Kabanata 7

22 1 4
                                    

Nagising ako dahil sa isang halik sa aking pisngi. Minulat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Shoven.

"Ate, kain ka na po," sabi niya.

Ngumiti ako.

"Payakap nga," malambing kong sabi sa kanya. 

Lumapit siya sa akin at niyakap ko siya.

"'Yong mahigpit po," sabi niya.

"Sige." Sinunod ko ang sinabi niya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"'Yong mas mahigpit pa."

Bahagya akong napatawa. Niyakap ko siya ng mas mahigpit pero siniguro ko na namang hindi siya masasaktan.

"Tama na po," sabi niya sabay tulak sa akin.

Tumatawa akong umiiling. "Wala ka bang pasok?" tanong ko sa kanya.

"Wala po. Sabado ngayon."

"Ay, tama nga pala."

"Ulyanin ka na po ba, Ate?"

Napatawa ulit ako.

Umakyat siya sa higaan ko at lumapit sa dingding kung saan may mga nakasabit na pictures na nakaframe.

"Gusto ko po mag-ganito." Tinuro niya ang isang picture ko kung saan kinoronahan ako bilang Mutya ng Siaon.

"Paglaki mo," nakangiti kong sabi.

"Hindi ba pwede ngayon?"

Napatawa na naman ako.

"Dapat marunong ka nang rumampa."

"Marunong na ako," proud niyang sabi. Pumunta siya sa pinakadulo ng higaan ko, nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang baywang at nagsimulang lumakad.

Malakas akong napatawa.

Pa-eks-eks kasi ang mga binti niya at parang nahihirapan siya.

Nang nasa uluhan na siya ay lumakad na naman siya pabalik sa paanan ng higaan. 

Napabangon na ako sa kakatawa.

"Ang galing ko, 'di ba, Ate?"

Tumango ako. "Mas gagaling ka pa kapag lumaki ka na."

Bigla siyang tumigil sa pagrampa. Nagulat ako nang bigla siyang tumalon patungo sa akin. 

Napasigaw akong tumatawa. Tumatawa na rin siya dahil sa kalokohang ginagawa niya. Umupo siya sa kandungan ko kaya naman niyakap ko ulit siya.

Bahagya akong napapikit.

Mabuti na lang at nandito si Shoven, may nayayakap ako.

Itinulak niya ulit ako at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Bakit ang ganda niyo po, Ate?"

Ngumiti ako. "Hindi ko alam."

"Bakit hindi niyo po alam?"

Biglang may sumagi sa aking isipan. 

"Basta ang ginawa ko noong bata pa ako ay kumain lang ako ng maraming gulay."

Sumimangot siya.

"Araw-araw ako kumakain noon," dagdag ko.

Tinitigan niya ako. "Kapag kumain ako ng gulay gaganda ako?"

Tumango ako. "Oo, kaya naman kapag nagluto ako ng gulay kumain ka na, ha?"

Nagdadalawang-isip siya pero tumango pa rin.

"Maganda ka na ngayon dahil kumakain ka ng prutas, 'di ba?"

Tumango ulit siya.

"Gaganda ka pa ng husto kapag kakain ka na ng gulay."

Miseria Anadja Del Minrio (Siaon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon