Plan 6

5.6K 340 185
                                    




~Do Kyungsoo~




"Baek?!"



Biglang bumukas yung pinto at mabilis na pumasok sina Kim Jongin at ang isang Park Chanyeol. Teka! Anong ginagawa ng taong yan dito?



"C-chanyeol?" gulat na sabi ni Baek at napatingin sakin habang nanlalaki ang mga mata niya.



"Ayaw akong papasukin ni Kim Jongin at hindi ko alam kung bakit!" simula ni Chanyeol habang nakatingin kay Jongin ng masama. "I just want to tell you something and--- Wait. Are you crying?" gulat na tanong nito nang mapatingin kay Baekhyun.



Agad naman na umiling si Baek at tumawa. "Ako?" sabi niya sabay turo sa sarili. "Iiyak? Sira ka ba, Yeol?" sabi pa niya sabay tawa.



Tinignan naman ako ni Baek ng masama kaya tumawa nalang din ako. Pilit nga lang.



Lumapit naman si Chanyeol kay Baek at hinawakan ang pisngi nito. Yung mabilis lang pero namula agad ang mukha ni Baekhyun saka umiwas ng tingin. "You're lying again, Byun Baekhyun." seryosong sabi ni Yeol at umiling-iling. "Una sa lahat, i'm your bestfriend and yet sa iba ka nagku-kwento." sabay tingin sa akin. "Pangalawa, you're crying and you won't tell me. Ano ba naman yan Baekhyun? Akala ko ba ako ang bestfriend mo?"



"Bestfriend." pabulong na pag-uulit ni Baek.



Napakunot noo si Yeol. "Ano?"



"W-wala." sabi ni Baek at pilit na ngumiti. "I was just--"



"Kyungsoo, Jongin, can you please leave?" seryosong sabi ni Chanyeol at wala akong nagawa kundi ang mapatingin kay Jongin. Seryoso ang expression niya sa mukha habang pinapanood ang dalawa niyang kaibigan.



"Pero--"



"Fine." sabat ni Jongin bago pa umangal si Baek. "Come." tawag niya sakin at nagsimulang maglakad palabas ng pinto. Agad naman akong sumunod sakanya.



Pagkalabas ko ay naglalakad na palayo si Jongin kaya hinabol ko siya. Tumabi ako sakanya at nang tignan ko ang mukha niya, seryoso lang ito.



"Bat tayo umalis?" tanong ko sakanya. "Baka... umamin si Baekhyun."

Not the PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon