Prologue

20 2 0
                                    

"Kailangan na ba talaga nating lumipat, Ma?"

"Oo, naandon naman ang Papa mo. Doon na muna kayo mag-aaral ng kapatid mo."


Habang nagsasalita si Mama ay ako naman ay nakaharap sa cabinet para mag empake na. Bukas na kasi ang flight namin pabalik sa Cebu and hindi ko alam na nakapag-booked na pala sila ng ticket para saaming tatlo ni Mama, Ako, at sa kapatid ko.


Dalawa lang kasi kaming magkapatid at puro lalake pa. Kinakailangan na naming umuwi sa Cebu at magpapaiwan naman si Mama dito sa GenSan sa Mindanao.


Nilapag ko na ang mga dadalhin kong damit habang tinutulongan ako ni Mama na ilagay ito sa bagahe ko. "Papa'no ka, Ma?" Tanong ko.


"Magpapaiwan ako dito kasama ang Lola Tasha mo, at baka mag hanap na lang din ako ng trabaho dito." Napa-buntong hininga nalang ako.


Hindi pa kasi talaga ako ready na lisanin ang GenSan dahil dito na ako lumaki at naandito na ang mga naging kaibigan ko. I can't just leave them like that, well as if i had a choice anyway.


"Pero 'wag ka mag-alala 'nak. Susunod naman ako do'n sa November." Tumango na lang ako at nagpatuloy sa paghanda ng mga dadalhin ko.


Gabi na kaya nagpasya na kaming matulog na muna dahil bukas ng 5:30pm ang flight namin. Naandon kasi si Papa and mga pinsan ko kaya for sure hindi na rin ako mabo-bored do'n.


**

Scarlett Astrid Agustin
Talaga? Aba beh pati kami nagulat ah, like as in sure ka? mamaya na talaga kayo aalis?


Gabriel Vincent Quejero
Oo nga pre, kagulat naman niyang balita mo ang aga-aga pa.


Sean Chardeux Velluego
Pati nga din ako eh, kagabe ko lang naman. Nagmamadali kasi ako mag empake kaya ayon hindi na ako nakapag-chat dito sa GC natin.


Peter Haynakomaypagasabaako
Babalik paba kayo dito? Sana 'wag na.


Sean Chardeux Velluego
What the f, nagchange kaba ng facebook name, Peter? Ambantot ah.


Peter Haynakomaypagasabaako
Pake mo, 'wag kana bumalik dito.


Gabriel Vincent Quejero
Grabe ka naman, maawa ka naman kay Scarlett. Mamimiss niyan si @Sean Chardeux Velluego. LOL!


Scarlett Astrid Agustin
Ulol!


**

"Oh, magbihis kana, Sean. Aalis na tayo." Tumango lang ako tsaka binitawan ang phone.


Pagkababa ko ay nakita ko si Lola na hinanda na ang mga gamit ko. "Hay, aalis na ba talaga kayo apo?" Tanong ni Lola.


Kumurot ng bahagya ang puso ko dahil malapit talaga ako kay Lola. Saaming dalawa ng kapatid ko ay ako ang palaging kausap ni Lola Tasha. Ito kasing si Jacoby napaka-suplado. Non-chalant din kasi ang baliw pati si Lola nadadamay niya.


"Hay, mamimiss ko talaga kayo. Mag-ingat kayo ah." niyakap ko si Lola Tasha. Pero bumitaw agad ako at umiwas ng tingin. Ayokong maiyak at kung iiyak man ako, gusto ko walang nakakakita sa'kin.


"Opo, Lola." Tumango ako. Nakita kong bumaba na rin sina Mama at Jacoby kaya tinulungan ko silang buhatin ang mga bagahe nila.


"Oh, dahan-dahan lang." Binuhat ko 'yung bagahe ni Mama dahil medyo mabigat-bigat ito at mahirap bumaba sa hagdan.


"Sige na, Ma. Aalis na kami." Pagpapaalam ni Mama kay Lola. "Una na po kami, La." Ngumiti ako.


Ngumiti lang din si Lola Tasha pabalik. "Oh siya sige, Mag ingat kayo ah." Tumango lang kami at lumabas na ng bahay.


45 minutes lang naman ang byahe namin papuntang General Santos City Airport kaya mabilis lang kami nakarating. 2hours pa ang hihintayin namin dahil 5:30pm pa ang byahe.


**


Nang makasakay na kami sa eroplano ay kumuha nalang ako ng airpods at nakinig ng music. Nasa window seat kasi ako. Habang nagta-take off na 'yung eroplano ay nakikita ko na agad ang sunset.


The sunset na nagpapahiwatig ng katapusan. Dahil maaaring hindi na ako makabalik pa sa GenSan at sa mga kaibigan ko.


Like i'm still a 16 years old, and also an incoming Grade 11 student. And hindi nga ako marunong mag commute sa jeep, mag eroplano pa kaya pabalik sa Gensan?


"Makakabalik pa ba kami dito sa GenSan, Ma?" i asked politely without looking kay Mama. Nakatitig lang ako sa malawak na lupain ng GenSan.


Naramdaman kong ngumiti ng bahagya si Mama. "Siguro, pero 'wag mo na muna alalahanin 'yon. Magiging masaya ka naman siguro sa Cebu."


I didn't responded to that. I'm not even sure kung magiging masaya ba talaga ako do'n. I've never been there before. I only heard "Cebu" pero hindi ko pa nga alam kung anong nando'n.


Nakatulog ako hanggang sa nag announce na ang piloto na ilang minutes nalang ay mag la-landing na. Nagising ako kaya tinanggal ko na ang airpods ko at ginising ko na rin si Mama para ipaalam na magla-landing na.


"Nakatulog ako." Mama said. "Ako nga rin eh." at bahagyang tumawa. Si Jacoby naman sa tabi ni Mama ay may pinapanood sa Ipad niya at naka airpods din ito. Hindi talaga siya talkative, more like; non-chalant.


"We are now here on Cebu."


Nagsi-tayuan na ang mga pasahero ng eroplano at isa-isa na nilang ibinaba ang mga bagahe para makababa na ng eroplano.


Nang nakita namin na halos 30% nalang ng pasahero ang natira ay ibinaba na rin namin ni Mama ang mga dalang gamit namin para makababa na.


"Susunduin naman daw tayo ng Tita Rochelle mo." tumango na lang ako habang buhat-buhat 'yung maleta.


Nang makababa na kami ay tumambad sa'min ang malawak na Mactan-Cebu International Airport.


"Sa wakas, nandito na tayo." nakangiting sabi ni Mama habang hawak ang phone niya. Tine-text si Tita Rochelle na magpapasundo na kami. Sinabihan lang kami ni Tita Rochelle kung saan kami maghihintay kaya pinuntahan na agad namin.


"Hayst, i miss GenSan so much. Ayoko dito, wala dito crush ko eh." i said to myself. Medyo malayo naman si Mama kaya hindi nila narinig 'yung kahibangan ko.


Pero jokes aside, if papipiliin lang ako, babalik talaga ako sa GenSan. Ayoko dito.


**
Don't forget to vote:))

Moments Of SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon