Kabanata 8

13 1 2
                                    

Nakaraan...

Umiling ako. "Hindi."

"Really?"

"Oo. Nambobola lang naman 'yon."

Tumango siya. "Okay," sabi niya sabay yuko.

"Bakit mo naman natanong?" 

Tumingin ulit siya sa akin. "Because I thought he's courting you at may balak kang sagutin siya."

Ano naman sa kanya kung sakali man na nililigawan talaga ako ni Kuya Arhen?

Napakurap-kurap ako.

"Niligawan niya kasi ang cousin ko last year pero hindi niya sinagot dahil alam niyang Arhen is not serious," dagdag niya.

"Ah..."

Ganoon pala. Akala ko kung ano na...

"Naku, 'yang si Kuya Arhen puro lang 'yan kalokohan. Marami na nga 'yang pinaiyak na babae, eh. Wala 'yang sineryoso kahit kailan. Tama ang ginawa ng pinsan mo." Sunod-sunod kong sabi. Hindi ko alam kung bakit naging mabilis ang pagsalita ko.

Napatitig sa akin si Skevon. "Good thing you are aware of it."

"Siyempre naman."

"Sorry for asking you about it."

Umiling ako. "Hindi, okay lang."

"It's just that I thought he is hitting on you at hindi mo alam ang pagiging playboy niya."

Bahagya akong napatawa. "Paanong hindi malalaman? Eh, kalat na 'yan dito sa buong paaralan na ganoon siya. Maski sa buong bayan ng Siaon alam na ang tungkol do'n."

Tumango si Skevon. "Hindi na pala kailangan na paalalahanan pa kita," sabi niya.

"Hindi na talaga kailangan. Ako pa ba?"

Bigla siyang napatawa at nakita ko ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin.

Shit. Bakit sobrang gwapo niya kung tumatawa? Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganito.

Hilaw akong ngumiti at umiwas na ng tingin sa kanya. Sa harapan na naman ulit ako bumaling. 

Naglalaro pa rin ang mga kaklase ko at si Alex. 

"Wala bang ibang nanliligaw sa 'yo? Na seryoso?" tanong niya ulit.

Hindi pa pala siya tapos?

"Wala...naman..." mahinang tugon ko.

May mga nagbibigay ng motibo pero hindi ko pinapansin tsaka ang ibang mga lalaki ay takot sa akin.

"Sabihin mo lang kung may nanliligaw sa 'yo..."

Hindi ko napigilan at napatingin ulit ako sa kanya. 

Sa harapan na siya nakatingin.

"Bakit naman kita sasabihan?" kuryoso kong tanong.

Matagal bago siya sumagot. "Para maiwasan kita..."

"Ha?" 

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"You think someone who is courting you will not be mad kapag may kausap ka na...ibang lalake?"

Tumaas ang isang kilay ko.

Hindi ko alam ang sagot.

Tumingin na siya sa akin. "Kung ako, magagalit ako..."

Napaawang ang labi ko.

"I don't want to see the girl that I am courting na nakikipag-usap sa isang lalaki."

Ha?

Napalunok ako.

Miseria Anadja Del Minrio (Siaon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon