Nakaupo lang ako sa sofa kaharap ang mama ni Kael. Late na'ko pero isinantabi ko muna 'yon dahil parang ang bastos naman kung aalis ako agad. Lalo na dahil nandito ang mama ni Kael.
Hindi ako makatingin nang deretso sa kaniya. Buti nalang katabi ko si Kael. Ang kamay niya ay nasa likod ko lang, marahang naglalaro ang mga daliri niya roon. 'Yon ata ang paraan niya para kumalma ako.
"Hindi mo ba siya ipapakilala sa'kin, Kael?" nakangiting tanong ng mama niya sa kaniya.
Agad akong bumaling sa katabi ko. Blanko lang ang tingin ni Kael sa kaniya. Tumikhim muna siya bago tumingin sa'kin.
"Madie, she's my mom. Mom, si Madie nga pala."
"Your girlfriend?" tanong niya ulit.
Lumikot ang mga mata ni Kael. "Not yet... nililigawan ko pa po siya."
Tumaas ang mga kilay ng nanay niya saka tumingin sa'kin.
"Uso pa ba 'yon?" mahina siyang natawa.
Napakagat-labi ako at tumingin ulit kay Kael. Kinakabahan talaga ako sa presensya ng mama niya. Parang kahit tumatawa siya ay ramdam mo pa rin ang pagka-istrikta niya.
"I want to be her boyfriend..." deretsong sagot ni Kael sa mama niya.
"Well, then why she's here?"
Bumigat na ang paghinga ko.
"I invited her here," walang kurap na sagot ni Kael.
Tumawa ulit ang mommy niya. "Hijo, that's not the right way to court a girl," naiiling niyang sabi.
Paulit-ulit ang pagsulyap ko kay Kael kahit hindi niya ako matingnan dahil nakapako ang tingin niya sa mommy niya.
"Hindi ba parang ang pangit naman sa paningin ng mga ibang tao kung babae pa ang dadayo sa'yo?"
Para akong binuhusan ng isang timbang malamig na tubig. Nasapol ako doon sa totoo lang. Ni hindi na ako nabigyan ng oras para makailag. Si Kael ang kausap niya pero parang sa'kin ang mga salitang 'yon.
"Isa pa, naipakilala ka na ba niya sa mga magulang niya? If you're truly want to be her boyfriend, you should ask her parents permission first."
Pareho kaming hindi nakapagsalita.
"Wag kang manligaw sa babae kung hindi mo alam kahit batayan ng tamang panliligaw."
Napalunok ako at humigpit naman ang hawak ni Kael sa likod ko. Wala kaming masabi dahil totoo naman. Pareho kaming nasapol, pareho kaming guilty.
"Alam ba 'to ng parents mo Madie?" naging matamis ang bigkas niya nang bumaling siya sa'kin.
Tumingin ako sa kaniya, hindi makangiti, saka mabagal na umiling.
Nakita ko siyang suminghap at pinilit na ngumiti.
"Saan ka nag-aaral?" tanong niya.
Doon na ako kinabahan.
"Mom, stop asking her question," sabat ni Kael.
Hindi siya pinansin ng mommy niya, hindi natanggal ang tingin sa'kin at parang hinihintay ang magiging sagot ko.
Binasa ko muna ang labi ko bago sumagot. "Uhm, nag-aral po ako sa STA University, College of Education."
"STA University?" ulit niya at nag-isip saglit. "Hmm, I haven't heard that name yet." ngumiti siya. "What year are you now?"
Mas lalo akong napalunok.
Huminga muna ako ng malalim at sinagot siya. "I... I graduated Bachelor of Education and now I'm currently teaching as a Literature teacher in Ukison Senior Highschool."
YOU ARE READING
Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)
RomanceEverybody makes mistake. And this is my favorite mistake.