Friday pa lang nagpunta na kaming mall ni Bea para mag-grocery. Bukas na pupunta si James sa bahay. Hindi ko alam pero mas excited pa si Bea kaysa sa'kin. Siya ang nakaisip ng ideya nito dahil siya naman daw ang magluluto ng dinner bukas.
Tapon siya nang tapon sa cart kung anong makuha niya na magugustuhan niya. 'Yong iba alam ko na agad na hindi namin 'yon magagamit sa kusina.
"Aanhin mo ang ganito karaming tissue?" kunot noo kong tanong habang tinutulak ang cart.
"Naubusan na tayo sa bahay kaya kailangan 'yan."
"Yeah... pero dapat ba ganito karami?"
"Wag ka ng umepal! Malay mo pumalpak tayo nang maraming beses bukas."
"Anong kinalaman sa tissue?"
Nilingon niya ako nang magkasulubong ang kilay. Parang sinasabing "seryoso ka ba?"
"Nagtatanong lang naman." nasabi ko nalang.
"Alam mo ikaw dapat bumibili ka na ng susuotin para bukas eh."
"Anong meron?"
Talagang nalaglag na ang panga niya. "Gorl okay ka lang? Dapat maganda tayo bukas!"
"May damit ako sa bahay, pwede na 'yon. Tsaka si James lang naman ang pupunta ro'n eh."
"Kahit na!"
Inirapan ko nalang siya.
Pasayaw-sayaw siya sa unahan ko habang tumitingin sa paligid. Naka-play sa buong mall 'yong kanta ni Sza na "Kill Bill." Sumasabay pa sa kanta si Bea na mukhang alam na alam ang lyrics.
"Kumain nalang tayo bago tayo umuwi." sabi niya habang may ipinapasok na naman sa cart.
"Tama na nga 'yan. Okay na 'to! Mahihirapan na tayong magdala nito eh kung sana nagsama tayo ng tutulong sa'tin."
Huminto siya sa paglalakad.
"Oh! Nag-manifest ka ba? May nakikita kasi akong tutulong sa'tin." hinarap niya ako.
"Sino?" tanong ko.
Bago pa siya makasagot ay nakita ko na si Kael na naglalakad patungo sa direksyon namin.
Nakangiti siya at kausap ang mga kasama niya. Lahat sila ay naka-uniporme pa. Nagtutulakan sila at parang naudlot ang asaran nila nang mapatingin sa amin.
Naglaho bigla ang ngiti niya.
"Oyyyy! Diba ikaw 'yong kapatid ni Elise?"
Hinila ko na si Bea. "Hihingi ka ng tulong diyan eh hindi naman natin ka-close 'yan!" bulong ko.
"Ano ka ba! Gentleman is always a gentleman!"
"Kaya naman nating bitbitin 'to."
"Oh ngayon aayaw ka? Kanina lang nagrereklamo ka ah." bumaling ulit siya kina Kael. "Are you guys busy?"
Lahat sila umiling maliban sa tatlo nilang kasamang babae.
"What's your name again?" tanong ni Bea kay Kael habang nakaturo pa sa kaniya.
"Kael! Kael ang pangalan niya." sumagot 'yong isa.
"Ah right! Kael... guys pakitulong naman oh."
"Sure ma'am!" agad silang dumalo at inagaw sa'kin ang cart.
Napakurap ako nang mawala na sa kamay ko ang cart ka hawak ko at nakaharap nalang ako ngayon kay Kael... sunod na dumapo ang tingin ko sa babaeng nasa tabi niya at nakakapit sa braso niya.
Agad akong nag iwas ng tingin at tumingin sa dalawang lalaking mukhang determinado talagang tumulong dahil nauna na sa counter.
"Bea nakakahiya..." bulong ko.
YOU ARE READING
Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)
RomanceEverybody makes mistake. And this is my favorite mistake.