ng sinasabi ni Paulo sa'kin noon.
"Ang mabuti pa... magpalamig ka muna ng ulo. Saka mo na siya kausapin tungkol diyan kapag ready ka na." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumunog na ang bell. Tapos na ang lunch break kaya't tumingin na ako kay Bea para magpaalam. Tinanguan niya agad ako at nginitian.
"Oh, mint candy, pampakalma." inilagay niya sa palad ko ang mga kinde na baon niya saka ako tinapik sa balikat. "Kaya mo 'yan!"
Tipid nalang akong ngumiti. "Salamat dito, Bea."
"Welcome! So paano? Bye na!"
Tumango muna ako saka na nagpaalam sa kaniya. Habang naglalakad patungo sa classroom ko ay bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa bulsa at nakitang may nagmessage sa'kin through facebook.
It was not Kael... hindi rin si James. It was a message request.
Nangunot ang noo ko ng makita ang isang hindi pamilyar na pangalan.
YOU ARE READING
Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)
RomanceEverybody makes mistake. And this is my favorite mistake.