Kabanata 20

8 0 0
                                    

Nakaraan...

Ilang sandali lang ay nakarating na si Skevon sa loob ng kusina. Gulat pa rin ang mukha niya nang makalapit na sa akin.

"Nadj?"

Sinabi ko na kaagad sa kanya ang dahilan kung bakit nandito ako. "Nagpatulong kasi si Aling Eranja kay Nanay sa pagluto ng mga pagkain..."

Tinitigan niya ako.

"Tsaka isinama na rin ako ni Nanay para makatulong," dagdag ko.

"I am glad na sinama ka ng Nanay mo dito," nakangiti niyang sabi.

Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko ring sabihin sa kanya na masaya rin ako na nandito ako... pero nahihiya ako.

Hilaw akong tumawa. Napatingin siya sa likuran ko kung nasaan ang malaking lababo.

"Did you..." Halos hindi niya matapos ang sasabihin.

"Hmmm?" Sinundan ko ang tingin niya at napagtanto ko na nakatingin na siya sa mga bago kong hinugasan na malalaking kaldero at iba pang ginamit kanina ni Nanay at Aling Eranja. Medyo marami iyon.

Napabaling ako kay Skevon nang hawakan niya ang magkabila kong kamay. Uminit ang buong mukha ko.

"Did you wash all of those?" tanong niya habang nakatitig sa mga kamay ko.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at hindi makapagsalita. Napalunok ako nang marahan niyang hinaplos ang mga ito.

"Aren't you tired?" patuloy niyang tanong. Nahimigan ko sa boses niya ang pag-aalala. Malungkot kong pinagmamasdan ang mukha niyang nakayuko at patuloy pa rin na nakatitig sa mga kamay ko. Alam kong concern siya sa akin at para akong kinikiliti sa kaisipang iyon.Hindi pa rin ako nagsalita kaya naman bumaling na siya sa akin.

Napakurap-kurap ulit ako at hilaw na ngumiti. Bigla kasing lumakas ang tibok ng puso ko. "Ah...okay lang ako...Skev..."

"Really? Are you sure?" tanong niya na tila ba hindi naniniwala sa sinabi ko.

Tumango ako. "Oo, sure ako."

Tinitigan niya ako sa mga mata at parang nadadala na rin ako kaya naman napatitig na rin ako sa kanya.

Ilang sandali kaming ganoon at natigil lang nang biglang pumasok si Aling Eranja sa kusina. Mabilis kong binawi ang mga kamay ko mula kay Skevon at tinalikuran siya. Binuksan ko ang gripo at nagkunwari akong naghuhugas ng kamay sa lababo.

"Oh, Skevon? Nandito ka lang pala? Hinahanap ka na ng Lola Victoria mo," narinig kong sabi ni Aling Eranja. "Ano nga pala ang ginagawa mo dito?"

"I am just..." Halos hindi madugtungan ni Skevon ang sinasabi.

Bahagya akong napapikit.

"May kailangan ka ba?" tanong ulit ni Aling Eranja.

Napatigil na ako sa paghinga nang hindi pa rin sumasagot si Skevon.

"Naghahanap po siya ng tissue," biglang sabi ng isang boses.

Si Kiyu.

"Ah, tissue? Doon ko nilagay malapit sa despenser," pagbibigay alam ni Aling Eranja. "Hindi niyo ba nakita?"

"Alam niyo naman po, Auntie Ern, na medyo blurred 'tong paningin ni Skev 'di ba?" natatawang sabi ni Kiyu.

Malakas na tumawa si Aling Eranja. "Ikaw talaga, Kiyu, palagi mo na lang inaasar 'yang pinsan mo."

Tumawa si Kiyu. "Tara na, Skev, at ituturo ko sa 'yo kung nasaan ang tissue na kanina mo pa hinahanap." Napansin ko na parang may diin ang pagkakasabi ni Kiyu.

Miseria Anadja Del Minrio (Siaon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon