Kabanata 14

12 0 0
                                    

Nakaraan...

"Ang galing-galing mo, girl," masayang sabi ni Harry sabay yugyog sa akin nang bumalik na kami sa silid na nasa likod ng backstage.

Ngumiti ako dahil proud ako sa ginawa ko.

"Magaling ka na noong nagpractice ka kahapon sa bahay pero kakaiba ang galing mo ngayon," sabi naman sa akin ni Ate Shara.

"Sigaw lang talaga ako ng sigaw nang rumarampa ka na," si Harry.

"Daig niya pa ang Nanay mo, Ria," tumatawang sabi ni Ate.

Napatawa ako.

"Siyempre naman proud na proud ako sa kanya. Tapos may paikot pa sa huli. Hindi ko 'yon itinuro pero gumawa ka ng sa 'yo, girl. Very creative. Gusto ko 'yon."

Nag-apiran sila ni Ate Shara.

Isa lang ang masasabi ko sa sarili ko ngayon. 

I did great. 

Rumampa ulit kami suot ang sports attire at Filipiniana. May mga intermission number din galing sa mga talented na mga kabataan ng Siaon kapag nag-bibihis kami.

Panghuling rampa namin kung saan suot ang gown. Dark purple ang kulay na may makikintab na palamuti ang gown na suot ko. Pinatahi ito ni Nanay sa isang kaibigan niya sa Guati. Off-shoulder ang neck line at fitted ang mahabang sleeves na hanggang palapulsuhan. Inayos din ni Harry ang maalon na buhok ko, kung kanina ay nakalugay lang ito, ngayon ay nakahigh-ponytail na. Feeling ko tuloy para akong anak ng isang hari. Elegante ako tingnan. Nakadagdag ganda ang makintab at mahabang earrings na suot ko. Mas nadepina rin ang colar bone ko dahil sa suot na kwentas na makintab rin. Pinahiram lahat sa akin ang mga ito ni Ate Shara.

"Ang ganda mo, girl. Para kang sasali ng Miss Universe," puri sa akin ni Harry nang hindi pa kami pinapalabas. May kumakanta pa kasi sa stage.

"Tama ka diyan," sabi naman ni Ate.

Nagtawanan ulit silang dalawa.

Pumasok si Shawnie sa silid. Nang makita niya ako ay napadilat ang mga mata niya at napabuka ang bibig.

"Oh My God! Ang ganda ng kaibigan ko," pasigaw niyang sabi. Kaya naman napatingin sa kanya ang kasama kong contestants at pati na rin ang ibang tao na nasa loob ng silid.

Malikot siyang lumapit sa akin na para siyang tumatalon-talon. Napatawa ako.

"Ria, ang ganda mo. Sobra," puri niya ulit sa akin. Tumabi siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Inilabas niya ang cellphone niya at inilahad iyon sa kapatid niya. "Ate, kuhanan mo kami ng picture ni Ria."

Ngumiti kaming dalawa.

Pagkatapos ay tiningnan niya ang picture naming dalawa sa kanyang cellphone.

"Ang ganda mo talaga," sabi niya at hinampas ako sa braso. Napatawa na naman ako. "Para akong baliw na fan na nagpapicture sa iniidolo ko. Tingnan mo." Inilapit niya sa akin ang cellphone niya at nakita ko ngang dikit na dikit siya sa akin at ang lapad ng ngiti niya. 

Napatawa ulit ako.

"At least na-meet mo na ang iniidolo mo, Shawnie," biro naman ni Ate Shara.

Tumawa si Harry.

"Hindi ka ba kinakabahan para sa question and answer portion mamaya?" tanong ni Shawnie sa akin.

"Kinakabahan..." tugon ko. 

Iyon ang totoo. Hindi ko nga lang iniisip masyado dahil mas kakabahan ako lalo. Kahit papaano ay hindi ko iyon pinagtutuonan ng pansin gayong tumatawa ako simula pa kanina habang kausap sila Ate Shara at Harry. Tsaka pakiramdam ko naman ay makakasagot ako kahit paano. Ibibigay ko rin ang best ko para makasagot. Nasabi kasi sa amin na tungkol lang naman sa life experiences ang mga katanungan. Hindi naman tungkol sa Math ang tanong kaya okay lang.

Miseria Anadja Del Minrio (Siaon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon