Kabanata 12

12 0 0
                                    

Nakaraan...

Mabuti na lang at hindi nahalata ni Skevon na may gumalaw ng sketchbook niya. Nakakainis nga lang ang mga pinsan ni Shawnie dahil kung mapapatingin ako sa kanila ay magbubulungan sila at magtatawanan. Kapag ginagawa nila 'yon ay iniirapan ko sila.

"Ikaw pala 'yong iginuhit ni Trivajo sa last na page?" natatawang tanong sa akin ng isa sa kanila habang nagwawalis sa sahig malapit sa aking banda. Dahil maingay siya kaya naman inilista ko siya kanina sa noisy. Hindi na niya talaga napigilan at tinukso na niya ako pagdating ng hapon nang mag-uwian na.

"Hindi ako 'yon," buong pagtanggi ko habang nililigpit ang mga gamit ko.

"Ehhh? Ikaw 'yon!" matigas niyang sabi.

"Hindi nga sabi," ulit ko.

"Ikaw 'yon Del Minrio!" sigaw naman ng isa pang Lafuentera habang nagbubura sa pisara.

Tumawa silang dalawa at pati na rin ang isang pinsan nila na naghihintay sa kanila kung kailan sila matatapos maglinis ng room. Nakaupo lang ito at hindi kasali sa paglilinis kasi hindi siya maingay kanina.

Mabuti na lang talaga at nauna nang lumabas si Skevon habang tinutukso nila ako ngayon. Hindi ko kakayanin kung nandito siya habang tinutukso ako.

Pinagtaasan ko sila ng kilay. "Sige, tuksuhin niyo pa ako. Ililista ko kayo araw-araw sa noisy."

"Hoy!"

"Huwag ka namang ganyan!"

Sunod-sunod nilang pag-alma.

"Del Minrio, hindi tama 'yan," sabi naman ng pinsan nila na nakaupo lang at naghihintay.

"Ikaw? Baka kasama ka na ng mga pinsan mo bukas maglinis dito."

"Eto, naman hindi mabiro."

"Joke lang namin 'yon, Del Minrio."

"Hindi na namin uulitin. Promise."

Tumatawa silang tatlo at nag-apiran.

Inirapan ko lang sila at nilisan na ang room dahil naniinis na ako sa pagmumukha nila. Sa lahat ng pwedeng makakita, sila pa talaga? Napakamalas nga naman talaga. Ang mga Lafuentera pa talaga na kagaya rin ni Kuya Arhen na makukulit at mga pilyo. Magkamag-anak nga talaga sila.

Pero sa tuwing naiisip kong muli ang pagguhit sa akin ni Skevon ay napapangiti ako na para bang ang saya-saya ko. Halos hindi ko maintindihan ang nararamdaman.

"Wala pa nga tayong representative, eh," narinig kong sabi ng isang ginang na kausap ni Lola Ana sa labas ng bahay namin.

Kasalukuyan akong naglilinis ng bintana namin isang umaga. Semestral break na kasi namin kaya naman minamabuti kong malinis ang bahay namin gayong wala akong ginagawa. Sa katunayan may mga gagawin pa akong mga projects na ibinigay sa amin ng aming mga guro pero ewan ko ba tinatamad pa ako sa ngayon. Siguro kapag tatlo o dalawang araw bago ang pasukan ko na lang 'yon gagawin.

"Wala pa rin bang nahahanap? Bukas na ang simula ng practice hindi ba?" tanong naman ni Lola.

"Kaya nga, eh, baka wala na talaga mula sa atin. Ang taga-Corazon nakahanap na matagal na. Ang taga-Asuncion naman at taga-Matilda mayroon na rin. Nalaman ko kahapon."

Lumabas muna ako at kinuha sa harapan ng bahay ang sinampay na basahan ni Nanay.

Napatingin sa akin ang ginang, kaagad ko naman siyang nginitian.

"Hindi pwedeng wala tayong mahanap," si Lola.

"Oo nga."

"Sino ba ang pwede nating kunin?" tanong ni Lola sa kanya.

Miseria Anadja Del Minrio (Siaon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon