Plan 25

4.7K 280 78
                                    

Dedicated to @KatherinedelValle !!! Thank you so so much for reading NTP. My deepest gratitude goes to you, hindi lang dahil sa comments at votes kundi dahil sa support. :) Godbless and FIGHTING~



Para din sa reader na nag-request ng HunHan side story. Hello @dks1288 !!! *kaway kaway*




* * * * *



~Xi Luhan~



Oo na. Ako na ang naghahabol. Eh ano naman ngayon?! Ayaw pa kasing aminin na bakla din siya. Nakaka-asar! Feeling manly, eh ako nga dapat ang nagsasabi nun! Alam ko namang kahit papano, may feelings din sakin tong poker face snowman na to.



"Sehun!" sigaw ko saka lumapit sakanya. "Kumain ka na?"



Binigyan niya ako ng boring na tingin saka umiling. "Hindi pa." sagot niya. "Ililibre mo ba ako? Kasi kung hindi, hindi ako sasama sayo."



"Syempre ililibre kita!" mabilis kong sagot. "Ako pa ba, ha?"



Natawa siya saka umiling. "Konti nalang maniniwala na akong may gusto ka talaga sakin ah." sabi niya. "Nakakadala yang mga pa-sweet mo, Luhan."



Inirapan ko siya saka hinila yung braso niya patayo. "Eh may gusto naman kasi talaga ako sayo, ano ba?" mahina kong sabi. "Ayaw mo talagang maniwala?!"



Tinignan lang niya ako saka tinaasan ng isang kilay. "Sus." sabi niya at natawa ulit. "You can't fool me, you know? And besides... you keep on telling me before that you're 'manly'."



Iniwas ko yung tingin ko habang inis na inis parin. Bakit kasi sinabi ko pa yun noon?! Hindi ko naman kasi akalain na maiinlove ako sa snowman na to!



Hinila ko siya palabas ng room. "Kumain na nga lang tayo!" inis na sabi ko at tinignan siya ng masama. "Halikan kita diyan eh, makikita mo."



Agad naman siyang tumawa ng malakas saka inakbayan ako. "Ano ka ba?" tawa niya. "Lalake tayong dalawa, huwag ka nang magpaka-bading diyan. Maniniwala na talaga ako." warning pa niya sakin.



"Eh maniwala ka na kasi!!!"

Not the PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon