Chapter Thirty-Eight

69 2 0
                                    

Maliwanag na sa labas at tirik na tirik na ang araw. Kumurap ako at kinusot ang mga mata.

The smell of the warm bedsheet and the toasted bacon downstairs made the morning so good. Napangiti ako bigla at lumingon sa likod.

Napawi bigla ang ngiti ko.

Malapad siyang ngumiti at hinila ako palapit sa kaniya saka ako hinalikan sa noo.

Bigla akong napabalikwas. "Oh my gosh! Hindi ka pa umuwi?" tanong ko sa kaniya.

Umiling naman siya nang may ngiti pa rin sa labi.

"Oh no..." mabilis akong bumangon at bumaba sa kama. Nagsuklay muna ako bago nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto. "Gising na sila Bea, paano ka lalabas niyan?"

"What's the panicking for?" tanong niya.

Pinulot ko ang mga kalat sa sahig habang napapakagat ng kuko. "Anong oras ang klase mo?" tanong ko.

"Nine?"

Tumingin agad ako sa orasan at nakitang alas otso na ng umaga. Alas nuebe rin ang pasok ko.

"May isang oras pa tayo pero kailangan nating magmadali. What's the plan? Hihintayin muna natin ba silang umalis sa bahay?" tanong ko.

Nagkunot siya ng noo. "What do you mean plan? Let's just go downstairs."

"Hindi pwede! Hindi ka nila pwedeng makita rito!"

"Why?" naguguluhan niyang tanong.

"Eh kasi—Iba iisipin nila!"

"Like?"

"Basta! Sumunod ka nalang!"

Kunot-noo pa rin siyang bumaba sa kama. Ilang sandali lang ay may kumatok na sa kwarto. Nanlaki ang mga mata ko at nagtatakbo palapit sa pinto. Sinenyasan ko si Kael na 'wag mag-ingay.

"Madie, gising ka na ba? Handa na ang almusal."

"Ako muna ang lalabas tas gagawa ako ng paraan para makalabas ka rito—Hoy Kael!" pabulong na sigaw ko nang pihitin niya bigla ang doorknob pagkatapos ay binuksan ang pinto.

Hihilahin ko pa sana siya kaso huli na nang mabuksan na niya nang tuluyan ang pinto ng kwarto.

Napakagat labi ako.

"Oh, Kael... gising na ba siya?" rinig kong tanong ni Bea.

"Yeah and she's panicking." sagot naman ni Kael.

"Huh? Bakit?" tanong ni Bea at saka pumasok sa kwarto para silipin ako. Nangunot bigla ang noo ko nang makitang hindi siya nagtataka kung bakit may lalaki rito sa kwarto ko. "Nagpapanic ka raw?" si Bea habang tinititigan ako.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sumandal lang sa dingding si Kael at ngumisi.

This kid! Hindi man lang nagsabi!

"Ah, wala." sinamaan ko ng tingin si Kael. He just stood there and made a peace sign.

"Oh, tara na sa baba! Malilate na tayo niyan. Ikaw, Kael dito ka na rin mag almusal," ani Bea at saka na naunang bumaba ng kwarto.

I'm still leering at Kael. "Ikaw talaga! Nagmukha pa akong tanga kanina."

Tumawa siya at niyakap ang baywang ko bago ako hinalikan sa gilid ng ulo. Inismiran at nginiwian ko lang siya.

"Goodmorning too, love."

Mas lalo akong napangiwi nang marinig ang pang-aasar niya. Winasiwas ko ang kamay sa ere at umalis na sa tabi niya. Nang sa wakas ay nakatalikod na ako sa kaniya... doon na ako napangiti.

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now