Okay. Medyo break naman tayo sa KaiSoo kasi baka ma-overdose na kayo diyan. Hahaha.
PS: Hindi ko ma-foresee ang ending nito, jusko jugigo. Hahaha. Parang ayokong tapusin. WAHAHA~ Pero duh? Kaya ko ba yun?! Kaiyak. :'(
* * * * *
~Byun Baekhyun~
"Baek~" bulong ni Chanyeol sabay hila sa braso ko. "Kausapin mo na ako, please?"
Inirapan ko siya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Bahala siya sa buhay niya. Ramdam ko eh. Ginusto niya ito! At talagang pasadya dahil kasama ko siya. Ako ang kasama niyang i-tour yung mga putanginang laman ng pink bus #2 na yun!
"Baekhyun~ Baby~" bulong ni Yeol at hinila ako. "Hindi ko talaga alam na ito ang gagawin natin ngayong araw." sabi niya saka hinila ako sa likod ng isang building.
Tinignan ko siya ng masama. "Sa tingin mo maniniwala ako sayo, ha?" inis na sabi ko saka tinulak siya. "Huwag mo akong gawing tanga, Park Chanyeol."
"Baek." simula niya saka napahawak sa batok niya. "Andito naman ako eh. Hindi naman kita pababayaan. I will never ever entertain her if it's not about the school and the event." sabi niya saka tinitigan ako sa mata.
I hate it when i can see that he's not lying.
Pakiramdam ko, ako ang masama parati.
"This is the first and last time that i'll be running for the council." i said between gritted teeth. "Chanyeol... i am warning you. Sa oras na saktan mo ako, i will never give you a second chance!"
Napangiti si Chanyeol saka hinila ako para yakapin. Binaon niya yung ulo niya sa leeg ko saka hinalikan ako sa balikat. "I promise you." bulong niya na nagpangiti sakin. "And i will die keeping that promise, Baek."
Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi bago kami naglakad papunta sa bus number 2 ng SMA. Tumingin sakin si Yeol saka nag-wink bago kumatok sa pinto, ngumiti naman ako sakanya pabalik. Binuksan ito ng driver at pinapasok kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Not the Plan
FanfictionFalling in love was never Do Kyungsoo's plan. It's pretension. Text copyright © 2015 by HahuYeah [Language: FILIPINO]