Kabanata 25

7 0 0
                                    

Araw-araw ko nang ipinagluluto si Skevon. Bago ako umaalis ng bahay ay magluluto na ako ng agahan. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay didiretso na ako sa bahay niya. Doon na rin ako kumakain para sabay kaming dalawa. Minsan sinasadya kong dalawang ulam ang lulutuin ko para may pananghalian na siya at sa hapon ay dumadaan din ako para sa hapunan niya. Kapag maaga akong natapos at kapag hindi pa masyadong madilim ay sinasabayan ko rin siyang kumain ng hapunan. May mga pagkakataon din naman na hindi ko siya naipagluluto kapag umaalis siya.

Hindi ako nahihirapan bagkus ay nasisiyahan akong ginagawa ko ang mga iyon. Masaya ako na naipagluluto ko si Skevon lalo na at nagkakasabay kaming kumain.

Bago ko pa ginawa ito ay sinabihan ko na si Nanay para hindi na siya magtaka. Sumang-ayon naman siya sa naisip ko at masaya siya na pinagsisilbihan ko si Skevon. Kagaya ng palagi kong sinasabi, suportado kami ng aking ina.

Dumating ang araw ng sabado kaya naman nakiusap na naman ako kay Nanay na buong araw ako sa bahay ni Skevon. Sumang-ayon naman siya.

"I'll take a bath muna. Okay?" sabi sa akin ni Skevon habang nakayakap na naman siya sa akin mula sa likuran. Ang mukha niyang nakasubsob sa aking balikat.

"Okay," nakangiti kong tugon nang hinalikan niya ang leeg ko. Hinalikan niya pa ako sa pisngi bago siya tuluyang lumayo mula sa akin.

Kapag magkasama kami ay halos magkadikit kami. Palagi ay niyayakap niya ako at hinahalikan. Hindi ako nagrereklamo kasi gustong-gusto ko naman iyon.

Humagikhik ako sa naisip.

Nang matapos na akong magluto ng bulalo at kanin ay sinuyod ko ng tingin ang kabuoan ng bahay. Ngayon ko pa lang magawang lumibot dahil kadalasan ay sa kusina at sala lang kami palagi. Napadako ako sa isang bintana na malapit sa lamesa. Tiningnan ko ang labas at sa malayong banda nakita ko ang bahay ni Kuya Kairo. Nakita kong papasok siya sa bahay niya kasabay ang girlfriend niyang si Sahara na medyo lumalaki na ang tiyan dahil ilang buwan na rin itong buntis at malapit na nga silang ikasal. Nasabi na rin sa akin ni Skevon ang tungkol doon at ngayon nga ay nakikita ko na mismo.
 
Napangiti ako.

Kahit sinubok man ng tadhana ang pagmamahalan nila pero heto sila ngayon at nagpapatuloy. Kahit na nagkahiwalay man sila noon pero nagkabalikan pa rin sila. Itinadhana talaga sila para sa isa't isa.

Kagaya rin iyon sa nangyari sa amin ni Skevon. Ang pinagkaiba lang ni Sahara sa akin ay hindi siya nagmahal ng iba bukod kay Kuya Kairo kahit na nagkahiwalay man sila. Hindi siya humanap ng iba. Hindi kagaya ng ginawa ko.

Bahagyang bumigat ang aking dibdib dahil sa alaalang iyon. Napabuntong-hininga ako.

Pinilit kong iwinaglit iyon sa aking isipan at itinuon sa ibang bagay. Nagtagumpay naman ako nang mapadako ang mga mata ko sa kanang banda ko. May kaunte kasing siwang ang ding-ding na katabi ng kusina. Ngayon ko lang ito napansin sa ilang beses akong pumaparito. Lumapit ako doon at hinawakan ang siwang. Unti-unti itong bumukas. Tumambad sa akin ang mahabang hallway na tantiya ko ay dalawang metros ang lapad at sa dulo ay may hagdanan na yari sa kahoy.

Nanliit ang mga mata ko. Ano to secret passage?

Napatitig ako sa hagdanan at naisip na baka nasa ikalawang palapag ang kwarto ni Skevon. Wala naman kasi akong nakita na kwarto malapit sa sala o sa kahit sa kusina.

Nagsimula na akong lumakad patungo sa dulo dahil baka tapos na rin siyang maligo at tamang-tama pwede na kaming kumain dahil tapos na rin naman akong magluto. Nakaapak na ako sa unang baitang ng hagdan nang mapatingin ako sa kanang bahagi kung saan may pinto doon na yari sa salamin at nakabukas ito. Hindi ako tumuloy sa pag-akyat, bagkus ay pumasok ako sa nasabing silid dahil mas nangibabaw ang kuryusidad ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miseria Anadja Del Minrio (Siaon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon