Warning! R-18
Napapikit ako sa sakit. I refused the idea of going to hospital dahil hindi naman ito malala. Huminto si Kael sa paglilinis ng mga sugat ko at tumingin sa akin.
"Tinawagan mo sana ako."
"Oo nga, edi sana palapit pa lang ang Paulo na 'yan binigwasan ko na," sabat ni Bea na nakahalukipkip lang sa braso ng sofa.
"Babe..." saway agad ni Clark. "Alam mong hindi 'yon makakabuti sa'yo," dugtong pa niya.
Napairap si Bea. "Matagal na talaga akong nanggigigil sa dalawang 'yan eh. Kung hindi lang sa anak ko at kay Madie, talagang may kalalagyan ang mag-asawang 'yan."
Clark just sighed and caresses her shoulders.
Bumaling ang tingin ko kay Kael. Agad din akong nag-iwas nang makita pa rin ang malamig niyang titig.
"Ayos na ako," nasabi ko nalang. With that, he stops cleaning my wound. Wala pa siyang imik mula pa kanina. Wala din naman akong gustong sabihin at parang napagod ang katawan ko para magsalita pa. Though, I want to ask him if he's alright... If he's worried... If I'm looking so ugly with these bruises. Pakiramdam ko puro gasgas nalang ang nasa mukha ko."Iiwan muna namin kayo." biglang tumayo si Bea at hinila si Clark paalis ng sala. Sinundan ko sila ng tingin pero hindi ko na sila napigilan pa.
I turn to Kael. He was already looking at me. Bigla akong nag-iwas at niligpit nalang ang nakakalat na bulak sa sofa. "You should go. Gabi na. May pasok ka pa bukas."
"I'm staying..."
Hindi ako nag-iwan ng reaksiyon nang sabihin niya 'yon. Tumango nalang ako dahil wala rin naman akong magagawa. I know he's mad. But not to me. Something like... he's mad to them... and to himself.
"Bukas, ayos na ako. Galos lang naman 'to."
"And I never finish cleaning that. Linisin natin ulit."
Agad kong iniwas ang mukha ko sa kaniya. "Makailang ulit mo na 'tong nilinis ah. Feeling mo pa rin hindi pa tapos linisin?"
"You might get infection..."
"Mahapdi na. Gusto ko ng magpahinga."
He sighs... Tinapon niya ang bulak sa katabi naming trashbin at hinawakan ako sa mukha. I winced.
"That's what you get for not calling me." he sounds angry... but more concerned.
Napaismid na lang ako. "Malay ko bang a-ambushin ako ng dalawang 'yon."
"Sa susunod, sabihin mo agad sa akin."
I raised a brow. "At anong gagawin mo?"
"I'll break their necks."
Namilog agad.ang mata ko sa sinabi niya. Napakurap ako sandali bago siya kinunutan ng noo.
Hindi ko pa siya kailanman narinig magsalita nang ganiyan. Hearing him saying it is just so unusual. Kael is tall and big. As in he's a big boy despite of he's young age. But he's never been so harsh nor mentioned harsh words... he's a good boy. But now...
Hinila ko ang tenga niya. "Hindi magandang biro 'yan."
Pero nanatiling seryoso ang mukha niya. My lips purses into thin line.
"The next time I see you bleeding or even get bruise because of them... I won't even think twice... I would really... willingly break their necks."
Mas lalo kong hinila ang tenga niya. "Tingin mo kinaangas mo 'yan? Umuwi ka na nga!"
"I told you I'd stay."
"Then shut up and I will let you stay." tumayo na ako at naglakad na paakyat ng kwarto.
YOU ARE READING
Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)
RomanceEverybody makes mistake. And this is my favorite mistake.