Kabanata 23

5 0 0
                                    

Nakangiti akong nakatingin sa paso na may bulaklak na lily. Ito ang bulaklak na dala ko galing Guati. Sa wakas ay may isang bulaklak na rin itong tumubo na kulay kahel. Ilang buwan kong hinintay ang pamumulaklak nito at ngayon nga ay nangyari na. Ibinigay sa akin ito ni Guia dahil ang ganyang klase ng bulaklak ay may kahulugan at simbolo.

Orange lily flower means strength and courage.

Sinabi ni Guia na kailangan kong maging malakas at matapang para malampasan ko ang kinakaharap na pagsubok. Iyon ang palagi niyang pinapaalala sa akin noong tumira ako sa apartment na inuukupa niya sa Guati. Doon ako pumunta at nagtago sa loob ng tatlong buwan. Hindi ako natunton ni Drew dahil hindi niya alam kung saan iyon. Hindi ko nasabi sa kanya kasi alam kong hindi rin naman siya interesado kasi sa tuwing nagkukwento ako tungkol sa Tatay Miguel ko at sa mga anak nito ay hindi nakikinig si Drew. Ilang ulit na nangyayari iyon kaya naman hindi ko na rin sinabi sa kanya kung saan nakatira si Guia. Narealize ko rin naman na may mabuti palang epekto iyon, ang hindi pakikinig sa akin Drew, kasi hindi niya alam ang lahat.

May sinabi pa si Guia sa akin tungkol sa simbolo ng bulaklak. Kaligayahan at pag-ibig. Kapag nalampasan ko na raw ang pagsubok, makakaasa ako na mararanasan ko ang mga 'yon.

At iyon nga ang nangyayari ngayon sa akin. Masayang-masaya ako at dahil iyon sa pagmamahal na nararamdaman ko para kay Skevon. Kapayapaan ang idinudulot niya ngayon sa buhay ko, kasalungat sa masalimoot na pinagdaanan ko kay Drew.

Matagal-tagal na rin nang huli kong maisip si Drew. Hindi na siya pumapasok sa aking isipan kapag kasama ko si Skevon. Na tila ba ang presensiya ni Skevon ay sapat na para wala na akong isipin pa na ibang tao kundi siya lang at kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.

Ngayong si Skevon na ang palaging laman ng isipan ko ay nakakaramdam ako ng kaginhawaan. Masaya ako palagi kapag kasama ko siya. Nakikita ko pa lang siya ay kinikilig na ako ng husto at kahit sumasagi lang siya sa isipan ko ay napapangiti ako.

In-love na in-love na ako sa kanya.

Hindi ko pa nasabi sa kanya ng harap-harapan ang nararamdaman ko, naghahanap pa kasi ako ng tamang pagkakataon. Hindi rin pa naman nasabi sa akin ni Skevon na mahal din niya ako pero ramdam na ramdam ko naman iyon dahil sa mga ginagawa niya para sa akin. Totoo nga ang sinasabi nila na action speaks louder than words.

Biglang uminit ang buong mukha ko nang maalala ko ang ginawa namin noong nakaraang araw sa bahay niya. Inaamin kong gusto ko ang nangyari at gusto ko pang mangyari ulit 'yon. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa at hindi ko ikinakahiya ang tungkol doon dahil kasama iyon sa pagpapanatili ng masaya naming relasyon. Pareho na kaming nasa tamang edad at kung realidad ang pag-uusapan, kasali na ang mga ganoong bagay para mas maging matibay ang aming pagsasama at para mas mapalapit pa kami sa isa't isa. Pareho naman naming gusto iyon at wala namang sapilitan na nangyari.

Mas lalong uminit ang pakiramdam ko nang maalala ko na babalik na naman ako sa bahay niya kasi nangako ako na ipagluluto ko siya ng masarap na pagkain. Gusto kong ako naman ang mag-effort para sa kanya. Palagi ay siya ang gumagawa ng mga bagay para sumaya ako. Kaya ngayon, ako naman. Babawi ako sa kanya dahil gusto ko ring sumaya siya na ako mismo ang gumagawa ng paraan.

Pero kailangan ko munang magpaalam kay Nanay tungkol doon at ganoon nga ang ginawa ko nang pumunta na ako sa tindahan. Hinintay ko ang pagkakataon kung kailan kami hindi abala pero sa kadahilanang marami-rami ang customers kaya hindi ko na naisingit iyon.

"Nanay, magpapaalam sana ako sa inyo," panimula kong sabi habang kumakain kami ng tanghalian. Ito lang ang tanging panahon para masabi ko sa kanya tungkol sa plano ko. Baka mamaya marami na namang bibili.

Tumaas ang dalawang kilay niya at napatigil sa pagsubo ng pagkain.

"Nangako kasi ako kay Skevon na ipagluluto ko siya ng masarap na pagkain. Magpapaalam sana ako, Nay, kung pwede sa sabado? Doon ako magluluto sa bahay niya."

Miseria Anadja Del Minrio (Siaon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon