Chapter Thirty-Two

100 1 0
                                    

"Baby boy ba?" excited kong tanong kay Bea matapos nilang magpa-ultra sound sa clinic. Kasama ko si James mag-abang sa kanilang dalawa. Hindi naman ata halatang mas excited pa kami kaysa sa totoong magulang.

Ngumiti lang si Bea hawak-hawak ang tiyan niyang sobrang laki na. As in sobrang laki talaga.

Kakaiba ang ngiti niya. Something na hindi ko pa nakikita sa kaniya noon. Mas lalo tuloy akong nakuryuso. Siguro babae?

"It's a girl, sigurado ako." singit ni James. Kanina pa kami nagtatalo kung babae ba o lalaki ang anak nila. Muntik na nga kaming magpustahan eh.

"Hindi 'yan babae kasi ang tulis ng tiyan ni Bea! Baby boy 'yan!"

"It's a girl, look at Bea's skin. Sign 'yan na babae ang dinadala niya," ang sabi na naman ni James. Hindi ko alam kung saan at kailan niya nakuha ang lakas ng loob makipagtalo sa'kin. Parang noong isang araw lang nahihiya-hiya pa 'yan sa'kin.

"So ano nga, bruha?" hinawakan ko ang kamay ni Bea at hinintay ang sagot niya. Lumapit rin lalo si James para makasigurong maririnig niya.

Bumuntong-hininga si Bea habang nakangiti pa rin. "It's a girl..." punong-puno ng saya ang mga mata niya nang sabihin niya 'yon.

"'Yon oh! I knew it!" sigaw ni James.

Ako naman... "Oh my! May dalaga na tayoooo!" gusto ko ng lalaking anak pero sinong may sabing ayoko sa babae?


Tumalon-talon ako hawak pa rin ang mga kamay ni Bea dito sa gitna ng clinic. We both giggled as I held Bea's tummy.

"Ang laki-laki naman ng bebegorl ko na 'yan!" Ba't ang laki naman! Ang bigat siguro nito! "Normal pa ba ang weight niya? Bakit ang laki bruha?" natanong ko.

Tumawa siya saka bumaling kay Clark. "Of course, kasama niya diyan ang baby brother niya." sumagot si Clark.

Saglit kaming natahimik...

Ang kanina kong ngiti ay napalitan ng gulat. Nabitawan ko ang kamay ni Bea at tumingin kay James. Hindi tulad sa'kin na nanlalaki ang mga mata, si James ay mukhang naproseso agad ang sinabi ni Clark kaya nakangiti siya agad habang bakas rin ang pagkagulat.

Sa akin mas natawa si Bea. "Oh anong mukha 'yan?"

Natutop ko ang bibig ko. Nagfe-feeling nanay. "Oh my gosh... totoo ba?" nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Tumango-tango lang si Bea habang natatawa... pero napapansin ko na ang mga luha na nagbabadya sa mga mata niya. Siguro dahil buntis, madaling ma-overwhelmed. Pero bakit nadadala ako? Nakakahiya naman kung mag-iiyakan kami rito diba?

Nang makita kong napahikbi na sa saya si Bea ay nagtakip nalang ako ng mukha para sana pigilang maluha pero huli na dahil unti-unti na rin akong naiiyak. Ang dalawa naming kasamang lalaki ay nataranta agad.

"Hoy bruha bakit?!" naiiyak kong sabi.

Umiling-iling lang si Bea habang nagpupunas ng luha. "I'm just... happy."

Naglabas agad ng panyo ang dalawa naming kasama. Tinanggap namin 'yon nang hindi tinatanggal ang tinginan namin sa isa't-isa. Nag-iyakan kami roon kaya napapatingin nalang ang iba sa'min.

"Dapat nag-set tayo ng event para sa gender reveal eh para mas masaya." humihikbi kong sabi.

"Wala pa ngang kasal eh..." si Bea.

Nandilat ulit ang mata ko. "Nagpaplano na ba kayo?"

Natawa si Bea habang nagpupunas ng luha saka tumango.

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now