Chapter Five

193 10 1
                                    

"No..." umiling siya. Tumingin siya sa kawawa kong kaibigan. "Nakita ko siyang walang malay sa labas ng bar kaya hinatid ko siya. Yon lang."

Napakurap ako.

Saka ko lang narealize na ang OA ng reaction ko kanina.

Eh ano naman ngayon sa'yo Madie kung halimbawa ka-date niya nga talaga si Bea? Sige nga!

"Uh... sorry. Salamat sa paghatid sa kaniya." nag-iwas ako ng tingin at saka na inalalayan si Bea. Kaso sa sobrang bigat niya at naka-heels pa ako ay hindi ko kinaya.

"Ako na." mabilis na kinarga ni Kael si Bea at tumingin sa'kin. Umungol lang ang babaita at nanatili pa ring nakapikit.

"Thanks... sandali, bubuksan ko lang ang bahay." tumakbo na ako at kinuha ang susi sa bag. Nang mabuksan ko 'yon ay niluwagan ko ang awang ng pinto at pinauna silang pumasok. Nang makatapak na sila sa loob ng bahay ay sumunod naman ako saka sinarado ang pinto.

"Where's her room?" tanong niya. Nag-echo ang boses niya sa buong bahay. Tumindig lahat ng balahibo ko.

"Uh... dito. Sumunod ka sa'kin." nauna na akong naglakad at saka umakyat papunta sa kwarto ni Bea. Pumasok ako do'n at binuksan agad ang ilaw.

Tingnan mo 'tong babaeng 'to! Ang gulo ng kwarto!

Nagligpit-ligpit muna ako bago pinahiga si Bea sa kama niya. Hinubad ko ang heels niya at binuksan ang electricfan. Kanina pa kasi siya reklamo nang reklamo na mainit daw.

"Thanks again." bumaling ako kay Kael na kanina pa pala nakatingin sa'kin. Pero nag-iwas agad siya ng tingin.

"Una na ako." lumabas na siya ng kwarto kaya sinundan ko siya.

"Uhm pwedeng magtanong kung anong nangyari kay Bea?"

Lumingon siya sa'kin pero sandali lang 'yon. "Nakita ko lang siyang nakaratay sa labas... lasing na lasing."

"Wala ka bang nakitang ano... uhm... lalaking kasama niya?"

Umiling siya. "I found her alone."

Napatango nalang ako. "Sige thank you ulit. Ingat ka sa pag-uwi."

Nakita ko na naman siyang pinasada ang tingin sa suot kong damit. Wala sa sarili kong pinag-krus ang hita ko.

"Had a date?" ang simple niyang tanong saka na nagpatuloy sa paglalakad.

Napakagat labi ko at sumunod sa kaniya. Hindi ko na siya nasagot dahil ang bilis niyang makapunta sa gate.

"Aalis ka na?"

Tumango siya. "Yeah..."

Lumunok ako. "Oh... okay..."

Tumingin siya sa'kin bago buksan ang pinto ng kotse niya. "Pumasok ka na. Gabi na." and then he slipped in to the car and started the engine. Sumulyap pa siya sa'kin sa bintana... akala ko may sasabihin pa siya pero pinaandar niya na ang sasakyan.

"Pumasok kana. Gabi na."

Napapikit ako.

Shit... what was that? After mong makipag-date Madie, really?

Tulala ako nung sumapit ang sabado. Pero kung may mas lutang man sa bahay, si Bea 'yon.

"Hoy! Nyare sa'yo kagabi? Bat umuwi kang wasted na wasted?" tanong ko habang nagpapalaman ng tinapay.

Pero ang bruha mukhang hindi ako narinig. Kanina pa siya ganiyan mula pa paggising niya.

"Bea..." pinitik ko ang daliri ko sa harap niya. Napakurap naman siya at tumingin sa'kin. "Tulala ka? May problema ka ba? Kaya ka uminom?"

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now