Dedicated to @RenPerii :) Thank you for reading NTP! I hope you're enjoying every chapter! Godbless and stay awesome! Yeah~ haha. :D Love you mua!
* * * * *
~Do Kyungsoo~
Medyo hindi parin maganda ang aura ni Kai habang naglalakad kami papunta sa room. Nakakunot noo siya habang naglalakad at hindi ko naman siya makausap. Hindi din niya ako tinitignan at parang kahit anong oras, mananapak nalang siya bigla.
Nang makarating kami sa room, napabuntong hininga ako nang makita si Chen kasama si Lay. Agad siyang ngumiti at nag-wave nang makita kami ni Jongin.
"Uy Kai, Kyungsoo!" masayang sabi niya. "Buti andito na kayo."
Ngumiti ako ng maliit. "Pasensya ka na kung natagalan kami." sabi ko. "Uhm so, what's up?"
Tumingin si Chen kay Jongin saka napahawak sa batok niya. "Jongin, i don't really intend to bother you today." explain niya. "Pero galing kasi dito si Ms. President kanina. And she personally asked na isama ko kayo ni Kyungsoo sa number natin mamayang gabi."
Napakunot noo si Jongin. "My sister?" takang tanong niya. "Why would she ask for us?"
"Hindi ko rin alam." sagot ni Chen saka may nilabas na papel mula sa bulsa niya. "She gave me a list of students. From the senior high and college level."
Napatingin ako kay Jongin at tumingin din siya sakin. Unti-unting nawala yung inis sa mukha niya saka ngumiti nalang. Ngumiti din naman ako pabalik saka siya napabuntong hininga.
"Fine." sabi niya kay Chen. "But i didn't expect my sister to interfere again this time."
Tumawa naman si Chen sa tumango. "I'll explain everything later." sabi niya. "Hintayin lang natin yung ibang kasama, okay?"
Tumango naman kami ni Jongin at umupo nalang sa isang sulok. Dahil andito yung ibang students, hindi kami pwedeng maging sweet o anu man. Pinatong ko yung ulo ko sa kamay ko at napabuntong hininga. Ano naman kaya ang gagawin namin? Eh mamayang gabi na yung variety show.
BINABASA MO ANG
Not the Plan
FanfictionFalling in love was never Do Kyungsoo's plan. It's pretension. Text copyright © 2015 by HahuYeah [Language: FILIPINO]