Kung ang dalawang tao na dating aso at pusa ay nagkapatawaran, maituturing na talagang maayos na ang lahat. Wala na si Lucy, nabawi na ni Estacie ang mga bagay na pag-aari ng kanyang ina. Si Juvilina naman ay itinapon na sa lugar kung saan kailangan niyang maging alipin ng ilang taon upang pag-bayaran ang kanyang kasalanan.
Bagamat ang lahat ay plano ng anak na si Lucy, hindi pa rin siya naka-ligtas sa parusa ng hari.
Isang bagay na lang ang hindi pa nabibigyan ng katarungan. Ang pag-patay ng Prinsipe sa dating Estacie. Iniisip ni Jessa kung paano niya ibubunyag ang lahat kapag naka-balik na sa Prekonville si Sinylve.
"Kanina ka pa tulala, Estacie. Anong iniisip mo?"
Napa-sulyap si Estacie sa pwesto ng Duke. Kasalukuyang kumakain silang dalawa. "Nabanggit ko na ba sa'yo kung paanong napunta ako sa poder ng mga Lecilion?" Tanong niya sa binata.
Ibinaba ng Duke ng tinidor na hawak. "Kinidnap ka grupo ng Scorpion sa utos ni Lucy." Sagot ng lalake.
Itinaas ni Estacie ang kopita ng red wine bago sumipsim doon. Pagkatapos ay muling sinulyapan ang lalakeng naka-titig sa kanya.
"Ang totoo niyan, hindi lang si Lucy ang nagpa-tupad ng plano na yan."
"Huh? So, kasama din sa pag-plano ang kanyang ina? Bakit hindi mo sinabi kaagad? Desinsana naparusaha-"
"Hindi si Juvilina ang kasabwat ni Lucy." Putol ni Estacie sa sinasabi ni Eckiever.
Dahilan upang matigilan ang binata at mapa-kunot noo. "Hindi si Juvilina, so, sino?"
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Estacie bago sumagot. "The crowned prince." Aniya. "Ah, hindi na nga pala siya crowned prince." Dugtong pa niya.
Ang lalakeng natigilan ay naging bato na ata. Pero ilang sandali lang naka-bawi din. Sumandal ito sa upuan bago tinapik ng ilang beses ang lamesa bago nag-salita.
"Heh! As expected."
"What?"
"Ang sabi ko, tama nga ang una kong hinala. Noong araw na nabubunyag ang lahat, nag-iisip talaga ako kung paano nagawa ang pag-kidnap sayo gayong fiancee kapa ng Prinsipe ng mga panahong yun."
Napa-taas ang kilay ni Estacie.
"Ang hindi ko lang maintindihan, bakit hindi mo ibinunyag ang totoo?" Dugtong pa ni Eckiever. Ang anyo ng lalake naging madilim. "Do you- still love him?" Kuyom ang kamao na tanong nito.
Napa-lunok si Estacie. Ilang sandaling pinag-aralan ang ekspresyon ng binata. "Do I still love him, you asked?"
"Yeah." Tipid na sagot ng Duke.
"Well-"
"Paumanhin sa pag-antala, My Lord. Dumating ang isang taga-silbi ng mga Somyls at hinahanap ang binibini."
Parehas na napalingon sa may pinto ang dalawang parehas na tahimik. Well, nang madala sa Dukedom ang walang malay na si Estacie pagkatapos ng aksidente, mabilis ding ipinaalam ng Duke kay Vista kung nasaan ang dalaga.
"Send her in." Malamig ang boses na ustos ni Eckiever.
Ilang sandali pa, pumasok ang isang babaeng nakasuot ng pangkatulong at naka-yukong lumapit kay Estacie.
"My Lady, a letter arrived." Anito.
Ang babaeng katulong ay ibinigay ng kanyang Lolo upang protektahan siya at pagsilbihan.
Inabot niya ang sulat at tsaka ito sinenyasan na bumalik na. Mabilis naman tumalikod ang babae pagkatapos mag-paalam sa dalawa.
Sinuri ni Estacie ang sobre bago sinulyapan si Eckiever na naka-tingin din sa kanya.
"Open it. Baka importante yan."
"Duda ako. Walang seal ang sobre."
Tumayo si Eckiever at lumapit sa kanya. Pagkatapos ay iniunat ang braso. "Want me to open it?"
"En. Here." Ibinigay ni Estacie ang sobre sa binata na umupo naman sa tabi niya.
Nanonood lang si Estacie habang binubuksan ng binata ang sulat. Pero napa-kunot din ang noo niya ng makita ang pag-dilim ng anyo ng binata.
"What's wrong?" Tanong ni Estacie bago sinulyapan ang sulat na binabasa na ni Eckiever.
Estacie,
Luckily, I survived the five wars as my punishment. And right now, pabalik na ako sa Prekonville. Aminin mo man sa hindi, mahal mo pa rin ako. Ganun din ako sa'yo. Kaya sa pagbabalik ko, sisiguraduhin ko na matutuloy na ang kasal natin na naudlot dahil sa ginawa ng kapatid mo. Wait for me.
Sinylve.
Nabasa yun ni Estacie bago pa unti-unting nagusot ang sulat. Well, hindi siya ang gumusot nun kundi si Eckiever na kasalakuyang seryoso ang mukha at literal na madilim ang anyo.
Napa-tayo naman si Estacie habang inaabot ang bote ng alak. Sinalinan niya ang sariling kopita bago ininum ang laman nun. Hindi siya galit dahil ginusit ng binata ang sulat. Well, kung siya ang may hawak nun, baga nga pinunit pa niya.
"Do.. Do you still love him?" Natigilan siya sa paglagok ng marinig si Eckiever na nagsalita.
Love, he asked? Gustong matawa ni Estacie. Yeah, she loves to torture that bastard.
"What do you think?" Balik tanong niya sa Duke na natigilan at bigla ding napatayo.
"But he tried to kill you!"
Teka, mukhang mali ang pagkaintindi ng Duke sa tugon niya.
"You misunderstood."
"What!?"
"Hindi ko sinabing mahal ko pa siya, at hindi ko rin sinabi na minahal ko siya. Pero kung tatanungin mo ako kung excited ba ako sa pagbabalik ni Sinylve, well, sasagutin kita ng oo."
Kuyom ang mga kamao ni Eckiever kanina pero unti-unti rin naging kalmado. "Excited? Bakit?"
"Imagine yourself being tired with your previous war, tapos pagbalik mo, sa halip na korona ang makuha mo, you'll receive another punishment. What would you feel?"
Hindi umimik si Eckiever, maaring ini-imagine nga ang sitwasyon. "But, how will you do it?"
"Well, hawak ko pa ang lahat ng ebedensya na magpapatunay." Sagot ni Estacie.. "Tsssss... Pero sa palagay ko, parang maganda kung kausapin ko na agad ang hari, what do you think?"
"Mahirap kausapin ang hari lalo't sa panahon ngayon."
Yah, nakalimutan ni Estacie. Nawalan nga pala ng taga-pagmana ang hari. Pero hindi ba at nandyan pa si Sylvia?
"Then, I'll speak with Sylvia. Close naman kayo ng pamangkin mo diba?"
Muling napa-upo si Eckiever bago sumagot. "Bakit kasi kailangan pang hintayin mo ang pagbalik ng tarantadong si Sinylve? Pwede ko naman abangan na lang siya sa kabilang bayan at doon nalang patayin." Naka-simangot na sambit ng binata habang ang mga mata ay kumikislap sa excitement.
"Hindi ka naman siguro galit sa pamangkin mo ng walang dahilan?" Taas ang kilay na tanong Estacie.
"Oh! I am..! He tried to kill you, remember!?"
"But I was the victim, not you, or your woman." Tinalikuran ni Estacie si Eckiever at akmang kukuha ulit ng alak.
"But you are my Woman..."
BINABASA MO ANG
I Will Take Back What's Originally Mine
RomanceSi Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang maka...