Plan 33

4.2K 280 83
                                    




~Do Kyungsoo~




Iniabot sakin ni Jongin yung ice cream na binili niya. Napatingin ako dito saka kinuha. "Thanks." nakangiting sabi ko at dinilaan yung tuktok. Strawberry at chocolate ang binili niyang flavor para sa aming dalawa. 



"Where do you want to go?" tanong niya nang paalis na si Manong sorbetero. 



Napa-shrug nalang ako. "Kahit saan." sagot ko saka kumagat sa ice cream na hawak ko. Sobrang laki naman kasi nung field. Kahit saan naman, may mapupuntahan ka diba? Napatingin si Jongin sa paligid at ituturo na sana yung carousel nang may tumawag samin. 



"Kyungsoo!!! Jongin!!! MGA HYUNG~!!!" 



Sabay kaming napatingin ni Kai sa isang Jungkook na kumakaway samin. Nasa likod niya si Taehyung na naka-headband ng parang antena ng alien. Ano nanaman bang trip ng dalawang sira ulong to? 



Kinagulat ko nang mag-wave sakanila si Jongin at tinawag niya ako para puntahan sila. Nakatayo si Kookie at V sa loob ng isang booth. Mukhang ito yung binabantayan nila o... sila yung nagtayo nung booth. Puno ng puting kurtina yung tent nila. Merong maliit na table sa gitna at may isang upuan. Naka-upo doon si V habang may hawak na maraming bundles ng papel. 



May makapal na kurtina sa likod na V na para bang may kwarto pa sa likod niya. 



"Gusto niyo bang maging first customer ng aming booth?" masayang tanong ni V habang nagpapa-cute. Ano ba naman to? Pasalamat siya cute siya ah.



Napakunot noo naman ako. "Eh ano ba tong booth niyo?" tanong ko saka napatingin sa taas ng tent nila. Wala namang label, paano namin malalaman? Kaya siguro walang pumupuntang customers dito! 



Lumabas naman si Jungkook saka sinilip yung taas ng tent. Napa-iling siya at napakamot ng ulo. "V! Akala ko ba nilagay mo na yung placard sa itaas?!" inis na sabi niya saka tumingin ng masama kay V. 



"Hindi pa ba nalagay?!" gulat na sabi ni V saka napatingin sa paligid. "Sabi nung kaibigan ko, nilagay na niya eh." tumayo siya mula sa kinauupuan niya at kinuha yung isang mahabang placard mula sa sahig. Binuhat niya ito palabas at saka sinabit. 



Lumabas kami ni Jongin para tignan yung pangalan ng booth nila. 



Wedding Booth 


Not the PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon