Plan 5

5.7K 317 64
                                    




~Do Kyungsoo~




"We shouldn't be doing this." reklamo ni Jongin habang umiiling-iling. Nagrereklamo eh sunod naman ng sunod sakin. Parang tanga lang.



Saka kasalanan niya dahil kinuwentuhan ba naman ako tungkol sa childhood nila nina Baekhyun at Chanyeol?



Inirapan ko siya. "Akala ko ba kaibigan ka?" inis na sabi ko. "If you really care for both of them, then we need to talk to Baek." mariin kong sabi at saka tumingin-tingin sa paligid.



"Yun na nga eh." biglang sabi ni Jongin kaya napatingin ako ulit sakanya. "Ako ang kaibigan pero bakit ikaw ang makulit diyan?" sabi niya na at parang may halong inis pa yung boses. Aba. Hindi ba dapat magpasalamat siya at tinutulungan ko siya?



"Eh wala ka namang ginagawa eh!" sigaw ko sakanya. "And you call yourself a friend? Sinong niloko mo?" Kaasar tong mokong na to ah.



Tumahimik nalang si Jongin saka ako tinignan ng masama. Tinignan ko din naman siya saka umirap. Akala niya siguro matatakot ako sakanya ah. Feeling niya lang yun.



Naglakad-lakad kami sa mga hallway ng school. Yung ibang rooms, may klase, yung iba naman bakante o puro mga maiingay na students lang ang laman. Puno na naman yung hallway ng mga lalakeng naglalaro ng outdoor games. Really. These people.



"Hang on." biglang sabi ni Jongin.



Nilingon ko naman siya at nagulat nang matama ang mukha ko sa may dibdib niya.



"Ah!"



Napaatras ako bigla at dahil narin siguro sa katangahan, natisod pa ako sa sarili kong paa. Talino talaga, Do Kyungsoo. Pero bago ko pa maramdaman ang pagtama ko sa sahig, naramdaman ko ang braso niya pumulupot sa may bewang ko.



Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sakanya kung saan ilang inches lang ang pagitan ng mga mukha namin. Sa sobrang lapit, nakikita ko kung gaano kaganda nung mga mata niya, yung matangos niyang ilong, makinis na balat... mapupulang labi.



Tinignan niya ako ng masama. "You really can't take care of yourself, can you?" mahina niyang sabi saka umiling at inayos ang tayo ko. Naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko kaya umiwas ako ng tingin.

Not the PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon