PAGHIHIGANTI NI LUCY

270 18 1
                                    

Pabalagbag na binuksan ni Eckiever ang pintuan ng mansyon na pansamantalang tinutuluyan ng Hanvoc. Kahit pa nga ilang beses siyang sinubukan na pigilan ng mga tauhan ng mag-asawa. Gulat ang bumadha sa mukha ng matanda na ilang segundo lang ay napalitan ng pag-tataka.

"Duke Arkhil. Base sa paraan mo ng pag-bukas ng pinto, importante ang dahilan ng pagpunta mo dito?" Tanong ng matandang Lalake.

Nagpalinga-linga muna si Eckiever bago sumagot ng hindi makita ang hinahanap.  "Nasaan si Estacie?" Nakalimutan niya ang pag bigay ng respeto sa dalawa dahil sa tindi ng pag-aalala.

Medyo hindi naman nagustuhan ng dalawa ang paraan ng pagtatanong ni Eckiever kaya napalitan ng inis ang ekspresyon ng mukha neto.

"Aaminin ko sa'yo na hindi ko gusto ang paraan ng-"

"Alam kong medyo bastos ang pagtatanong ko, Mr. Hanvoc. Pero importante sa akin na malaman kung nasaan si Estacie hanggat maaga pa. Nasaan siya?" Nakalimutan na nga ni Eckiever ang maging magalang.

Nababalot kasi ng takot ang kanyang dibdib ng mga sandaling yun. Takot para sa kaligtasan ni Estacie.

"Duke Arkhil. Ikaw ang kauna-unahang lalake na gumamit ng ganyang tono sa akin. Are you-"

"Sir! Nakapasok ang Scorpion sa Prekonville Palace at kasalukuyang tangay na ang babaeng umagaw kay Estacie ng mga bagay na pag-aari niya. Alam natin pareho na malaki ang galit ni Lucy Somyls sa inyong apo. So please! Tell me, where is Estacie!?"  Muling pinutol ni Eckiever ang panenermon ng matanda.

Pero sa halip na magalit, napatayo ito bigla ganun din ang asawa. Nilingon nito ang mga katulong sa mansyon at ang kanang-kamay na gwardiya. "Harold? Nasaan ang apo ko?"

Si Harold ay ang lalakeng palaging nasa tabi ng mag-asawa. Walang ideya na sumagot ang lalake. "Paumanhin, hindi ko siya nakita kanina pang umaga, My Lords. Pagkakatanda ko ay nag-paalam siya sa inyo kagabi na manonood ng pag-parusa sa concubine na lumason sa kanyang ina."

Nang marinig ni Eckiever ang sagot ng lalake. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang buong katawan at walang paalam na tumalikod. Mukhang naintindihan naman ng mag-asawang Hanvoc ang naging kilos ng Duke at natatarantang pina-tawag nadin ang ilang sundalong kasama upang hanapin si Estacie.

Samantala, makalipas ang apat na oras na pagtakas, nagtagumpay ang grupo nina Lucy na mailigaw ang mga kasundaluhan ng Prekonville. Sa apat na oras na yun, nagkamalay din si Estacie.

Hindi niya alam kung saan sila sa ngayon pero alam niya kung paano siya nadala ng mga Scorpion.

Nakatayo lang siya sa isang kanto ng plaza sa Prekonville ng bigla na lang may tumakip ng tela sa mukha niya. Nalanghap niya ang mabahong amoy sa tela na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang malay. Hindi na niya alam ang nangyari pagkatapos nun.

"Gising kana pala, mabuti naman kung  ganun, ayaw ko kasing gawin ang mga bagay na gusto kong gawin sayo kung hindi ka gising."

Napalingon si Estacie ng bumukas ang pinto ng silid na pinagkulungan sa kanya. "Lucy.. Hindi nga ako nagkamali ng hinuha. So, itatanggi mo pa rin ba na hindi ka anak ng Scorpion?"  Naka-smirk na tanong niya sa babae.

Inilang hakbang lang siya ng babae at tsaka binigyan ng mag-asawang sampal. Hindi pa nakuntento, sinipa pa siya nito sa tyan. Literal na napa-daing si Estacie. Gustuhin man niyang gumanti ay hindi niya magawa dahil kasalukuyang naka-gapos ang dalawa niyang kamay.

"Tinali mo ba ang kamay ko dahil takot kang makaganti ako?" Sinikap pa rin niyang maging kalmado kahit pa, nananakit ang tyan na sinipa ni Lucy.

Medyo may kalakasan kasi yun.

"Kahit kailan ay di ako natakot sayo."  Gigil na sambit ni Lucy kasabay ng paghablot nito sa buhok niya.  "Pero kung sasabihin mong galit ako sayo, I will honestly accept that. Kung hindi dahil sayo, asawa na sana ako ng Prinsipe ng Prekonville. At kapag namatay ang walang kwentang hari, ako na ang magiging Reyna. Pero sinira mo lahat ng plano ko. Dahil sayo!"

Malakas na isinubsob ni Lucy ang ulo ni Estacie sa magaspang na sahig ng kwarto. Kaya muling napa-daing si Estacie. Ramdam niya ang pag-punit ng balat niya sa mukha.  Kasunod nun ay inihiga siya ni Lucy at pinagsasampal tulad ng ginawa ni Estacie sa kanya sa harap ng bahay ni Clewin.

"Ibabalik ko sayo lahat ng ginawa mo sa akin! Triple!"  Sigaw ni Lucy.

Nang makita nito na dumudugo na ang ilong ni Estacie at ang gilid ng labi nito ay malakas siyang napahalakhak.  "Look at you, so pathetic. Malakas ka lang pala dahil apo ka ng Hanvoc. Pero ang totoo, you're so weak kapag ikaw lang mag-isa." Ani Lucy habang saklit ang buhok ni Estacie.

Napa-smirk si Estacie. Aminado siyang masakit ang mukha sa kasasampal ni Lucy. Pero hindi siya pwedeng umiyak sa harap ng babae. Never! Hindi siya papayag na maging kawawang umiiyak sa harap ng babaeng nag-pahirap sa kanya. Babaeng pumatay sa dating Estacie! Hindi siya papayag!

Dinuraan niya ang mukha ni Lucy na namilog ang mga mata. "Kahit ilang beses mo akong bugbugin, mananatiling desperada ka pa rin. Mananatiling nakatago sa anino ko at patuloy na mangangarap na mapa-sayo ang mga bagay na meron ako. In short, you will still be a loser." Pagkatapos ay malakas niyang iginilaw ang ulo at itinama sa mukha ni Lucy na napasigaw.

Mabilis na nagpalit ng posisyon si Estacie at malakas na sinipa ang tiyan ni Lucy na namilipit sa sakit. Bakit ba nakalimutan niya na buntis nga pala ang babae?

"Papa! Tulong! Ansakit ng tiyan ko! Sinipa ako ni Estacie!" Sigaw ni Lucy.

Mabilis namang nakapasok ang tinawag. Isang lalake na halos kasing edad lang ng Baron. Malaki ang katawan neto at may malaking tattoo ng Scorpion sa may dibdib.

"Aha-hah! So totoo din na anak ka ng Scorpion? Tingnan mo nga naman. Hindi nanaman ako nagkamali-ugh!"Ani Estacie.

Naputol lang ang gusto pa niyang sabihin dahil malakas na suntok ang tumama sa kanyang panga na naging dahilan ng pag-dilim ng kanyang paligid.

"You stupid bitch! Kapag may nangyaring hindi maganda sa apo ko, I will kill you myself!"  Sigaw ng Ama ni Lucy kahit alam niyang hindi na siya narinig pa ng babaeng sinuntok.

I Will Take Back What's Originally MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon