Nilason? Kung totoong nilason ang kanyang ina at kung totoong pangatlo sa pinaka-mayaman na pamilya ang kinabibilangan ni Estacie, bakit hindi nalaman ng kanyang Ama ang nangyari? Pwede itong magbayad para imbistigahan ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ina.
Sandali, tinatawag na niyang Ama at Ina ang mga magulang ni Estacie kahit hindi pa niya masyadong kilala ang mga ito. Hindi ba siya nag-mumukhang desperada?
"Miss.. Miss. Estacie.. " ang boses ng matandang babae ang pumukaw sa kanyang naglalakbay na diwa.
"Ahhh.. I'm.. Sorry. " aniya habang inaabot ang baso ng tubig. "Madam.. Ano po ang pangalan mo?"
Maaring nag-mumukhang Kahina-hinala siya dahil sa reaksyon niya ngayon subalit bilang Jessa, wala siyang maramdaman.
"Nakalimutan kong magpakilala, pasensya na. Ako si Vista Lecilion my lady." Sagot ni Vista habang naka-yuko. "Alam kong masyadong sensitibo ang paksa na binaggit ko, sana maunawaan mo na sumagot lang ako sa tanong mo. Pakiusap, wag mo sanang-"
"Hindi po ako galit. Kaya wag kayong mataranta at matakot. Sa totoo lang, gusto kong magpasalamat sa iyo dahil hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako. Kung hindi dahil sa inyo, baka kasama ko na ang aking namatay na ina sa ngayon." Putol ni Jessa sa sinasabi ni Vista.
"Salamat.. Maraming salamat my lady. Wag kanang mag-alala, hangga't nandito ka, walang balita ang lalabas tungkol sa pag-dala ko sa iyo dito. Alam kong hindi aksidente ang nangyari sa iyo base sa sugat na natamo mo." Nagsimulang iligpit ni Vista ang kanyang kinainan.
"Tama ka, hindi isang aksidente ang nangyari."
"Hn? Ibig sabihin, alam mo kung sino ang may gawa niyan sa'yo, my lady?" Nasa mukha ni Vista ang pag-aalala.
"Oo.. At kapag kaya ko nang bumalik sa mansyon, ibabalik ko ang lahat ng ginawa nila sa akin ng triple." Madilim ang anyo na sagot ni Jessa.
Kung hindi man siya maka-ganti sa ginawa ni Lucy sa unang buhay niya, gagawin naman niya ang dapat habang siya ang may-ari ng katawan na pinahiram sa kanya. Maaring isang blessing na rin ang nangyari. Binigyan siya ng Dyos ng pangalawang pagkakataon upang baguhin ang takbo ng kanyang buhay. Tama na ang pagiging mabait at maawain, sa ngayon, siya ang magiging kontrabida sa buhay ng mga taong pumatay kay Estacie Somyls.
Estacie, when I saw that eclipse in the sky, I feel like it's calling me in. So rest in peace, we will take what's ours, mula sa konting halaga, hanggang sa pamilyang winasak nila. -bulong ni Jessa sa sarili.
Maaring 2nd year lang ang kanyang natapos, pero kung totoong English ang kalahating lengwahe na ginagamit sa mundong kinabibilangan niya ngayon, masasabi niyang hindi iyon mahirap sa kanya. Sa tulong ng mga part time jobs na pinasukan niya, na-expose na siya sa mga banyagang salita.
"Dalangin ko ang pagtagumpay mo, My Lady. Ako'y lalabas na muna upang makapag-pahinga ka. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka pa."
Nang tumango siya, bago lang tuluyang lumabas ng kwarto si Vista. Naiwan si Estacie na nakatitig sa kisame. Sinisikap na alalahanin ang memoryang nawala sa kanya.
"Mahirap, nakakasakit ng ulo." Aniya.
Sa kabiguang makuha ang kanyang nais, nakatulog siya sa pag-iisip.
Somyls Mansion.
Nakatayo ang lahat ng taga-silbi sa malapad na Hall pagkatapos silang ipatawag ng Baron. Malakas ang boses nito at tonong galit na galit. Sino ba naman ang hindi, nakarating sa kanya ang balita na tumakas diumano ang kanyang anak na si Estacie mula sa parusang ibinigay niya dito, pagkatapos nitong saktan ang kapatid na si Lucy.
