"Hmm? Ang ibig mong itanong ay kung paano ko nasabi na Tyrant ang Duke?" Na ipilig ni Soly ang ulo ng mag-tanong.
"Tell me." Bagamat hindi napansin ni Soly, bahagyang lumamig ang boses ni Lucy ng oras na yun.
Nabuo sa kanyang dibdib ang pagnanais na malaman ang ibig sabihin ng salitang binitawan ni Soly.
"Hindi ka nga pala originally na taga-rito. Pwes! Makinig ka My Lady." Umayos ng upo si Soly bago nagpatuloy. "Si Duke Eckiever Arkhil ay kapatid ng dating Reyna ng Prekonville. At anak ng tinaguriang Lion ng digmaan. Ng mamatay ang kanyang mga magulang sa edad na lima, naka-hiligan na ng Duke ang mag-ensayo ng espada."
"Five years old!?" Gulat na bulalas ni Lucy.
"Yes! At ito pa. Ng tumuntong siya sa edad na 7,namatay naman ang kanyang Ate, I mean ang Reyna, pagkatapos manganak sa Crowned prince. Simula nong araw na yun, hindi na nakakausap ng mga taga-silbi ng Dukedom ang batang Duke. Hanggang sa tumuntong siya sa edad na labing-dalawa."
"What happened?" Natuon na nga ang atensyon ni Lucy sa kwento ni Soly.
"Napabalita na ipinilit ng Duke ang sumama sa gyera at sa hindi maipaliwanag na pangyayari, umuwi sila na matagumpay. Subalit napansin ng mga tao na parang may gap sa pagitan ng Duke at ng Hari. Napabalita din na walang awang pinatay ng Duke ang babaeng sumubok na umakyat sa kanyang kama, sa harap mismo ng hari."
Lihim na napa-lunok si Lucy. Nakaramdam siya ng pangingilabot. "S-sa harap ng hari? Bakit hindi siya pinarusahan?"
"Well, anong laban ng kaharian sa yaman at kapangyarihan ng Dukedom? Kapag nawala ang suporta ng Dukedom sa kingdom, mawawala ang matibay na pundasyon ng kaharian at may posibilidad na mawasak pa. Pero mabalik tayo sa kwento."
Nagpatuloy si Soly pero ang isip ni Lucy ay sa katotohanan na mas makapangyarihan ang Duke kesa sa hari. Kung sakaling malalaman ng Duke na ginagamit niya ang lalake para sa pansariling pagnanais na mapatay si Estacie, hindi kaya siya naman ang malagay sa alanganin? "No, I can do everything just fine." Bulong niya sa sarili.
"My Lady, nakikinig ka ba?" Pinukaw ni Soly ang naglalakbay na diwa ni Lucy.
"Huh?"
"Sabi ko na nga ba hindi ka nakikinig. Ang sabi ko, wag kang mag-alala, hangga't hindi mo nasasagi ang icewall sa katawan ng Duke, you're safe. Ang pinapatay niya lang naman ay yung mga taong sinusubukan siyang pag-laruan at gamitin sa pansariling kagustuhan. I know, mabait ka My Lady, so tanging ang Ate mo lang ang posibleng maparusahan." Nakangiti si Soly habang nagsasalita.
Samatalang si Lucy naman ay lihim na napa-lunok ng sunod-sunod. Ngayon pa lang ay lihim na siyang kinakabahan. Pero hindi maari. Hindi pwedeng malaman ng Duke ang sekreto niya. Si Estacie, tama! Si Estacie ang dapat na masisi sa lahat ng nangyayari.
"Hah! Goddess, bigla akong natakot para kay Ate. Soly, sa palagay ko, kailangan ko ng umuwi. Kailangan kong maka-usap si Papa tungkol dito. We need to help Ate Estacie kahit anong mangyari. Hindi ako papayag na parusahan siya ng Duke." Dahan-dahan siyang tumayo habang nagpapa-alam.
Si Soly naman ay literal na napa-simangot. "Wala na akong masabi sa kabutihan mo. Sana lang dumating ang araw na matanggap ka na ng Ate mo, amy Lady."
"Matanggap my Shit!" Sigaw ng utak ni Lucy habang matamis na nakangiti kay Soly. "Thank you, Soly." -no thanks to you! Ayaw kong bumalik pa siya sa mansyon. Mas makabubuti kung mamatay na lang siya sa kamay ng Duke." Bulong ng utak ni Lucy. "Pano ba yan, kailangan ko ng umuwi. Baka nag-aalala na si Papa at si Mama sa akin. By the way, don't tell anyone na tinawag ng Duke si Ate na magnanakaw. Ayaw kong masira ang reputasyon niya."
Pahabol pa ni Lucy kahit ang totoo, gusto niyang isigaw sa harap ni Soly na ikalat niya ang katotohanang iyon.
Tumango naman si Soly bagamat nakikita ni Lucy ang maitim nitong plano. Napa-isip tuloy si Lucy. "What a perfect puppet for me."
"Mag-iingat ka, My Lady." Paalam ni Soly sa kaibigan na tuluyan na ngang umalis ng Vuelino mansyon.
At ilang sandali pa, mabilis niyang tinakbo ang kanyang silid upang gumawa ng liham. Liham para imbitahan ang iba pa niyang kaibigan para sa isang tea party.
Samantala sa lugar kung saan nagkakaroon ng paglalaban sa pagitan ng grupo ng Duke at ng Scorpion, napansin ng lahat ng kasundaluhan ng dukedom na parang wala sa sarili ang kanilang Duke. Masyado kasing naka-focus ang lalake sa pag-tugis sa mga myembro ng Scorpion.
Para bang itinatapon ng Duke ang galit sa pag-patay sa mga traydor sa kaharian.
"Von, anong nangyare?" Tanong ng isang tapat na kawal sa katabing si Von.
Parehas silang may hawak na tig-isang katawan ng myembro ng Scorpion.
"Sigh.. Kahit ako hindi ko na rin maintindihan. Kilala ko ang Duke bilang walang awa at walang patawad. Pero kahit harap-harapan na siyang binabastos ng anak ng Baron, nagtataka ako kung bakit nananatili pa ring buhay ang binibini." Napapakamot sa ulo na sagot ni Von. "Hindi naman sa gusto ko na siyang mamatay-
"Pero yun talaga ang ibig mong sabihin." Putol ng lalake sa sinasabi ni Von.
"Taena mo, kasasabi ko lang na hindi nga yun ang nais ko!" Pukol ni Von sa kaibigan. "Makinig ka Edward, pasasaan ba at balang araw, magugulat ka na lang dahil may mangyayaring nakakagulat dito sa Prekonville."
Napailing naman ang tinawag na Edward. "Ngayon palang may nangyayari ng kakaiba, balang araw pa kaya? Buhay naman oo, alam mo, habang tumatagal, para ka ng si Duke Eckiever. Ang hirap intindihin-
"Anong ginagawa ninyong dalawa?" Napatalon sa gulat ang dalawa ng bigla na lang sumulpot sa kanilang tagiliran ang pinag-uusapan.
"D-duke! Haha, well. Ahm.. Tapos na ba?" Napapakamot sa ulo na tanong ni Edward. Habang si Von naman ay naiiling lang.
"En. Take all those still alive and bring them to the kingdom. Pero wag mong kalimutan na magdala ng isa sa Dukedom. I'm leaving." Malamig na sagot ni Eckiever bago sumakay sa kabayo.
Naiwan naman si Edward na naka-nganga. "So-so weird." Bulong nito sa sarili. "Hey Von, sinong babae ang dahilan ng pagkakaganyan ng Duke?" Siniko ni Edward si Von na natigilan din.
BINABASA MO ANG
I Will Take Back What's Originally Mine
RomansaSi Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang maka...