Plan 43

4.2K 241 33
                                    



Dedicated to @cx-parkoo_ :) Thank you for reading CBL! Godbless and keep shipping! Salamat sa lahat ng support, i appreciate them alot. :) MUA! xoxo! Love you~



Gusto ko nang pumasok sa school. Kainis maging Team August. :(





* * * * *




Sobrang dami nang tao sa EXO-A auditorium. Ito yung pinaka-malaking auditorium na meron doon at punong-puno na ito. Syempre, reserved ang seats sa harapan para sa mga VIPs at heads ng school. At ang backstage, punong-puno ng ingay at trabaho. 



Ngayon kasi gaganapin ang variety show. Ito ang highlight ng Annual EXO-A Festival. Dahil una, inaasahan ang pagpe-perform ng mga pinakasikat at pinaka magagaling na students sa school. Pangalawa, darating ang mga heads na minsan lang magpakita. At pangatlo, may mga investors at company representatives na darating. 



Bumukas yung pintuan ng dressing room nina Chen at isang hingal at pagod na pagod na Park Yura ang pumasok doon. May buhat siyang dalawang box na magkapatong at agad na lumapit si Chanyeol para tulungan siya. 



"Ate! Bat hindi mo ako tinawag?" tanong ni Chanyeol. "I could have helped you pick up these things." 



Napapunas naman si Yura ng pawis niya saka umirap kay Chanyeol. "Duh? Eh may practice kayo diba?" tanong niya saka umiling. "Anyways, brother dear, andito na yung mga costumes niyo so you could all change into them and we'll start fixing you up." 



Sabay-sabay namang tumango yung sampu at kinuha na nga yung costumes nila mula doon sa boxes. Naka-label na ang mga ito para sakto lang sa kanila yung sizes. Si Yura kasi, maliban sa pagiging reporter, isa din siyang supportive sister sa kanyang nag-iisang kapatid. 



Napatingin si Yura sa paligid. "Asan na si Baekhyun?" tanong niya habang nakakunot noo. Pinatong niya yung malaking tote bag na dala niya sa table. 



Tinaas naman ni Baek yung kamay niya. "Ate Yura, andito ako!" sabi niya saka lumapit dito. "Bakit?" 



"Tulungan mo ako." naka-pout na sabi ni Yura kay Baek. "Tulungan mo akong ayusan kayo, okay? Alam ko kasing ikaw lang ang makakatulong sakin eh." 



Tumango naman agad si Baekhyun. "Walang problema, Ate." sabi niya saka nag-thumbs up. 

Not the PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon