Nanatili sa loob ng kusina si Skevon at hindi na nga siya lumabas kagaya ng sinabi ko.
Kapag may pagkakataon ay napapatingin ako sa kanya at nadadatnan ko siyang nakatingin sa akin. May iilang customers pa napapatingin sa kanya kahit natatabunan na siya ng mga kahon. Mayroon ngang iba na plano pang pumasok sa loob ng tindahan para lang makita siya ng maigi.
Ayoko sana na may makakita pa ulit sa kanya at naisip ko na papasukin na lang siya sa loob ng maliit na silid na katabi ng kusina. Pero naisip ko rin na baka maabutan siya ni Nanay doon.
Hindi 'yon pwede.
Nang umalis na ang mga customers ay lumapit ako sa kanya.
"Bumalik ka na do'n sa sasakyan mo," utos ko.
Nakatingala siyang nakatingin sa akin. "I told you already hihintayin kong makabalik ang Nanay mo."
"Okay naman ako na mag-isa dito."
Umiwas siya ng tingin. "You can't make me do what you want."
Bumuntong-hininga ako.
"Marami namang tao sa paligid tsaka nasabihan na rin ni Nanay ang katabing tindera na patingnan ako..."
Muli siyang tumingin sa akin.
Nagpatuloy ako. "Kaya lumabas ka na at bumalik ka na sa sasakyan mo. Tsaka pwede ka na rin umalis na talaga. Umuwi ka na."
Pinagkuros niya ang mga braso niya sa dibdib niya. Bumatak ang dibdib niyang matikas at mas nadepina ang mga braso niyang maugat.
"I won't listen to you, Nadj."
Bumuntong-hininga ulit ako. May sasabihin pa sana ako nang may customer na naman.
Ano ba ang dapat kong gawin para umalis na siya? Ano ba ang pwede kong sabihin para bumalik na siya sa sasakyan niya at umalis na nang tuluyan?
Dumaan ang isang oras at hindi pa rin bumabalik si Nanay. Kaya naman hindi pa rin umaalis si Skevon.
Nang wala na namang customer ay kinausap ko siya ulit.
"Umuwi ka na. Tanghali na at kailangan mo nang kumain," sabi ko.
"Hindi pa ako gutom."
Umirap ako.
"Sige na, Skev, baka pauwi na rin si Nanay. Pwede ka nang umalis."
Umiling siya.
Bakit ang tigas ng ulo niya?
"Alam mo? Hindi mo naman kailangan gawin 'to, eh."
Kaunte na lang at mauubos na ang pasensiya ko.
Tumaas ang isang kilay niya.
"Hindi mo kailangang umupo dito ng matagal."
Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya sa akin.
"Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na huwag mo na akong pag-aksayahan ng oras?"
"I am not wasting my time."
"Eh, ano palang ginagawa mo ngayon?" pagalit kong sabi.
"Keeping you safe is not a waste of my time, Nadj."
Ako naman ngayon ang hindi makapagsalita.
"If ever Drew will come back here, I don't want him to get near you."
Napakurap-kurap ako.
"I don't want him to hurt you again. Hindi na ako makakapayag."
Nagsimula nang tumibok ng malakas ang puso ko pero naglakas loob akong nagsalita.