PLANO NI ESTACIE

225 18 0
                                    

Kunot ang noo na napa-limgon si Sylvia sa pwesto ng kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak ng babae at nasabi neto ang ganoon. Nang hindi man lang siya nilingon ni Estacie, si Elena ang sinulyapan niya. Nakaupo ang isa pa niyang kaibigan sa ibaba ng trono. Napa-kibit balikat lang si Elena sa kanya na ang ibig sabihin ay hindi rin nito alam ang sagot.

Sa tindi ng frustrations, napa-buntong hininga si Sylvia at minasahe ang noo. "Hindi ko talaga mabasa ang takbo ng utak mo beshy!" Bulong niya sa sarili.

Beshy ang tawagan nilang tatlo. Ito ang itinuro sa kanila ni Estacie na ang ibig sabihin daw ay bestfriend. Bagamat may pagdududa siya.

"So, are you two close?"

Napa-flinch si Sylvia ng marinig ang kanyang uncle na magsalita. Bihira magsalita ang lalake pero parang napapansin niyang interesado ito kay Estacie.

"Hah.. Yeah. Siya ang gumawa ng gown ko, you see?" Sagot ni Sylvia habang naka-ngiti.

Pinasadahan ni Eckiever ng tingin ang gown na suot ng pamangkin. Indeed, it's so elegant and out of this world. "Ang ibig kong sabihin, close ba kayo ni Estacie at may call sign na kayong dalawa?"

"Uncle, bago ko sagutin yan, nais ko munang siguradohin kung kakampi ka o kaaway."

"Shut up. Kung ayaw mong sagutin, di wag." Muling itinuon ni Eckiever ang atensyon sa nangyayari.

Kasalukuyang tinatanong na si Estacie kung bakit niya nasabi ang ganun.

"The way you look at her, is different from the way you look at the other woman. Unfortunately, si Estacie ang babaeng ayaw makipag-relasyon sa ngayon. Lastly, she doesn't like you." Isang nagbabadyang nakakalokong ngiti ang nakatago sa sulok ng labi ni Sylvia ng makita ang pagtuwid ng upo ng kanyang Uncle.

"Hindi ko sinabing gusto kong makipag-relasyon sa kanya. Nagtatanong lang ako kung close kayong dalawa." Sagot niya kay Sylvia habang lihim na kinikiskis ang mga daliri.

Napataas ng kilay si Sylvia at sumandal sa upuan.  "Sabi mo eh."

Hindi na sumagot si Eckiever. Subalit patuloy na hindi mapakali.

Samantala.. Hinarap na ni Estacie ang hari.

"Kung totoo nga na si Sinylve ang ama ng dinadala ni Miss. Lucy Somyls, pwede naman natin hintayin ang ilang buwan hanggang sa maka-panganak siya, kamahalan. Ang mahalaga sa ngayon ay narito siya sa Prekonville at gwardyado ng buong kasundaluhan. Kung sakali naman na niloloko lang tayo ni Miss. Lucy, siguro naman ay nakahanda siyang harapin ang posibleng hatol para sa kanya?"

"May punto ka, subalit paano ang kasalanan niya bilang kasapi ng Scorpion? Naroon na tayo na posibleng may dugong bughaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan, subalit baka nakakalimutan mo, kung si Sinylve nga na direktang nanggaling sa akin ay itinakwil ko, ano na lang ang batang ipinagbubuntis ng traydor na babaeng yan?"

Bawat salitang binitawan ng hari ay klaro at ma-otoridad. Lihim na napangiti si Estacie na hindi naka-takas sa paningin ni Sylvia at ng lalakeng katabi ng kanyang Lolo.

"Kamahalan, may isa pang dahilan kung bakit nasabi ko na bigyan natin ng pagkakataon si Miss. Lucy na isilang ang kanyang magiging anak."

"Dahilan? Ano yun?" Puno ng interes na tanong ng hari.

Nilingon ni Estacie ang kanang kamay ng kanyang Lolo at sinenyasan na lumapit sa kanya. Saka niya ito binulungan.

