Chapter Forty

56 2 0
                                    

"I'm going to hospital this Saturday," sabi niya habang napapakagat-labi.

Tumigil ako saglit sa pagtitipa sa laptop at bumaling sa cellphone ko kung saan nasa screen siya at nakahimlay ng pisngi sa unan niya. Ngayong gabi ay pinilit niya akong makausap over the phone kahit pa sinabi kong hindi ko siya gaanong mapagtutuunan ng atensyon dahil may ginagawa ako pero nagpumilit pa rin naman siya.

He said he wants to see me... eh ako naman itong si gurang, kinikilig agad edi gora na. Gusto lang naman daw akong makita.

"Hmm," tangi kong nasagot at bumalik ulit sa trabaho.

He sighs heavily at ngumuso lang roon. "Malapit na siyang ma-discharge roon. This will be the last time I'll visit her."

"Go on, hindi naman ako nagbabawal ah."

It's true... hindi naman talaga. Ipu-push ko pa nga siya roon eh kasi bibisita lang naman. Pero syempre may konting ano pa rin. Aminin, walang kahit sino ang hindi magseselos kahit ilang porsyento lang. Because hello! Sinong hindi diba? But of course may mga selos talaga na hindi pwedeng iboses kahit pa may karapatan ka namang magreklamo. Hindi naman lahat, 'yong iba lang lalo na't alam mong maliit na bagay lang 'yon.

"Uhmkay, hindi na pupunta."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Punta ka nga! Hindi naman talaga kita pagbabawalan, ano ka ba."

"Well... you have all the rights to stop me. In fact, I am your boyfriend."

Gumalaw ang mata ko at lumanding 'yon sa kaniya. May kung anong kiliti na naman ang naglaro sa loob ng tiyan ko nang marinig ko na naman ang mga salitang 'yon.

Wala sa sarili nalang akong napatango... pilit na tinatago ang kilig sa mukha ko.

"Madie?"

"Hmm?" tumingin ulit ako sa kaniya.

Itinukod niya ang mukha sa kamay niya at tinitigan lang ako. Napasandal ako sa inuupuan ko at pinagkrus ang mga braso.

"Fine, you can go. Tsk, pumapayag naman talaga ko." bulong-bulong ko sa huli kong sinabi.

Lumapit ang mukha niya sa camera. "Do you want to come with me?" tanong niya.

"Naku! Para ano? Para palalain ang sitwasyon niya? Imbes na malapit nang ma-discharge, mae-extend dahil nagpakita ako."

His brows furrowed. "Why would she?"

Aba'y ewan ko.

He laughed and looked at me. "Why did you roll your eyes?"

"Huh? Hindi ah."

"I promise, bibisita lang ako roon."

"Alam mo nabubwisit lang ako sa kakaganyan mo eh. Wala naman talagang problema sa akin, pinapalabas mo lang na mayroon."

He stifled a smile. "Hmm?" he hums like he doubts my answer.

Bumagsak ang ekspresyon ko at balak na sanang patayin ang tawag nang tumawa siya at pinigilan ako.

"What brand of a napkin? Are you in a red day?"

"Hindi nga kasi ako galit!"

"But you are now baby."

"Kasi nga ginagalit mo ako!"

"Oh edi galit ka nga..." he laughed.

Nagngitngit ang ngipin ko sa inis. Inabot ko ang cellphone ko at pinatay ang tawag. Ilang segundo lang ay tumawag ulit siya. Mariin kong pinindot ang pulang buton. Matapos pindutin ay lumabas na naman ang pangalan niya sa lock screen ko. Mabigat akong napabuntong-hininga at sinagot nalang ang tawag.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now