Chapter Twelve

131 7 0
                                    

"Hmmm..."

Ano 'yon?

Kinapa kong maayos ang unan na yakap ko. Ang tigas naman ng unan kong 'to. Sa kakakapa at lumubog ang daliri ko sa dalawang butas na hindi ko alam kung saan galing.

"Hindi ako makahinga..."

"What the hell!" napahiwalay agad ako kay Bea. Nang makita ko ang kagigising palang niyang itsura ay napahinga ako nang maluwag. "Anong ginagawa mo rito? Dito ka ba natulog?" tanong ko.

Tumango siya at pumikit ulit. Tiningnan ko ang oras at alas sinco palang ng umaga.

Ang aga ko namang nagising.

Kinuha ko ang phone ko para sana bunutin lang ang charger pero naisipan kong mag-log in agad sa facebook.

Bumagsak agad ang balikat ko nang makitang wala man lang siyang isang message sa'kin. Hindi rin siya nag-online mula pa kahapon. Ni-log out ko nalang agad. Napatulala sa madilim na kwarto. Iniisip na bakit ko ba inaalala 'yon? Bakit sobrang bothered naman Madie?

Kumunot ang noo ko nang yakapin ako ni Bea habang nasa tabi ko siya. Nakadilat na ang mata at nakatingin lang sa'kin. Inamoy-amoy pa niya 'yong balikat ko.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Oh bakit?" nagtataka kong tanong.

Umiling siya. "Wala naman. Ang pretty mo pala kapag bagong gising."

Nginiwian ko siya. "Wag mo'kong inuuto, ang aga aga pa Bea."

Mas lalo pa siyang nagsumiksik sa'kin. "Totoo naman ah."

Hindi ko siya pinansin at nag inat inat nalang. "Kailan bibisita ang parents mo rito?" tanong ko sa kaniya.

"Next week pa raw."

Tumango ako. "Nasabi mo na ba kay Clark?"

Tumango siya. "Nasabi ko na sa kaniya bago ko pa sabihin kila mama."

"Good..." Bumangon na ako pero talagang nakalambitin siya sa'kin. Kumunot ulit ang noo ko. "Maghahanda na ako ng breakfast."

"Okay..."

"Anong okay? Bitawan mo'ko."

Hindi siya nagsalita. Para siyang pugita sa itsura niya ngayon. Sinubukan kong kumawala sa kaniya pero ayaw niya. Ang ending, sabay kaming umalis sa kama nang nakadikit pa rin siya sa'kin.

Hindi ko talaga alam kung anog trip niya ngayon.

Ang sabi niya ay gusto niya raw ng longganisa ngayon, ako naman itong mabuting kaibigan, pinagluto siya ayon sa kaniyang kagustuhan, kahit pa kailangan ko pang bumili ng longganisa sa palingke.

Nakadalawang platong kanin ata siya eh. Parang gutom na gutom pero sinuka niya rin pagkatapos.

Nagulat na nga lang ako nang umiiyak siya doon sa may inidoro. Doon ko kasi siya dinala dahil nga suka nang suka.

"Hoy! Ano nga masakit sa'yo? Iyak ka nang iyak!"

But instead of answering, she only hugged me, still crying. Lumambitin na naman.

Ano ba 'tong mood ng babaeng 'to!

Side effects ata 'to ng pagbubuntis!

Pinilit ko pa siyang maligo dahil may trabaho pa kami. Sinabi ko na ngang pwede naman muna siyang mag-leave pero ayaw niya. Kaya niya naman daw.

Hindi ko na pinilit. Paiba-iba pa naman ang mood nito.

Nakaplay sa loob ng kotse ang kanta ni Bruno Mars na "Lazy Song" habang nasa byahe kami. Tumatapik-tapik ng nga daliri ko sa manibela habang sumasabay naman ang ulo ni Bea sa beat.

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now