Chapter Twenty-Eight

96 3 0
                                    

"May hindi ka ba sinasabi sa'kin?" tanong bigla ni Bea nang makapasok sa kwarto ko.

Naputol ang iniisip ko at ang pagkatulala sa labas ng bintana. Napalitan ng kaba ang kaninang kalmado kong puso habang tumitingin kay Bea.

"H-Ha?"

"May problema ka noh? Napapansin ko lagi ka nalang ganiyan. Tell me, ginugulo ka na naman ba ni Paulo? Or kung hindi siya, si Monica?"

Napahinga ako nang maluwag nang malaman na hindi naman pala niya ako hinuhuli.

"Ano ka ba, wala. Hindi ko na rin nakakasalubong ang mag-asawang 'yon. Pagod lang ako."

Umupo siya sa tabi ko hawak-hawak ang malaki niyang tiyan. Bumaling ako doon at hinaplos 'yon.

"'Yong sinabi ko sa'yo Bea... wag ka basta-bastang sasakay sa escalator baka magaya ka sa nangyari kahapon."

"Hindi naman ako nag-ma-mall eh." tumawa siya.

"In case..."

Bumuntong-hininga siya at tumingin rin sa labas ng bintana. Maliwanag ang buwan...

"Let's eat pizza?"

Bumaling ako sa kaniya. "Katatapos lang natin kumain ng hapunan ah..."

"Nagugutom ako eh," sagot niya.

I laughed. "Katakawan mo talaga..."

Naglabas ako ng cellphone at nag-order ng pizza online. Bumaba kami sa kwarto at nagpuntang sala. Binuksan namin ang TV at nanuod ng Netflix. Tagal ko na rin di nanunuod ng movies.

Kalahating oras ang nagdaanan nang pumasok sa bahay si Clark bitbit ang apat na kartong pizza.

Bea gasped the moment he saw Clark, like she was excited to see him. Mukhang may nangulila ah.

"Akala ko kung sinong lalaking nakatayo sa harap ng gate, delivery boy pala." napailing si Clark.

Napangiti ako nang tumalon si Bea para yumakap sa kaniya. Umiling-iling ako at tumingin nalang sa TV. Heto na naman 'yong mood ni Bea na minsan hindi maintindihan. Last week lang halos pagtulakan niya si Clark eh. Buti nalang talaga mahaba ang pasensya nitong si Clark.

Oh, and out of topic, I asked them both kung magsama nalang silang dalawa since malapit nang manganak si Bea. My bestfriend needs a man who can take care of him, and that's Clark. Para kasing ako na ang nahihiya kapag pumupunta rito si Clark. Parang ako na 'yong out dito. Parang iniistorbo ko silang dalawa everytime na magkikita sila rito. Hindi ko sila pinapalayas ah. Ako nalang siguro aalis dito kasi... really... I cannot stand seeing them like this anymore! Naiinggit ako! But I'm so happy for them. Walang halong echos.

"Gawa tayo popcorns!" masiglang sigaw ni Bea at tumakbo agad sa kusina. Nagkatinginan kami ni Clark saka napailing-iling. Maya-maya ay sumigaw si Bea sa kusina. "Clark we don't have popcorns pala?!" Sasagot sana kami nang magsalita ulit siya. "Gagawa nalang tayo ng potato fries!" sigaw niya roon kaya bumaling ulit kami ni Clark sa harap ng TV.

Maya-maya'y sumigaw ulit si Bea sa kusina. "Madie wala rin tayong patatas?!"

Bigla nalang tumayo si Clark. "I'll buy... mahirap na baka magalit pa 'yan."

Natawa ako. "No, ako na. Dito ka nalang. Kadarating mo lang eh."

"No, ako na."

Umiling ako. "Ako na. Wag ka nang makipagtalo." pumunta ako sa kwarto para magsuot ng sweater at bumaba agad para lumabas ng bahay. Syempre hindi ako bibili nang mag-isa lang.

I was about to call Kael nang maalala kong busy siya. Hindi niya sinabi pero istudyante siya, so busy siya. Tinawagan ko nalang si James imbis na si Kael.

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now