Kabanata 2

26 1 0
                                    

Nakaraan...

"May assignment ka na?" tanong sa akin ni Shawnie isang umaga.

Umiling ako.

"Hinihintay ko pa si Alex," tugon ko.

"Hala! Pareho pala tayo. Hinihintay ko rin siya."

Nag-apiran kaming dalawa at sabay na tumawa. Grade 10 na kami pero parasito pa rin kami. Nakakatrauma kasi gumawa ng assignment na hindi sigurado ang mga sagot. Malalaman ng buong klase na itlog ang score kasi sasagutan namin kaagad pag-simula ng klase at i-a-anounce ng aming guro ang aming mga scores.

"Huwag niyo namang kopyahin lahat. Mabibisto tayo niyan," reklamo ni Alex nang pagdating niya sa loob ng classroom ay kaagad na hinalungkat ni Shawnie ang bag niya at kinuha ang notebook na may assignment.

"Sige, hindi ko kokopyahin ang tatlong items," nakangisi kong sabi.

Kumamot na lamang sa ulo si Alex. 

"Hoy? May kuto ka ba?" tanong ni Shawnie kanya.

Masamang tumingin si Alex sa kanya. "Ha? Wala, ah."

"Bakit ka kamot nang kamot sa ulo mo?"

"Makati lang. Pero wala akong kuto," nakairap na sabi ni Alex.

"Ang astig mong lumakad at gumalaw tapos may kuto ka? Eww."

Mahina kong hinila ang buhok ni Shawnie. "Huwag ka nang makialam diyan kung may kuto ba siya o wala. One minute na lang nandito na si Maam Kalapati. Marami ka pang hindi nasasagutan. Ako, malapit na akong matapos."

"Kailangan kong malaman kasi magkatabi kami. Paano kung gumapang 'yong mga alaga niya sa buhok ko at manirahan sa ulo ko? Ang hirap pa naman magsuyod dahil sa mahaba kong buhok. Tsaka hindi ako makakatulog niyan sa sobrang kati."

Shawnie's hair is so black, straight, thick and long na hanggang baywang. Pantay ang pagkakagupit. Maraming naiinggit sa buhok niya dahil sa ganda nito. Napaka-shiny din kasi at kapag lumilingon siya mapapakanta ka na lang talaga ng 'sumusunod sa galaw' na theme song ng isang advertisement ng shampoo.

Mine is straight and long also pero hindi kasing kapal ng sa kanya at ang buhok ko ay medyo kulay brown na naka-slash ang pagkagupit.

"Problema ba 'yan? Eh, pagupitan mo para hindi ka mahirapan sa pagsuyod," sabi ni Alex at kinamot na naman ang ulo niya.

"Ayoko nga. Pagagalitan ako ni Mama kapag nagpagupit ako."

"Bakit magagalit, eh, tutubo pa rin naman. 'Di ba, Ria?" 

Tumango ako kay Alex.

Umirap si Shawnie. "Alam mo hindi iyan ang solusyon. Dapat sa 'yo nagpapakalbo para mawala ang mga kuto mo."

"Wala nga akong kuto," naiinis na sabi ni Alex at marahas na hinila ang dulo ng buhok ni Shawnie dahilan ng pagliyad nito.

"Aray!"

Napatawa ako.

Mabilis din namang binitawan ni Alex ang buhok.

"Eh, 'di, ikaw magsabi kay Mama na pagupitan ako!" singhap ni Shawnie at hinaplos-haplos ang buhok niya na nasa balikat. "Wala naman kasing problema sa buhok mo kasi sa sobrang nipis niyan isang suyod lang tanggal lahat ng kuto. Pati anit siguro kasali."

Sa aming tatlo si Alex ang may maikli at manipis na buhok. Sa sobrang nipis ay nakikita na ang scalp niya. 

"Akin na nga 'yan," biglang hinila ni Alex ang notebook niya na pinagkukupyahan namin. Mabuti na lang at tiyempo naman tapos na ako.

Miseria Anadja Del Minrio (Siaon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon