Kabanata 17

9 0 0
                                    

Pinasakay ako ni Skevon sa sasakyan niya kahit na ang lapit-lapit na lang ng lalakarin ko. Hindi rin naman ako nagreklamo dahil gusto ko rin na makasama pa siya ng ilang sandali. 

Nang narating na namin ang harapan ng gate niya ay inihinto niya ang sasakyan. 

Nakangiti akong bumaling sa kanya. 

May kinuha siya mula sa likuran ng inuupuan ko at pagkatapos ay inilahad niya sa akin ang isang puting paperbag. "This is for you," nakangiti niyang sabi.

Nagulat ako. "Ha? Para sa akin?"

Tumango siya.

Kinuha ko mula sa kanya ang paperbag. "Ano 'to?" tanong ko sabay tingin sa laman.

Mayroong shampoo, body wash at pabango. Hindi pamilyar sa akin ang mga brands pero alam kong galing ang lahat ng 'yon sa Europe kung saan siya pumunta.

"Skev...hindi ka na sana nag-abala."

"It's okay. Gusto ko rin naman na bilhan ka."

"Nakakahiya..."

Bahagya siyang tumawa.

Sumimangot ako.

"Don't be shy, Nadj," mahina niyang sabi.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. "Salamat."

Ngumiti siya ng malapad at kasabay no'n ang paghawak niya sa pisngi ko.

Napangiti na rin ako. 

Pero kalaunan napawi ang ngiti ko nang sinundan ko ang mga mata niya. Kasalukuyan na itong nakatingin sa aking mga labi. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa ginagawa niya.

Tumingin ulit siya sa mga mata ko kaya naman napakurap-kurap ako.

At tila natigil kami sa aming ginagawa nang biglang kumulog ng malakas. Kahit na nasa loob kami ng sasakyan pero rinig na rinig ko pa rin ito.

Lumayo ako ng kaunte kaya naman nabitawan na niya ang pisngi ko. Sumilip ako sa labas at tiningnan ang kalangitan. Malapit na talagang umulan.

"Uuwi na ako, Skev," sabi ko nang hindi siya tinitingnan. 

"Okay," tugon niya.

Bumaling na ako sa kanya. "Salamat ulit sa mga binigay mo," sabi ko sabay tapik ng paperbag na nasa kandungan ko.

Tumango siya. "You're welcome."

"Sige, lalabas na 'ko."

Binuksan ko ang pinto sa banda ko at bumaba na. Hindi ko na siya tiningnan pa dahil kung gagawin ko pa 'yon baka mas lalo akong kakabahan.

Pagkasara ko talaga ng pinto ay kaagad kong narinig ang mga boses. 

Mabilis kong naibaba ang katawan ko habang pinakinggan ang dumadaan.

"Bilisan mo at uulan na. Marami pa naman akong damit na nakasampay baka maabutan tayo ng ulan dito at mabasa ang mga 'yon."

"Baka kinuha na ang mga 'yon ni Nanay. Hindi naman siguro niya hahayaan na mabasa ang mga damit mo."

Hindi ko kilala ang mga boses. 

Narinig ko ang mabilis nilang mga yapak. Dahan-dahan akong umayos ng tayo at nakita kong tumatakbo ang dalawang babae patungo sa pinakadulong palaisdaan na pagmamay-ari ng mga Verguenza.

Napahawak ako sa aking dibdib.

Mabuti na lang at hindi nila ako nakita. Maigi na rin at nakatago ako dito sa sasakyan ni Skevon. Mahirap na kung may makakakita sa akin o sa aming dalawa.

Miseria Anadja Del Minrio (Siaon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon