Natasha Ghianne
"Kinakabahan ka?"
Umiling lang ako. He kissed me on the forehead and smiled at me. "Don't worry, ayoko na na i-soft launch ka eh. Gusto ko hard launch para malaman na nila agad."
I just smiled at him. "Let's go?" Tumango na ako at bumaba na siya ng car. Pinagbuksan niya ako at inalalayan pababa.
Nasa harap na kami ng sasakyan niya. He closed his car door at inilahad ang kaniyang kamay. "Tara na, love?" I smiled at nakipag-holding hands sa kaniya.
Pagkapasok namin sa bahay nila ay nakita ko agad ang Mama at Papa niya. Andoon din ang Kapatid nito na kung hindi ako nagkakamali ay Jacoby ang pangalan.
Nakita ko din si Tita Rochelle at Tito Ruvy sa kusina banda habang may kinakain. "Oh, Ikaw pala, Natasha!" Masiglang bati ni Tita Rochelle.
Yayakap na sana siya sa'kin pero natigilan siya nang makita ang mga kamay namin ni Sean na naka holding hands. Nanlaki ang mata niya at biglang tumingin sa'kin kaya kinakabahan ako lalo.
"OMG!! AHHHHHH!!!" Nagsisigaw ito kaya nagulat ako. "Oh 'di ba! Sabi ko naman sa inyo eh, sila talaga ang magkakatuluyan at magkakabalikan pa sila. Hoy ikaw Ruvy! Sabi mo sa'kin dati 'di ba na wala na sigurong chance dahil nasa GenSan si Sean? oh ano ka ngayon? Team Sea-Sha ako!!"
Para itong naging rapper si Tita Rochelle kaya tumawa na lang din kami. "Uhm, Ma, Pa, Tito, Tita. Si Natasha po, girlfriend ko." Pagpapakilala ni Sean sa'kin kaya ngumiti ako.
"Hello po, Tito, Tita." I smiled and politely said.
Ngumiti naman sila. "Ay sus, alam naman namin eh." Sambit ng Papa niya kaya kumunot ang noo namin. "Huwag ako, Sean. Nakita ko dinala mo pa 'yan sa kuwarto mo noong isang gabi."
Nakita kong namula ang pisngi ni Sean at uminit rin ang pisngi ko. Narinig kong tumawa sila. "Ay ayon naman pala eh!" Tumawa lang si Tita Rochelle.
"Hay nako, Tama na 'yan. Natasha, umupo ka muna dito." At hindi nga ako nagkamali, ang babaeng kasama ni Sean sa eroplano na ngumiti sa'kin ay walang iba kung hindi ang Mama ni Sean.
"Sige po, Tita. Salamat po." I said at umupo sa isang couch.
Si Sean naman ay umupo na rin sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko, "I love you." sumenyas siya kaya napangiti ako.
Pagkatingin ko sa kusina ay nakita kong pinaghahampas ni Tita Rochelle si Tito Ruvy at tumitili ito. "Jusko! Sa KDRAMA ko lang 'to nakikita ah!" Tumawa kaming lahat sa kaniya.
"Hay nako, Sean. Anyways, Ikaw Natasha, sumama ka sa'min sa susunod na araw ah magbe-beach kami. Hindi ka pwedeng mawala do'n." Sabi ng Mama ni Sean at ngumiti naman ako.
"Sige po, Tita." I smiled. "Ay jusko 'wag na Tita, Mama na lang. Ikakasal din naman kayo 'di ba?" Namula pa lalo ang pisngi ko.
Ngumiti na lang ako at tumango. Nang tignan ko si Sean ay tumatawa ito.
**
Ang ikli 'no? syempre inaantok ang author niyo. :))
BINABASA MO ANG
Moments Of Serenity
Teen FictionSean Chardeux Velluego, an incoming Grade 11 student, needs to go to Cebu. He has to leave his town, GenSan, to study. He will now meet a Grade 12 student named, Natasha Ghianne Pataghona. She's one-year older than Sean Chardeux. "Moments Of Sereni...