Plan 36

3.8K 265 163
                                    



Dedicated sa girlfriend kong si @-Yeolliepop !!! Thank you thank you sa pagbabasa ng NTP, lalong lalo na sa pag-iingay sa MB ko. haha. Love you forever~ (may forever tayo, huwag ka nang umangal. haha) MUA! xoxo~ 




* * * * *




~Do Kyungsoo~ 




"Mom?" gulat na bulong ko. 



Tinanggal ni Mommy yung suot niyang sunglasses saka nag-wave sakin. Napasandal ako sa upuan ko para umiwas sa tingin niya. Grabe. Kaya pala hindi siya nagtetext kung andito sa siya. Talagang dito sa auction pa siya nagpakita. 



"Why?" tanong ni Jongin sa tabi ko. "Sino yun?" 



Tumingin ako sakanya saka lumapit para bumulong. "Si mommy." mahina kong sabi. Agad naman na napangiti si Jongin saka natawa ng mahina habang umiiling-iling. 



"Does Mom like my jacket?" tanong niya. 



Tinaasan ko naman siya ng kilay. "So ngayon, Mommy mo na din siya?" natatawang tanong ko. 



Tumango naman agad si Jongin saka pinakita yung wedding ring na suot niya. "We're married, right?" nakangising sabi niya. Naramdaman ko naman yung pamumula ng mukha ko kaya agad akong umiwas ng tingin. 



Kinuha ni Jongin yung kamay ko para laruin yung singsing sa daliri ko. Iniikot-ikot lang niya, tatanggalin tapos ilalagay ulit. Tapos lalaruin yung mga daliri ko. Kung anu-anong ginagawa kaya hindi ko nalang pinansin. 



"1.6 million!" may sumigaw mula sa ibaba. 



Napatingin ako kay Krystal at mukhang gigil na gigil na siya sa lahat ng babaeng gusto ding makuha yung jacket ni Jongin. "1.8 million!" sigaw niya at may halong galit na yung boses niya. 



"2 million!" sigaw naman ni Mommy sa isang gilid. Napatingin ako sakanya at mukhang bored na bored pa siya. Nilabas niya yung cellphone niya at nagtext doon. 



Bigla namang nag-vibrate yung cellphone ko. Agad kong kinuha yun saka napatingin sa text niya. 

Not the PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon