Parehas kaming tulala ni Bea nang makauwi na kami sa bahay. Walang imik kaming dumiretso sa kaniya-kaniya naming kwarto.
Walang nagtangkang magluto ng dinner dahil alam ko... parehas kaming walang ganang kumain ngayon.
Alas siete nang may kumatok sa kwarto ko. Tumayo ako at bumaba sa kama. Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko agad si Bea na nakatayo sa labas. Iniangat niya ang bote ng alak at saka ngumisi sa'kin.
"Tara?"
Bumuntong-hininga ako.
"Hindi pa nga tayo kumakain."
"Ayos lang 'yan! Mas mabuti nga 'yon para madali lang tayong malalasing. Bumaba na tayo, ako magluluto ng pulutan." mabilis siyang bumaba ng hagdan.
Wala akong nagawa kundi sumunod aa kaniya.
Kahit nang magkaharap na kami ay parehas kaming lutang. Para na kaming ewan.
"May problema ba tayo rito?" tanong ni Bea nang ilapag ang baso sa circled table ng sala.
"Wala. Ikaw meron?" tanong ko pabalik at tiningnan ang reaksyon niya.
Ngumiti lang siya. "Wala." saka umiling.
Ayaw niya talagang magsabi. Anong iniisip niya at hindi siya nagtitiwalang sabihin sa'kin?
"Eh bakit tayo umiinom dito?"
Kumibit-balikat lang siya. "Baka lang kasi may sama ka ng loob ngayong araw."
"Huh? Bakit?"
"Ikakasal na ang ex mo diba?"
Kumunot ang kilay ko. Ginawa pang excuse 'yong pagpapakasal nila Paulo.
"Tingin mo apektado pa rin ako?" napailing ako. "Pupunta tayo do'n Bea!"
Nag-angat siya ng tingin sa'kin.
Nararamdaman ko lang na kailangan pumunta kami. Invited naman kami diba? At alam kong invited lahat ng teachers ng Ukison... that means... pati si Clark pupunta.
"Nagbago na isip mo?"
Tumango ako bilang tugon.
"Okay." nilagok niya ang nasa baso niya saka 'yon tinaas pagkatapos. "Tayo ang sasalo sa bouquet!"
Tumawa ako. "Mukhang hindi naman tayo kasali do'n."
"Isasali dapat 'yong mga hindi pa kasal!"
"Gusto mo na bang ikasal?"
"Oh please... twenty-four na'ko. Siguro naman pwede na akong ikasal." sagot niya.
"Paano tayo ikakasal kung ni boyfriend wala tayo?"
Pareho kaming natawa.
"Right... maghanap muna siguro tayo?"
I scoffed. "Tayo ang hahanapin nila!"
"Hell yeah right!"
Nakatingin lang ako sa kaniya habang natutulog na sa sofa. Maghahating gabi na at ubos na ang isang bote ng Alfonso sa'ming dalawa. Gusto ko siyang gisingin para umakyat na siya sa kwarto pero talagang knock out na siya.
Natapos nalang talaga kami't lahat-lahat hindi pa rin niya sinabi sa'kin ang problema niya.
Nagdadalawang isip ako. Sasabihin ko ba sakaniya o hihintayin ko nalang na kusa niyang sabihin sa'kin?
Sa kabilang sofa ako natulog since hindi pwedeng iwan ko siya rito ngayong gabi. Dahil lasing ay madali lang akong nakatulog.
Kinabukasan ay tahimik ulit kami ni Bea. Pangiti-ngiti naman siya pero halata ang stress sa mukha niya.
YOU ARE READING
Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)
RomanceEverybody makes mistake. And this is my favorite mistake.