Chapter Thirty

108 4 5
                                    

Noong hapon na 'yon talagang inabangan ni Bea ang pagdating ni Kael. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Anong magiging reaksyon ni Kael?

At eto na nga, nang pumarada na ang sasakyan niya ay agad akong napabaling kay Bea. Namataan ko si Elise kaya humigpit ang hawak ko sa kaniya.

"Sa susunod na araw nalang, nandiyan ang kapatid niya!"

"Huh?" ikiniling niya ng kaniyang ulo para silipin si Elise. "Hindi rin niya alam?" tanong niya.

"Of course! Papaano ko naman maipapaliwanag ang nangyayari sa'min ng kuya niya?"

"Sa tingin mo talaga hindi pa niya 'yan alam? Nasa headline kana kanina pang umaga. Aminin niyo nalang kay Elise ang tungkol sa inyo."

"Hindi 'yon gano'n kadali." nilingon ko si Elise at pinagmasdan siyang lumapit sa kuya niya. Pumalibot naman ang tingin ni Kael sa buong parking at mukhang hinahanap ako. Madali lang niya akong nahanap at isang tipid pero matamis na ngiti lang ang kumurba sa labi niya.

"Oh my..." rinig kong sabi ni Bea sa tabi ko.

"Itutuloy pa ba natin?" tanong ko at sabay na napalunok.

"Let's go!" naglakad na siya papunta kay Kael. Nataranta pa ako pero sa huli ay wala nalang nagawa. Kitang-kita ko kung paano kami tiningnan ni Elise. Walang halong pagtataka nang makita niya kaming naglalakad patungo sa kanila. Parang ngayon ay nakumpirma na niya lahat.

Si Kael naman ay halatang walang kaalam alam sa nangyayari.

"Hi Elise!" bati ni Bea. Nasapo ko ang noo ko at nanatili sa likod ni Bea. "Uuwi na kayo?"

Itinagilid ni Kael ang ulo niya para silipin ako. Nagtatanong ang mga tingin kung anong ginagawa ko sa likod ng kaibigan ko.

Humarang agad sa harap si Bea at hinarap siya.

Kumunot saglit ang noo ni Kael pero tumuwid nang maayos. Kita ko ang pagpigil ng ngiti ni Elise.

"Kael, diba?" si Bea at hindi tinanggal ang tingin kay Kael.

Tumingin muna siya sa'kin bago sumagot. "Uhm, yes, miss," sabi niya at sumulyap sa'kin.

"Pwede ba kitang maimbitahan ng dinner bukas?"

Ngayon ay napakunot na agad ang noo ni Kael at saka tumingin sa'kin.

"Dinner?" ulit niya kaya tumango lang si Bea. "Uhm, may I know what's the occasion?"

Elise and I stifled a laugh.

"Okasyon agad? Di pwedeng gusto lang kitang imbitahan?" sabi ni Bea.

"Just... the two of us?" tanong ni Kael at mas lalong kumunot ang noo. Nagtakip na ako ng bibig dahil ayokong matawa sa itsura niya ngayon. Halatang ayaw niyang pumayag.

"Bakit? Gusto mo bang tayong dalawa lang?" tanong ulit ni Bea.

Kael just smiled. "If that's the case, hindi po pwede."

Nalaglag ang panga ni Bea. Ngumiti lang si Elise at ako naman ay napataas ang kilay.

"Wow..." nasabi nalang ni Bea bago ako tiningnan. "Ang loyal naman ng jowa mo."

Kinurot ko siya sa braso. "Tumahimik ka."

"Kuya, it's obvious na iniimbitahan ka lang ni ma'am kasi gusto ka niyang makilala. Wag kang malisyoso," sabat ni Elise.

Nanatiling nakangiti lang si Kael. "I'm sorry."

Doon na natawa si Elise. "Don't be too secretive. Alam naman naming lahat."

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now