Chapter Seventeen

143 5 0
                                    

"Saan ka naman nagpunta kagabi at bigla-bigla ka nalang nawala?"

Napanguso ako nang pagbaba ko ng kwarto ay 'yon agad ang bubungad sa'kin. Hindi ako umimik at dumiretso lang sa mesa para magtimpla ng kape. Ramdam ko naman ang mapanuring tingin ni Bea.

"Kasama mo si James kagabi, ano?"

"What?" tumingin ako sa kaniya saka napailing. "Wala akong kasama kagabi. Kinailangan ko lang talagang umalis do'n. Nababanas ako."

"Bakit?"

Bumuntong-hininga ako. "Baliw talaga ang Paulo na 'yon."

"Bakit? Anong nangyari?" tumigil siya sa pagkain ng agahan at tinuon ang atensyon sa'kin. "Don't tell me..."

"Nabadtrip lang ako kagabi kaya umalis ako."

"Anong ginawa niya sa'yo? Sabi ko na nga ba eh may gagawin siyang kabaliwan! Akala niya ba hindi ko nahahalata ang mga pasulyap-sulyap niya sa'yo kagabi?" asik niya saka napailing. "Ano bang ginawa niya sa'yo?" tanong niya.

Marahas akong napabuntong-hininga at uminom na ng kape pagkatapos ay tumingin sa kaniya. "Sinundan niya ako nung gagamit sana ako ng restroom..."

"Kaya naman pala biglang nawala ang groom doon!" pinagsiklop niya ang kaniyang dalawang palad. Parang pinagtagpi-tagpi niya lahat ng mga pangyayari. "Oh tapos? Anong ginawa niya sa'yo?"

Umupo ako sa harapan niya. "I wasn't really expecting him to follow me and force me to talk to him but he really did." tumingin muna ako kay Bea. "He told me he still love me."

Nalaglag ang kaniyang panga. "THAT CRAZY PRICK! KASAL NIYA KAHAPON HELLOOOO!"

"I know right! Ayaw nga akong tigilan kagabi eh buti nalang dumating si Kae—" I stopped.

Kumunot ang noo ni Bea. "Sino?"

Tumikhim ako. "Buti nalang may dumating na security kaya napigilan niya si Paulo. Jusko! Nasi-stress ako kagabi eh! Kapag malaman 'yon ni Monica siguradong mag i-iskandalo 'yon."

"Naku! Sure 'yon! Alam mo na... takot gawin sa kaniya ang ginawa niya sa'yo." umirap siya. "Pero sana naman tinext mo'ko para hindi ako nag-alala kagabi!"

Ngumuso ako. "Sorry..."

Sasagot pa sana siya pero naunahan na siya ng pagtunog ng cellphone ko. Sinenyasan ko siya na "sandali lang" at binuksan ang bagong message.

Jameson:

Goodmorning!

Tipid akong ngumiti at ni-replyan siya agad.

Kinabukasan ay balik iskwela na naman. The morning was so normal and as usual. Gigising ka nang maaga, maliligo, kakain at aalis. Maganda ang panahon sa labas... pero parang may kung anong kulang sa umagang 'yon... pero ipinagkibit-balikat ko nalang.

Sensitive na naman masyado ang panlasa at pang-amoy ni Bea sa mga sumunod na araw. Ilang linggo ang dumaan mula noong kasal nila Paulo. Ayaw sa amoy ng aircon. Kaya 'yong plano naming magkasamang mag-grocery ay naudlot na naman. Mag-isa na lang sana akong pupunta ro'n dahil kailangan na talaga ng bagong stocks. Buti nalang at saktong dumating si James.

"Grabe, kahit tinitingnan ko lang ang kalagayan ni Bea parang ang hirap-hirap na. Parang ayoko na tuloy mabuntis." komento ko na ikinatawa lang ni James.

"May mga nagbubuntis naman na hindi masyadong sensitive."

Grabeng init ba naman sa bahay dahil nakapatay lagi ang aircon! Buti nalang talaga may electric fan ako sa loob ng kwarto.

"Hey? You okay?"

Tumango agad ako kay James. "Feeling ko lang kasi dinaig ko pa ang nagbubuntis. Araw-araw  nakakapagod. Dagdagan pa 'yong mga cravings ni Bea. Nagpapahanap ng atsara. Saan ako kukuha no'n?" stress kong sabi.

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now