Ang takot na nadarama ay unti-unting napalitan ng abot langit na galit ng mapagtanto niyang nasa ibang mundo siya. Tingnan mo nga naman. Una, kapangalan ni Lucy ang paghihigantihan niya. Ngayon naman, kamukhang-kamukha ng lalakeng nagbanta sa kanya ang lalakeng kaharap niya ngayon na siya namang dahilan ng sakit ng kanyang likuran.
Kung hindi ito God's will, then what is this!?
Nagtatagis ang mga bagang na nasuklay niya ng daliri ang sariling buhok. Mabilis na nakalapit si Vista sa kanya at pinagpagan ang kanyang narumihang damit.
"Mahabaging bathala! My lady, andumi na ng damit mo! Oh no! May sugat ka na rin sa braso!" Puno ng pag-aalala na malakas na sambit ni Vista.
"Sandali, gusto ko lang linawin, she's your Lady?" Ang lalakeng malamig ang boses ang nagsalita.
"That's right! She's from the noble family! Tapos ganyan ang ginawa nyo!?" Galit na sagot ni Vista.
Si Estacie ay nanatiling walang imik. Sinisikap na labanan ang panginginig ng katawan dahil sa trauma noong una niyang buhay.
"But she tried to hurt you while covering your-"
"Nakita mo bang pumalag ako!? Nakita mo bang mukha akong takot!?" Padabog ulit na sagot ni Vista. "My lady, okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Vista.
Ang mga tao sa paligid ay dumarami na din. Hindi pwedeng ma-expose sa publiko ang totoong katauhan niya kaya kahit nanginginig, simple niyang hinila si Vista. Senyales na gusto na niyang umalis.
"Okay, okay.. Aalis na tayo." Naintindihan ni Vista ang kilos niya pero nilingon pa rin nito ang lalake. "Just you wait! Makabalik lang ang aking binibini sa mansyon, we will get back to you!" Anito.
"That's enough, Vista. People who don't have common sense can't understand someone's action. What's more about her words?" Sa wakas! Nahanap din nya ang kanyang tinig.
"Hmp!" Pagmamaktol ni Vista bago sumunod sa mga hakbang niya.
"Wait... Let me personally apologize for my-"
"If you stay away from me, I might forget what happened." Putol niya sa sasabihin ng lalake.
Malamig ang tingin na ibinato niya dito.
"How rude, I know I was wrong and wanted to apologize. Pero sa nakikita ko, mukhang hindi mo ako kilala. Sigurado ba talaga kayo na taga Prekonville ka, at myembro ng isang prestihiyosong pamilya dito sa kaharian?" Muling naging seryoso ang ekspresyon ng lalakeng kaharap.
Ang mga kasama nito ay mabilis ding bumalik sa pagiging alerto. Ang galit sa dibdib ni Estacie lalong nadagdagan.
"As a lady of the house, hindi pa tumutuntong sa tamang edad, dapat ba na alam ko ang mga pangalan ng mga tao sa labas ng mansyon para patunayan na myembro ako ng Noble family?" Seryoso din ang naging sagot niya ng lingunin niya ang lalake. "Not only that, how about you, do you know me?"
Napa-flinch ang daliri ng lalake bagamat mabilis neto itong naitago.
"I don't need to know your name, I'm not even interested." Walang pagkakamali sa tono ng sabihin iyon ng lalake.
Isang smirk ang pinakawalan ni Estacie. Same face, same attitude. Mukhang totoo nga ang parallel universe. May mga taong kamukha mo at ka-ugali mo sa ibang mundo. Great, kung gayon, she can also throw her anger to this man.
"Likewise." Sagot niya. "Tara na Vista." Aya niya sa babae na mabilis ding sumunod.
Naiwan ang lalakeng parang na-estatwa. Mahigpit na naikuyom niya ang kamao na nakahawak sa hawakan ng kanyang espada.
"Duke Eckiever, hindi mo ba sila susundan upang parusahan sa pambabastos niya sayo?" Narinig niyang tanong ng isa sa kanyang taga-bantay.
Duke Eckiever Arkhil. 27 years old, pinaka-batang Duke sa kaharian. Nag-iisang lalake na may mas mataas at lihim na katauhan sa karamihan. Kapatid ng yumaong reyna ng Prekonville Kingdom. Pinaka-mayaman at pinaka-kinatatakutan ng mga kalaban ng kaharian. Batikan sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng Prekonville at.... Pinapangarap ng mga kababaihan kahit na ba may mga balitang ayaw niya ang malapitan ng babae.
"Let them be for a while. Instead, gusto kong malaman kung saang pamilya siya nabibilang." Makahulugang sagot ni Eckiever.
Nakakapagtaka na parang hindi siya kilala ng babae. Hindi lang parang, kundi talagang hindi siya kilala. Nakita niya iyon sa mga mata neto. Wala siyang mabanaag na kahit kaunting pag-atras at pag-aalinlangan habang binabato siya ng salita. Not only that, he can clearly see the controllable anger in her brown eyes.
"Let's go." Dugtong pa niya sa kanyang sinabi bago nagpatiuna sa paglakad.
Ginusto niyang mag-lakad sa bayan ngayon dahil na rin gusto niyang pumunta sa bahay ng mga Somyls para sa produktong inihabilin niya sa matandang Somyls. Nakarating sa kanya ang balita na nakabalik na ito makalipas ang isang linggong paglalayag.
"Yes My Lord." Sagot ng kanyang kawal.
Samantala, tahimik na naka-upo si Estacie sa isang restaurant sa kabayanan. Sinisikap niyang iwaksi sa isipan ang aksidenteng nangyari. Subalit nakapagtataka dahil hindi mawala sa isip niya ang imahe ng lalake.
"Kainis!" Marahas niyang bulong.
"My Lady.. Sigurado ka bang hindi mo talaga kilala ang lalakeng yun?" Tanong ni Vista.
Umiling siya ng sunod-sunod. "As a noble lady, woman who's not on her right age is not allowed to attend any social gathering. So I have no idea who's that bastar-i mean who's that man was." Salamat sa memories ni Estacie, may alam na siya sa buhay ng mga nobles.
Kaya lang, kahit anong gawin niya, hindi talaga niya maalala kung sino ang lalakeng yun. Siguro ay talagang hindi nga ito kilala or hindi pa nakikita ni Estacie.
"En.. Palagay ko, isa siyang tauhan ng palasyo." Ani Vista habang sumusubo ng pagkain.
"Palagay ko rin nga. Anyway, saan tayo unang pupunta ngayon?" Pagbabago niya ng paksa.
Mabilis namang kinuha ni Vista ang maliit na sulatang papel at saka binasa iyon. "Aloha Tolin's house. My lady, sino ang babaeng to?"
Ayon sa memorya ni Estacie, "she's my lady in waiting. Finish your food, kailangan nating makarating sa bahay nila bago mag-dilim. Ngayon ang araw ng kanyang pamamahinga kaya alam kong nasa bahay nila siya."
"Sa kanila ba tayo pansamantalang matutulog?" Tanong pa ni Vista habang nagmadali sa pagkain.
"Well.. Ang gusto ko sana ay umuwi sa mansyon kapag madilim na. Kaya lang, napag-isip ko na masyadong simple ang magigigng comeback ko." Sagot niya.
"Kaya?"
"Kaya napagdesisyunan ko na umuwi sa bahay sa mismong araw ng kapanganakan ni Papa. Everyone will be there." Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "That will be tomorrow, Vista." Dugtong pa ni Estacie.
BINABASA MO ANG
I Will Take Back What's Originally Mine
RomanceSi Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang maka...