Nahihirapan siyang ipaliwanag sa anak na pamilya na nila ang bagong asawa kasama ang anak neto. Isang buwan pa lang nakakalipas simula ng dalhin niya sa mansyon ang mag-ina subalit nag-dulot na iyon ng malalim na hindi pagkaka-intindihan. Noong una ay hinahayaan lang niya, subalit patuloy ang pag-sumbong ni Lucy sa ginagawang pananakit ng nakatatandang kapatid na si Estacie. At ang huli nga, ay sinubukan daw na ibenta ni Estacie sa bahay aliwan si Lucy. Dahilan upang ikulong niya sa sariling silid neto ang dalaga.
Naiintindihan naman niya kung ayaw ni Estacie sa anak ng kanyang bagong asawa, subalit umasa naman ang Baron na balawang araw ay matatanggap din ito ng anak. Yun ang akala niya. Nagtataka nga din siya dahil mabait naman ang anak niya noon.
"Who let her escape!?" Sigaw ng Baron na nasa 46 pa lang ang edad.
"Dad.. Nakita kong kasama ni ate ang kanyang lady in waiting na si Aloha. Akala ko ay pinayagan mo na si ate lumabas kaya hindi ko na sila pinigilan ng umalis." Naka-yukong pag-susumbong ni Lucy sa ama-amahan tsaka pumunas ng luha sa pisngi. "Please don't be mad at me." Ani pa neto.
"Elvidio, narinig mo ang sinabi ng Lucy ko." Boses naman ni Juvilina Porvila, ang bagong asawa ni Elvidio Somyls.
Napahawak sa kanyang noo ang lalake at bahagyang tinapik sa balikat ang anak-anakan. "It's okay. Talagang lumalabas lang ugali ni Estacie. Dahil siguro wala ako sa tabi niya ng dalawang taon simula ng mawala ang kanyang ina. Go to your room with your mom, tawagin mo ang ating family doctor to clean up your wornds." Anito.
"Ah.. It's not that hurt. Sanay na po ako sa pananakit ni Ate sa akin. This is little compare sa ginawa nya dati. And Dad, please don't punish the maid, sinusunod lang niya ang utos ni Ate." Hinawakan pa ni Lucy ang braso ng ama.
"You're hurt dahil sa pangongonsinti niya sa kanyang alaga. So it's normal na parusahan siya." Sagot ng Baron.
"My Lord! Wala akong ginagawa na labag sa iyong salita. Tungkol sa paglabas ng aking binibini, ginawa niya iyon dahil natanggap niya ang iyong sulat na may seal ninyo. Please.. Pwede kong ipakita sa inyo ang sulat para maniwala kayo, at isa pa, hindi tumakas si Estacie, kinidnap siya habang naglalakad sa..."
"Naglalakad saan?! Aloha.. Alam kong mahal mo si Ate, mahal ko rin siya. Sa palagay mo ba makakapasok sa kalupaan ng Somyls ang sinasabi mong kumidnap kay ate? At anong sulat? Paano susulat ang Daddy gayong nasa barko sya pauwi pa lang dito Prekonville. Wait.. Hindi kaya," awat ni Lucy sa sasabihin pa ni Aloha. Nasa mga mata niya ang pagkataranta.
"Ituloy mo ang gusto mong sabihin anak." Ani ni Juvilina.
"Pero, baka lalong magalit ang Daddy. Ayaw kong magalit siya kay Ate." Muling napaiyak si Lucy at yumakap pa nga sa ina.
"Sigh.. Lucy, it's up to me kung dapat ba na magalit ako. Tell me, what it is that you know?" Malalim ang boses na tanong ng Baron.
"That, a week ago, nakita ko si ate na nakikipag-usap sa isang estranghero na naka-suot ng hood. Hindi ko naman tinanong dahil mukhang masaya siyang kausap ang lalake. Oh! By the way, that man cape has scorpion on it." Ani Lucy na lalong nagpasiklab sa galit ng Baron.
BINABASA MO ANG
I Will Take Back What's Originally Mine
RomanceSi Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang maka...