Hindi ko alam kung bakit hinintay ko si Skevon na tuluyang makalapit sa akin na dapat ay umalis na ako at umuwi na.
"I know, Drew, hurt you, Nadj," mahinang sabi niya at tila ba sigurado siya sa sinabi niya.
Hindi ako nagsalita.
Kumunot ang noo niya. "What did he do to you?" puno ng pag-aalala na tanong niya.
Umiling ako.
"Tell me, Nadj, please?" pagsusumamo niya.
Nagsimulang humapdi ang mga mata ko. "Ayoko nang pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon, Skev," lakas loob kong sabi.
Bumuntong-hininga siya. "But I wanted to know."
Tinitigan ko siya sa mga mata. "Problema namin 'yon ni Drew kaya kaming dalawa lang dapat ang nakakaalam tungkol do'n."
Nakita kong gumalaw ang adam's apple niya at napalunok siya. Nakita ko ang kaunteng pagkadismaya sa mukha niya pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy.
"Tsaka bakit mo pa gustong malaman? Eh, tapos na at nangyari na-"
"Because I care, Anadja! I care about you!" mariin niyang sabi.
Napakurap-kurap ako.
"I am so damn worried nang mawala ka. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin. Even your family here doesn't have the idea na nawawala ka na," dagdag niya.
Ako naman ngayon ang napalunok.
"Halos mabaliw ako kakahanap sa 'yo," namamaos niyang sabi. "You could end me, Nadj."
Napayuko ako dahil tumitibok na ng malakas ang puso ko.
Bakit niya sinasabi sa akin ang lahat ng 'to?
"Hindi nila alam dahil hindi naman talaga ako nawala," mahinang sabi ko. "Pumunta ako sa kapatid ko."
Iyon lang ang sinabi ko at hindi na dinugtungan. Hindi na rin kasi kailangan pa.
"Sana sinabihan mo pa rin ako," bulong niya.
Ilang sandali kaming binalot ng katahimikan.
Narinig kong bumuntong-hininga diya bago nagsalita muli. "Okay, I will not force you to tell me anymore. But even if you are not going to say kung ano talaga ang nangyari, I will find a way para malaman 'yon and I will make it sure na pagbabayaran ni Drew ang ginawa niya sa 'yo."
Dahil sa sinabi niya ay muli akong napatingin sa kanya.
Umiling ulit ako.
"He doesn't even have the slightest right to hurt you," seryoso niyang sabi.
Nakagat ko ang ibabang labi. "Skev, huwag mo nang pag-aksayahan ng oras ang problema ko. Ang problema namin."
Mabilis siyang umiling. "No! You can't stop me."
"Skev naman, eh," naiiyak kong sabi at nagfru-frustrate na rin ng kaunte kasi hindi siya nakikinig sa akin.
Ayokong madamay pa siya. Ayokong malaman niya ang lahat dahil panigurado ikakawasak ko 'yon.
Tinitigan niya ako sa mga mata at pakiramdam ko may diin iyon. "For the longest time I was just looking and let things unfold on it's own. Pero hindi na ngayon."
Bumilis na ang paghinga ko.
Umiling ulit siya. "Hindi na kita hahayaan. Hindi na ako maghihintay na lang sa tabi."
Lumandas na ang mga luha ko dahil pakiramdam ko hindi ko na kayang marinig pa ang susunod niyang sasabihin.
"You are mine from the beginning, Nadj, and now I want to get you back. I am not gonna let you slip away again. Never again."