Plan 37

4K 270 82
                                    



Dedicated to @MsTEAhunnie :) Thank you so so much for reading my stories! Godbless and i love you so dearly. MUA! xoxo~




* * * * * 




~Do Kyungsoo~




"Asher, taga-saan ka?" tanong ni Jongin habang nakayakap parin sa leeg ko si Asher nga daw. Grabe ang cute-cute niya. Kung magkaka-anak ako, gusto ko ganito ka-pogi eh. 



Napatingin naman sakanya yung bata. "Diyan lang po." sagot niya. 



"Bata, uwi ka na." singit ni Manong guard habang pinapanood kaming tatlong. Tumingin siya kay Jongin saka tinaas yung receiver ng telepono sa may guard house. "Gusto niyo ba Sir, ipa-page ko kung sinong nakakawala ng anak doon sa may feild?" 



Tumayo naman si Jongin saka binalik ang tingin kay Asher. Nag-isip muna siya ng ilang seconds bago tumango. "Sige Manong." sagot niya. "Pero for the mean time, kunin muna namin siya. Mukhang hindi mo rin naman siya mababantayan dito eh." 



Tumango naman si Kuya Guard. Matapos nun, tumingin ako kay Asher saka ngumiti ng malaki. "Asher, gusto mo bang kumain?" tanong ko sakanya. "Kakain kami ni Kuya Kai mo." 



Lumaki naman yung mga mata niya saka tumango-tango. "Opo Mama!" masayang sigaw niya. "Gusto ko! Gusto ko!" 



Napalunok naman ako sa sinabi niya. "A-ano... h-hindi kasi talaga ako ang Mama mo, Asher." sabi ko habang dahan-dahang inaayos yung buhok niya. "Mukha ba akong babae?" 



"Opo." sagot niya saka ngumiti. "Mama kita~ Sige na po~" 



Napatingin naman ako kay Jongin. Nakangiti siya habang pilit na pinipigilan yung tawa. Inirapan ko naman siya saka binalik ang tingin ko kay Asher. 



"Wala ka bang Mama?" tanong ko. 



Napa-shrug lang si Asher bilang sagot. 



Napakamot nalang ako ng ulo saka dahan-dahang tumango. "Osige." sagot ko naman. "Pero ngayon---"

Not the PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon