Habol ni Lucy ang hininga dahil sa matinding galit para kay Estacie. Gusto niya itong habulin subalit hindi niya magawang tumayo dahil sa pangangatal ng katawan dulot ng takot sa mga binitiwang salita ni Estacie.
"No.. Imposible, walang sino mang tao ang naroon ng mangyari yun." Bulong ni Lucy habang pinipilit na tumayo. "Wait.. If someone help her after we left, then.. Nakita ng taong yun ang nangyari!?" Namimilog ang mga matang nabulalas ni Lucy.
Kung totoo ngang may nakakita, at totoo ang sinabi ni Estacie na may ibedensya, "This can't be. This can't be! Hindi siya pwedeng makalabas ng mansyon, not in my watch!" Anito bago nagmamadaling sundan si Estacie.
However, nang makarating siya sa may silid nito, naroon na ang mga katulong at mga kawal ng Somyls mansyon. Hindi siya makalapit at makapasok sa loob ng silid.
"This won't do!" Natatatarantang saad pa niya bago tinungo ang sariling silid. "I should write to the crowned prince." Bulong niya sa sarili.
Samantala, sa loob ng silid ni Estacie, sa tulong ng mga katulong na nagsilbi sa kanya noon, mabilis na naibalot ang kanyang mga gamit.
"My lady.." Ani ng ibang katulong.
Hindi siya umimik. Actually, pinipigilan niya ang sariling umiyak sa harap ng mga katulong ngayon. "Cloudia, nakalimutan kong sabihin kay Mr. Somyls, kukunin ko ang mana na ibinigay sa akin ng Mama ko. I need the letter right this instant!" Nilingon niya ang pinuno ng mga katulong na naroon din.
Mabait sa kanya ang babae at talagang hindi na ito iba sa kanya.
"Sasabihin ko, ngayon na mismo, binibini." Sagot ng babae.
Napalunok lang si Estacie at muling nagpatuloy sa ginagawa. Hindi niya kinuha ang mga bagay na binili niya gamit ang pera ng kanyang Ama. Hindi niya kailangan yun. Bagkus, ibinalot niya ang mga bagay na mismong ang kanyang ina ang may-ari.
"Why are you taking those Jewelries of mine!" Boses ni Juvilina ang narinig nila.
"Juvilina! Let them be! Pwede tayong bumili ng para sa iyo." Tinig naman ng kanyang walang kwentang Ama.
"But those are mine now! I am the Barones of this house, Elvidio!" Sigaw pa nito.
Gustong matawa ni Estacie sa narinig. Lumabas siya ng silid at tsaka sinalubong ang nagwawalng madrasta. Palapit pa lamang siya ng si Lucy naman ang nagmamadaling humabol sa inutusan niyang katulong. Inutusan niyang kunin ang lahat ng Jewelries na pinamana sa kanya ng kanyang ina. Hindi niya alam na napasakamay na pala ng mag-ina ang mga iyon.
"Pa! Ang Goddess Tears diamond set ko! Diba ibinigay mo yun sa akin?!" Umiiyak na sambit ni Lucy sa kanyang Ama.
Sinulyapan ni Estacie ang Ama na naka-titig sa kanya. Hinihintay niya ang sasabihin nito. Will he order her to give it to Lucy?
"That.." Pagsisimula ng Baron.
"Ibinigay? Kailan pa ng nagkaroon ang Ama mo na Baron, para mag desisyon sa bagay na pag-aari ng Barones?" Ang tanong ni Estacie ay para kay Lucy. Subalit ang kanyang mga mata ay sa kanyang Ama.
"Si Papa ang asawa ng namatay mong Ina. Kaya may karapatan siyang magdesisyon!" Sagot naman ni Lucy.
Iniunat ni Estacie ang kamay at iniharap ang palad sa katulong na may hawak ng Goddess Of tears. Purong diamond ang brilyanteng ginawa sa Jewelries na iyon.
"Tama ba ang sinabi niya, Mr. Somyls?" Nasa mga mata ni Estacie ang galit at sama ng loob sa Ama.
"Tell her Papa! Sabihin mo na tama ako." Ani Lucy.
"Basta walang alam sa Noble family, at bigla lang nakapasok sa Alta sosyedad, mananatiling ignorante kahit bihisan mo pa." Ani Estacie.
"Tumigil kana Estacie!" Sigaw ng papa niya sa kanya. "Sa halip na humingi ka ng tawad sa paninira at pambibintang mo sa kapatid mo, lalo ka pang nagiging masama!"
Isang smirk ang sumilay sa labi ng mag-ina. Subalit hindi nagpatinag si Estacie. Kahit pa ba sobrang sakit sa dibdib niya.
"Hah..! Tawad? Ako? Heh.. Sige, ganito na lang. Sasabihin ko sa pamilya Hanvoc ang ginawa mong pagbibigay ng mga alahas ni Mama sa mga taong walang katiting na dugo ng Hanvoc. Sigurado ako, hindi lang ikaw ang mananagot kundi buong Somyls." Nakatingin si Estacie sa mga alahas na nasa harapan na niya.
Napa-pitlag ang kanyang Ama.
Hanvoc Family. Hindi sila nakapaloob sa Prekonville kingdom, subalit sila lang naman ang inirerespeto ng mga tao sa Prekonville. Why not? Ang pamilya na pinanggalingan ng kanyang namatay ina ay may hawak ng pinaka-malaking sandatahan sa buong kalupaan ng Prekonville. May sarili silang rules na hindi pwedeng pakialaman ng Prekonville kingdom.
Nagkataon lang na hindi ito nakialam sa pag iimbestiga sa pagkamatay ng kanilang anak dahil, sa pangakong binitawan nito sa anak. Well, hindi pa alam ni Estacie ang totoong kwento sa likod ng pangakong iyon kaya limitado pa ang kanyang kaalaman. Pero dahil apo siya ng Hanvoc family, ibig sabihin ay malakas ng pwersang nasa likuran niya. Yan ay kung tatanggapin niya ang maging Kasapi ng pamilya ng kanyang namayapang ina.
"Anong pakialam namin sa Hanvoc family na pinagmanali mo?! Ako ang fiance ng crowned prince, nakalimutan mo na ba?!" Naka-halukipkip na pagtataray ni Lucy.
"Shut up Lucy." Ani ng Papa niya na nagpagulat sa dalaga. "Kunin mo laht ng pag-aari ng iyong ina Estacie. Pagkatapos nun, gusto kong wag mo ng guluhin ang kapatid mo. Pwede kang bumalik sa mansyon, subalit iyon ay kung hihingi ka ng tawad sa kapatid mo at tatanggapin mo ng buo ang madrasta mo." Ani ng kanyang ama na lalong pumiga sa naninikip niyang puso.
Naramdaman niya ang pagpunit ng balat sa palad niya ng mahigpit niyang ikuyom iyon habang nasa loob ang kwentas ng ina. But the pain is nothing kumpara sa sakit ng dibdib na nararamdaman niya.
"Hindi mangyayari yun. Kahit kailan hindi mangyayari yun. Pero ang panahon na kayo ang luluhod sa harap ko para hingin ang kapatawaran ko, yun ang siguradong mangyayari. Lalo ka na, Papa." Sabi niya bago tumalikod.
"Estacie!" Tawag nito sa kanya subalit hindi man lang niya nilingon.
Inutusan niya ang kanyang mga katulong na dalhin na sa labas ang kanyang mga gamit. Magkasabay sila ni Vista ng lumabas sa mansyon. Ang mansyon na puno ng ala-ala ng kanyang ina.
"Sooner or even later.. Babawiin ko ang bahay na para sa iyo Ma. Pinapangako ko sa'yo. Kahit pa kapalit nun, ang pagiging kontrabida ko sa buhay ng mismong Ama ko." Tiim ang mga bagang na banggit niya bago tuluyang lisanin ang Somyls mansyon.
BINABASA MO ANG
I Will Take Back What's Originally Mine
Roman d'amourSi Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang maka...