Kitang-kita ni Eckiever kung paano tumango ang lalake at napa-ngiti. Nakaramdam siya ng pagkainis ng mga sandaling yun. Ganyan ba ang babaeng ayaw makipag-relasyon? Okay lang makipag dikitan sa ibang lalake?

Lumapit ang lalake sa hari at Ibinulong ang sinabi ni Estacie. Ilang sandali pa, napa-halakhak ito. Muling bumulong ang lalake at tsaka ito tumango.

"Tama nga naman si Miss. Estacie. Pwede ko nga naman gawing taga-pagmana ang sanggol. Mas mabuting bata pa lang natuturuan na ng rules ng kaharian. Bakit ba hindi ko naisip yun?" Malakas na sambit ng hari.

Yun lang ang sinabi? Bakit kailangan pang ibulong? Gustong isigaw ni Eckiever subalit nagtimpi siya.

"Oh sige, dahil sa pangungubinse ng apo ng aking kaibigan, inihahayag ko na pansamantalang titira si Miss. Lucy sa palasyo hanggang maka-panganak siya."  Pahayag ng hari na ikinagulat ng lahat.

Marami ang umalma pero hindi iyon pinansin ng hari.

Si Sylvia at Elena naman ay napa-tuwid ng upo ng makita ang ikinilos ng kamay ni Estacie. Kiniskis ni Estacie ang tungkil ng ilong, kasunod ang pag-basa nito ng labi, na sinundan ng mabilisang pag haplos ng mga daliri mula sa dalawang pisngi pababa sa leeg neto. Pagkatapos ay nilingon silang dalawa ni Elena.

Literal na napa-mura si Sylvia na narinig naman ni Eckiever.

"Damn! So that's why?! Baliw ka talaga beshy! Kapag ikaw napahamak sa ginagawa mo, tatamaan ka talaga sa amin ni Elena!"  Namutawi niya na mukhang naintindihan naman ni Estacie.

Inilabas lang neto ang dila at parang bata na dinilaan si Sylvia.

Si Sylvia na napapa-iling na lang.

Ayun sa kilos ni Estacie, she's telling them.

"Be aware, I will unmask the traitor and bring her to her death." Yan ang ibig sabihin ni Estacie.

Tungkol naman sa Ibinulong niya sa kanang kamay ng kanyang Lolo.. Sooner or later, makikita ng lahat ang resulta.

Sobra ang galak ni Lucy sa naging pasya ng hari. Pero hindi siya nagpasalamat man lang kay Estacie. Sinulyapan nito ang ina na napangiti na lang.

"Si Miss. Lucy lang malayang titira sa palasyo, tungkol sa kanyang ina, habambuhay na pagkakulong ang parusa."

Ang masayang mukha ni Lucy ay napalitan ng pagkagimbal ng marinig ang sinabi ng hari. Magsasalita pa sana siya ng makita niyang tumayo na ang lahat na naka-upo sa may trono.

Nagsisigaw si Juvilina habang paulit-ulit naman na tinatawag ni Lucy ang pangalan ng ina. Ang Baron ay ilang beses na sinulyapan si Estacie na hindi man lang nagtapon ng tingin sa ama.

Si Eckiever naman ay mabilis na sinundan ang babaeng tumalikod na din kasama ang Lolo at Lola niya. Palapit na siya sa mga ito ng makita niyang kaharap ni Estacie ang hari. Masayang nag-uusap ang dalawa.

"Haha.. Hindi ko talaga naisip na posible nga ang sinabi mo. Hayaan mo, sasabihin ko sa mga gwardiya na hayaan lang si Lucy na gumala sa loob ng palasyo. Lihim ko siyang pamamatyagan ayun sa nais mo."

Sabi ng hari kay Estacie na nagpakunot sa noo ni Eckiever. Iniisip kung ano ba talaga ang gustong mangyari ng dalaga.

I Will Take Back What's Originally MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon