Kabanata 1

19 1 0
                                    

Nakatulala akong nakaupo sa aming terasa na nasa gilid ng bahay. Katatapos ko lang maubos ang ginawa kong mango shake.

Bakit nandito si Skevon sa Siaon?

Sa pagkakaalam ko madalang lang siya kung umuwi dito kasi busy siya sa career niya. Palagi ay nasa Guati siya o di kaya ay nasa Voada. He's been selling his realistic paintings online at marami na siyang buyer especially art collectors.

Kaya nagtataka ako kung bakit nandito siya sa bayan.

Sa tatlong buwan na hindi ko siya nakita ay napansin kong medyo humaba ng kaunte ang matuwid niyang buhok. Ang nasa harapan na buhok niya ay lumagpas na sa mga mata niya na noon ay nasa kilay niya lang at ang mga buhok na nasa likuran naman ng ulo niya ay lagpas batok na rin. At ngayon ay may nakikita na akong balbas sa ibabaw ng labi niya na noon ay wala. 

Hindi pumasok sa isipan ko na makikita ko siya dito. Akala ko talaga hindi ko siya makikita. Kasali iyon sa dahilan ko kung bakit nagdesisyon ako na umuwi dito sa bayan.

But I was wrong at nandito na nga siya.

Isa siya sa mga iniiwasan ko.

Not that I hate him. 

Nahihiya kasi ako sa kanya at paniguradong ikakahiya ko ang sarili ko kapag nalaman niya ang totoong nangyari sa amin ni Drew. 

"Ate, ang sarap ng ginawa mong shake," nakangiting sabi ng pinsan kong si Shoven. 

Napangiti ako dahil sa mukha niyang madungis.

"Gawa ka pa ulit, ha?" 

Tumango ako.

Sinundan ko siya ng tingin. Bumalik siya papasok ng bahay bitbit ang basong wala ng laman. Kalaunan ay bumalik ulit siya kung nasaan ako. May laman na shake ulit ng baso niya.

"Ang sarap talaga!" sabi niya sabay hawak ng tiyan niya.

Napatawa ako.

"Shoven?" narinig kong tawag sa kanya ng Nanay niyang si Tiya Bella. 

Dumilat ang mga mata ng pinsan ko. Mabilis niyang nilagay ang baso sa pinakagilid na parte ng terasa na parang tinatago ito. Nagtataka akong pinagmamasdan siya. Lumapit siya sa akin at humawak sa braso ko.

"Ano na namang ginawa mo?" bulong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Tinakpan niya ang bibig ko.

"Shoven?" tawag ulit ni Tiya Bella. Tinanggal na ni Shoven ang kamay niya sa bibig ko. "Ay, naku! Nandiyan ka lang pala," sabi ni Tiya nang makita na ang anak niya. "Ilang baso na ang ininom mo? Inubos mo ba lahat?" 

Hindi nagsalita si Shoven.

"Bakit po, Tiya? Wala na bang natira?" tanong ko.

"Wala na, Ria," sagot ni Tiya sabay buntong-hininga.

Bumaling ako sa pinsan ko. "Shoven? Inubos mo ba?" mahinahon kong tanong.

Kumunot ang noo niya. "Hindi, ah." 

"Nagsisinungaling ka," patuya ng kanyang ina.

Mabilis siyang umiling. "Hindi ko inubos, Nanay. Si Lola po."

"Anong si Lola? Eh, natutulog pa ang Lola mo sa itaas at hindi pa nga nagigising."

Umiling na naman si Shoven.

"Halika ka nga dito," sabi ni Tiya at hinila na siya palayo sa akin pero mahigpit ang paghawak niya sa aking braso kaya pati ako nahila na rin.

"Nanay, hindi ako ang nag-ubos," sabi ni Shoven na umiiling pa rin.

Miseria Anadja Del Minrio (Siaon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon