Plan 46

3.8K 219 55
                                    


Dedicated to @kwagung_negro :) Salamat salamat sa walang sawang support! Godbless and mahal kita, alam mo yan! xxx Enjoy reading! ^^



Sorry pala kung late yung update. Binasa ko pa kasi yung Honto Yajuu at saka kelangan ko ng few days para maka-ipon ulit ng KaiSoo feels since Aki and Tomoharu conquered my whole being for a week. hahaha. 




Anyways, i miss you all~




* * * * * 





Kahit na ayaw humiwalay sa halik, dahan-dahan na tinulak ni Jongin si Kyungsoo palayo sakanya. Alam niya kung gaano ka-"delikado" yung ganitong mga sitwasyon. Lalo na't hindi talaga siya yung tipong nakakapag-pigil ng matagal. 



"Kyungsoo." hingal na simula niya saka hinawakan yung mukha ni Dyo. "W-what happened? W-why are you doing this?" 



Umiwas ng tingin si Kyungsoo saka niyakap nalang yung leeg ni Jongin. Huminga siya ng malalim saka pinikit ang mga mata. "I want you, Kai." bulong niya saka hinalikan yung leeg ni Jongin. "I... I love you and i want you right now." 



Hinalikan niya ulit si Jongin sa labi saka dahan-dahan siyang dinala sa higaan nila. Nasa sahig pa yung dalawa nilang foam dahil kay Asher. Tinulak ni Kyungsoo si Jongin sa kama saka pumaibabaw dito. 



"K-kyungsoo..." simula ni Jongin saka pilit na umupo. Tinulak niya si Kyungsoo saka hinila para paupuin sa hita niya. Tinanggal niya yung suot niyang jacket saka pinatong kay Kyungsoo. Kinuha din niya yung kumot sa may paanan nila saka siya tinakpan. 



"Jongin..." iling ni Kyungsoo. "Please... can we just--"



"Tell me." bulong ni Jongin saka hinaplos yung mukha ni Kyungsoo. "What happened? Why are you doing this, Kyungsoo?" 



Umiwas ng tingin si Kyungsoo saka hinila yung jacket sakanya. "S-she said... she said i should leave you alone." mahina niyang sabi habang hindi tinitignan si Jongin. "That we're not married and we don't have any connection." 



Napahawak si Jongin sa ulo niya. Hindi niya akalain na pati si Kyungsoo, lalapitan ng Ate niya para lang sabihin ang lahat ng yun. He didn't expect that his sister would do such a pathetic thing. Ganun na ba siya kadesperada na paghiwalayin sila? 

Not the PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon