Chapter Twenty-Seven

120 4 2
                                    

“What? May ka-relasyon kang mas bata sa'yo?" pagak na natawa si Bea. "Madie that's pedophile!"

Kanina pa kunot ang noo ko. "Anong pedophile? He's just four years younger than me!"

"He's still young and younger than you, inaabuso mo ang ka-inosentehan ng tao!"

I shook my head, "No, that's not true."

"Desperada ka na bang talaga? Pumatol ka sa bata? My god Madie!" hindi ko alam kung naiinis siya o natatawa, naglakad siya palayo sa'kin at nang humarap ay hindi na si Bea ang nakita ko, si Monica na.

"Poor you, desperate little slut."

Slut?

"Galit na galit ka sa ginawa ni Paulo, bumigay ka rin naman sa ibang lalaki, at mas bata pa sa'yo!"

"You don't have the right to say that to me! Ikaw ang malandi rito!"

"Oh, please! Nagmamalinis ka na naman? Kunwari inosente ad desente, 'yon pala may tinatagong baho!"

I gritted my teeth.

"You're my friend, Madie. But I can't support you with that." lumitaw si Bea sa likod ni Monica. They both stand in front of me and stared straight.

Napaatras ako at tinitigan silang dalawa, pakiramdam ko ay hindi lang sila dalawa ang nakatitig sa'kin. Marami pa sila.

Isa-isang naglitawan sina James sa likod nila, si Paulo, kasama na doon si Elise. Naguguluhan man pero ramdam ko ang sakit sa dibdib ko. Seing Bea with Monica, James with his cold gaze, and Elise who looks at me like I'm a disgusting creature she have ever seen.

"Wake up Madie! Wag kang desperada!"

Naistatwa ako. Hinanap ko sa paligid si Kael para maghanap ng kakampi. Nang mahanap ko siya ay mas lalong sumakit ang dibdib ko.

Naroon siya at kasama si Hannah. Dumaan pa sila sa harapan ko pero para lang akong hangin na nilagpasan nila at hindi pinansin.

"Kael?"

Lumingon siya sa'kin pero sandali lang 'yon at tumingin ulit sa kasama niya.

"I don't want you for my brother." nabaling ang tingin ko kay Elise. Nakataas ang isa niyang kilay habang nakakrus ang braso sa dibdib niya. "You're a good teacher but that doesn't mean that you're good for kuya. Sisirain mo lang ang buhay niya!"

"I can't believe you choose him over me." sumabat naman si James. "Kaya kong ibigay sa'yo lahat but you still choose that kid because what? You're desperate? A stupid woman who believes in every words he says!"

Nalaglag ang panga ko at tiningnan sila isa-isa. Nagngisihan silang lahat. Unti-unti akong napailing.

"No, hindi 'yan totoo..." hinagilap ko ulit si Kael pero hindi ko na siya makita pa.

"Kael?!"

I ran the neverending darkness. Kahit wala akong makita ay patuloy ko pa rin siyang hinanap. Kahit may iba na siyang kasama at patuloy ko pa rin siyang kinailangan. Sa gitna ng takot at pagkabalisa ko ay alam kong siya lang ang lulunas no'n. Alam kong siya lang ang kaya akong pakalmahin. Si Kael lang.

But then I can't find him in the dark. Slowly, my tears and sob I stifled bursts out instantly while calling his name.

Ramdam ko ang init ng mga luha ko, rinig ko rin ang nakakabingi kong mga hagulgol nang may humawak sa magkabila kong pisngi at mariin akong hinalikan.

"Shhh It's just a dream..."

Napamulat ako. Mabilis ang tibok ng puso ko. Pumalibot ang tingin ko sa buong paligid at nakita kong nasa madilim akong kwarto. Nasa loob ako ng malalaking bisig ni Kael habang yakap-yakap niya ako at pinapakalma. He gently carresses my hair as I continued sobbing.

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now