Plan 48

3.5K 269 139
                                    



Dedicated to @ElyenXiOHtor ! Thank you for all the support! Godbless and i hope you'll keep supporting NTP until the end. Much love from me babe! mua~ 




* * * * * 





Napatingin si Baekhyun sa bakanteng upuan sa tabi niya. 



Mag-iisang buwan na, wala parin sina Jongin at Kyungsoo. Hindi na sila pumapasok sa EXO-A. Wala na ring tao sa dorm room nila noong binisita sila ni Baekhyun kasama si Chanyeol. Hindi alam ni Baek yung totoong dahilan, gumagawa lang siya ng assumptions. 



Napabuntong hininga si Baekhyun at sinubukan ulit itext si Kyungsoo. Hindi pa niya namalayan yung pagtabi sakanya ni Chanyeol dahil sa sobrang pag-iisip at pag-aalala. 



"Hey." mahinang sabi ni Chanyeol habang nag-aalalang nakatingin kay Baekhyun. "Okay ka lang, Baek? You look stressed." 



Tinignan naman siya ni Baekhyun saglit bago ngumiti ng maliit at umiwas ng tingin. Hinigpitan niya ang hawak sa cellphone niya at nag-scroll sa mga messages na sinend niya kay Kyungsoo. Ni isa sa mga ito, wala siyang natanggap na reply. 



"Nag-aalala na ako, Yeol." mahinang sabi ni Baekhyun habang nakakunot noo. "Paano kapag tama yung hula natin? What would happen to them?" 



Kinuha ni Chanyeol yung kamay ni Baek at hinawakan ito ng mahigpit. Ano ba ang dapat sabihin? Hindi naman niya masabing magiging okay din ang lahat, dahil pati siya, hindi niya alam kung ano bang nangyari. Hindi din niya masasabing huwag mag-alala si Baekhyun, dahil pati siya, nag-aalala na din. 



"Baek--"



Pero napatigil siya nang hilain pabalik ni Baekhyun yung kamay niya. "Don't hold my hand in public." pabulong na sabi ni Baek. "We don't know who's watching us." 



Napabuntong hininga si Chanyeol saka binulsa nalang sa bulsa ng hoodie niya yung dalawa niyang kamay. Tinitigan niya si Baekhyun at napa-isip kung kaya ba niyang patuloy na itago yung taong mahal niya? 



Fair ba yun? 



"I don't know Baek." simula ni Chanyeol. "But i think Madam Kim already know everything." 

Not the PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon