ANO NGA BA?

285 17 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula ng magkausap si Estacie at Sylvia sa restaurant. Naumpisahan na rin nila ng kanyang mommy ang pag-gawa ng gown na gagamitin ng Prinsesa. Natatandaan ni Estacie ang huling sinabi ng babae bago sila mag-hiwalay ng araw ding iyon.

"Let me help you.." 

Maga salitang hanggang ngayon ay hindi parin niya maintindihan kung ano ang gustong iparating. Gusto siyang tulungan ng prinsesa saan? Sa pagbabagong buhay? Sa pag-hanap ng bagong jo-jowain? Or sa pag-hanap ng pwesto na pwede niyang pagtayuan ng negosyo? Hindi talaga niya alam.

Ang gown na ginagawa nila ni Vista ay kulay dilaw. At tulad ng napag-usapan, dinala nga ni Elena ang mga tela na gawa ng sariling ina ng dalagita. Sa ngayon, mayroon ng tatlong kulay ng silk cloth si Estacie. Ang gown na susuotin niya para sa kasal na dadaluhan niya ay kulay asul. Bagamat nag-iisip pa siya kung anong design ang gagawin niya para sa sarili.

"Nagpadala nanaman ng liham para sa iyo ang princesa, anak. Napapansin ko na nagkakasundo na kayong dalawa. Sana ay mabuti ang hangarin niya sa pagkakaibigan ninyong dalawa."  Napa-angat siya ng tingin ng pumasok ang kanyang ina sa silid kung saan ginagawa nila ang gown.

Isang ngiti ang ibibigay niya sa mabait na ina.  "Ramdam ko na totoo ang hangarin ng prinsesa na maka-tulong sa akin, Mom. At kung hindi man, kahit papano ay nagagamit ko ang posisyon niya para maka-hanap ng ibang koneksyon."  Inabot ni Estacie ang sulat na binibigay ng ina at tsaka binuksan iyon upang basahin.

"Sabagay, tama ka. Sya nga pala, ibinilin ng Uncle Clewin mo na naibigay na ng inutusan niya ang sulat na pinadala mo sa mga lola mo. Baka sunod makalawa, matatanggap mo na rin ang kanilang sagot." 

Hindi umimik si Estacie sa sinabi ng ina. Actually, hindi naman siya umaasa ng malaki na gaganti ang kanyang Lola sa sulat na pinadala niya. Mas magiging masaya pa nga siya kung mababalitaan niya na isabotahe ng mga ito ang barkong pangkalakal ng kanyang iresponsableng Ama.

Nang hindi siya sumagot, umusod ang ina sa tabi niya.  "Ano ba ang sabi ng prinsesa?" Pag-uusisa nito.

"Hindi naman masyadong importante. Sinabi lang niya na nagkaroon ng tea party si Lucy na ginanap sa Somyls garden. At doon nga, ikinalat nanaman niya ang balita ng pag-papalayas sa akin ng Papa."  Walang ekspresyon ang muka na sagot niya sa ina habang nanatiling naka-yuko ang ulo.

"Yun lang? Wala ng iba?"  Mukhang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.

Well, hindi lang naman iyon ang tinukoy ng princesa sa sulat. "Sinabi din niya na, mismong ang Papa ang nabigay ng karapatan sa mga manunulat sa dyaryo na, ibalita sa buong Prekonville ang pag-bura ng pangalan ko sa listahan ng mga Somyls."  Napalunok na pagpapatuloy ni Estacie.

Nakagat niya ang pang ibabang labi. Pinalayas, ngayon naman tuluyang binura ang kanyang pangalan sa listahan ng pamilya Somyls. Napapa-isip si Estacie kung bakit may magulang na kayang talikuran ang anak para lang sa ibang tao. Akala niya sa modernong mundo lang iyon nangyayari.

"Estacie.. Anak. Kung nasasaktan ka sa ginawa ng Papa mo, bakit hindi mo subukang kausapin ulit? Malay mo-"

"Ayaw ko. Mom, kung totoong importante ako sa kanya, simula pa lang sa umpisa, dapat pinaramdam na niya sa akin yun. Dapat noon palang nawala ako ng ilang araw, hinanap na niya ako."  Nakaka-gulat, walang luhang pumapatak galing sa mga mata ni Estacie ngayon.

Napansin iyong ng Ginang kaya mahigpit siya nitong niyakap. "Gawin mong hamon sa buhay ang nangyayari sa'yo ngayon, pero sana, wag kalimutan na hindi lahat ng tao ay katulad nila. Nandito lang ako, kami ni Uncle mo. Hindi ka namin iiwan, Estacie."

Masarap pakinggan ang nga salitang iyon. Siguro nga mas masarap kapag nanggaling mismo sa totoong pamilya mo. Pero ano ba ang magagawa niya, wala na siyang kadugo na pwede niyang ituring na totoong pamilya. Sa halip, sa ibang tao niya iyon nakita.

"En! At pinapangako ko rin sa inyo na hinding-hindi ako maghahanap ng kapalit ninyo. Hinding-hindi ko rin kayo iiwan."  Mahigpit na niyakap rin ni Estacie ang kanyang bagong ina.

Kahit papano ay maswerte pa rin naman siya.

"Oo nga pala, Bago ko makalimutan, ibinilin sa akin ng Uncle Clewin mo na hindi siya makaka-pasyal dito ng ilang araw. Mayroon daw siyang gagawin kasama ang kaibigan niya."  Sabi ni Vista habang pinapakawalan si Estacie.

Tumango lang si Estacie. Itinuon niya ang pansin sa ginagawa kanina.

"At tsaka, aalis ako ngayon. Kukuha ako ng mga gulay sa dati kong tinitirhan. Ang sabi ng tauhan ni Clewin ay pwede nang pitasin ang mga bunga ng gulay. Okay lang ba na maiwan ka dito sa bahay ng mag-isa?" Medyo may pag-aalala pa ang boses ng kanyang ina habang nagpapa-alam.

"Okay naman po ako, nakakapag-usap ako. At tsaka, babalik din naman kayo mamyang hapon, diba?"

"Ay siya, oo. Oh, pano, aalis na ako-

"Wag mong kalimutan ang pitasan ako ng sentonis Mom!"  Pahabol na sigaw niya sa ina na mabilis na nakalabas ng kwarto. Sumigaw nga lang ito ng "Oo".

Napapa-iling na lang si Estacie habang natatawa. Bakit ba pakiramdam niya ay nagmamadali ang ginang?

" Ayaw ng natatagalan sa pag-uwi." Natatawang bulong niya sa sarili habang pinagpapatuloy ang ginagawa.

Na naputol ng may kumatok sa pinto. Kunot noong napatayo siya sa kinauupuan at tinungo ang pinto upang silipin ang kumakatok.

"Mom, may nakalimutan kaba?" Tanong ni Estacie habang papalapit sa pinto.

Nang buksan niya ang pinto, parang binuhusan ng nagyeyelong tubig ang buo niyang katawan. Kasabay ng pag-ahon ng inis sa kanyang dibdib.

"Duke Arkhil." Tipid niyang usal.

Madilim ang anyo at puno ng pagka-asiwa ang naging ekspresyon ng binata ng makita siya.  Napa-buntong hininga pa nga ito bago nag-tanong.  "Dito ba si Clewin?" Kasing lalim ata ng karagatan ang tono ng boses nito.

Umiling si Estacie bilang sagot.

"Damn it! Wala ka bang boses? Nasaan ang boses mo noong araw na umaarte kang biktima?" 

Sa gulat ni Estacie, literal na napa-flinch siya sa lakas ng boses ng Duke. Bakit ba palagi na lang siya nitong inaaway kapag nagkikita silang dalawa?

"Duke, galit ka ba sa akin dahil sa impormasyon na alam mo o galit ka sa akin dahil may dugo ako ng Somyls? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng babaeng iniiwasan mo, ako lang ata ang babaeng harap-harapan mong sinisigawan. Tell me, anong malaking kasalanan ang ginawa ko sa'yo para maging ganyan ang trato mo sa akin?" 

I Will Take Back What's Originally MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon