Chapter Twenty-Four

148 6 5
                                    

Warning! R-18

"Gusto mo pa ng kape?" tanong niya.

Kanina pa ako titig na titig sa laptop ko pero sadyang hindi na talaga pumapasok sa utak ko ang ginagawa dahil sa antok.

Tiningnan ko ang oras at alas nuebe palang naman ng gabi pero gustong-gusto nang bumagsak itong talukap ng mga mata ko.

"Tapos ka nang mag-review?" tanong ko sa kaniya imbis na sagutin ang tanong niya kanina.

Tumango siya. "Ngayon ngayon lang."

"So... I should go?" tinuro ko ang labas gamit ang hinlalaki ko.

Ngumuso siya at pinaglaruan ang hawak-hawak niyamg ballpen. "Hindi ka pa kumain ah."

"Sa bahay nalang ako kakain."

"Are you sure? Well, pwedeng dito ka nalang kumain. May niluto ako do'n." tinuro niya ang kusina.

Umiling lang ako. "No, hindi na. Okay lang, sa bahay nalang ako."

Mabagal siyang napatango, naramdamang hindi talaga ako mapipilit. "Thanks for... coming here."

I smiled. "Wala 'yon. Sigurado ka ba talagang naka-review ka?"

Sa buong dalawa't kalahating oras yata ay 50% asaran lang at 50% naman na nagseryoso sa ginagawa.

Nakita ko siyang natatawa ulit. Hindi maka-move on nu'ng naging reaksiyon ko kanina nu'ng hawakan niya ang namamanhid kong paa. I swear, muntik ko na siyang masapak.

"Ewan ko sa'yo." niligpit ko na isa-isa ang mga gamit ko.

Natahimik ulit siya.

"See you tomorrow," ang pahabol.

Tumayo na siya nang tumayo rin ako. Kumikinang at lumilikot ang mga mata niya pero nagkunwari akong walang napapansin hanggang sa mapunta na ako sa pinto ng unit niya.

"Wag mo na'kong ihatid."

Kumunot agad ang noo niya. "Why? Hindi pwede."

Napairap agad ako. "Kaya ko na. Dito ka lang, magpahinga ka. May pasok ka pa bukas."

"No, I'll send you off."

"Hindi, kaya ko naman eh."

"Ayoko pa rin."

Napabuntong-hininga ako.

"Fine! Makulit ka eh."

"Kunin ko lang jacket ko."

Tumango ako at hinintay siya sa pinto. Ikang segundo siyang nawala at bumalik naman agad dala-dala na ang jacket niya. Sinusuot na niya 'yon habang papalapit sa'kin.

The struggle when he forcely fit her head in his jacket made me roll my eyes. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siyang isuot ang damit. Nang maisuot ay inayos ko naman ang hood niyang magulo at saka pinagpagan ang invisible dust sa balikat niya.

Nginitian ko siya. "Tara?"

Lumapit siya sa'kin at inabot ang buhok ko. Akala ko ay may dumi ro'n, 'yon pala ay tatanggalin lang ang tali.

Magtatanong na sana ako nang bigla siyang nagsalita. "Malamig sa labas baka ginawin ka. Bagay rin sa'yo ang nakalugay."

Napahawak ako sa buhok ko. Iniabot niya ang panali sa'kin at nang aabutin ko na ay bigla niya nalang 'yong nilayo sa'kin. Sumalubong ang labi niya sa labi ko. Saglit lang 'yon at halos patikim lang. Dalawang pulgada lang yata ang naging distansya ng mukha namin nu'ng humiwalay siya.

Nakaawang ang labi ko sa gulat.

"Kailan ulit tayo magkikita?" tanong niya sa marahang boses.

Lumipat ang tingin ko sa mga mata niya. Sinubukan kong tapangan ang loob ko at wag manlambot sa harap niya. Hindi ko nga lang alam kung nahalata niya ba. "Depende kung hindi ulit tayo busy."

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now